Nakatulog sa pool? Coleen Garcia at Billy Crawford balik 'Showtime',Inalala ang mga pangyayare ng kanilang kasal

Nakatulog sa pool? Coleen Garcia at Billy Crawford balik 'Showtime',Inalala ang mga pangyayare ng kanilang kasal

- Nagbalik muli sa 'It's Showtime' ang bagong kasal na sina Billy Crawford at Coleen Garcia

- Muling binalikan ng mag-asawa at mga kasama nila sa 'Showtime' ang mga magagandang kaganapan sa kasal ng dalawa

- Binanggit ni Coleen na sa sobrang dami ng pakikipag-kwentuhan nila sa kanilang mga bisita, nakatulog na siya sa swimming pool

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang kanilang kasal na ginanap noong Biyernes, Abril 20 sa Balesin Island, muling nagbalik sina Billy Crawford at Coleen Garcia sa mga kapamilya nila sa 'It's Showtime'.

Ayon sa ABS-CBN news, hinarana sila ng kanilang mga kasama sa noontime show na sina Vice Ganda, Jhong Hilario, Karylle, Amy Perez, Teddy, Jugs at Vhong Navarro.

Matapos ito, pinangunahan ni Vhong Navarro ang pagbati sa dalawa ng "Mabuhay ang bagong kasal!."

Kinumusta ni Vice sina Billy at Coleen kung ano ang kanilang pakiramdam ngayon na kinasal na sila.

"Masarap siyempre kasi matagal naming hinihintay ito at ipinaglaban talaga namin ito," Garcia said. 'We are not the reason why we made it this far; ang Diyos talaga. Ang Diyos ang nagbuhat sa amin papunta rito at nakarating kami dito in one piece stronger than ever." sagot ni Coleen.

Ito ang video nang kaganapan sa 'It's Showtime' na nakuha ng KAMI sa Youtube.

Samantala, para kay Billy ang pinaka-espesyal na pangyayare sa kanyang buhay ay nang makita si Coleen na naglalakad papunta sa altar.

"Pinipigilan kong umiyak pero wala talaga," he said. "I'm so content, happy that I've found someone. Totoo 'yung sinabi ni Coleen: This is God's gift for me so I will cherish it forever." ani Billy.

Muling tinanong ni Vice ang bagong kasal kung ano ang ginawa nila matapos ang kasal.

Sinabi ni Billy na kahit sobrang pagod na sila, mas pinili pa rin nilang makihalubilo sa kanilang mga bisita.

Inabot pa raw sila ng 7:30 ng umaga sa pakikipagkwentuhan at nakatulog na si Coleen sa pool dala ng sobrang pagod.

Sina Billy at Coleen ay dating mga host ng noontime show na 'It's Showtime' kung saan din sila nagkakilala.

July 2014 nang inamin nian Billy at Coleen ang kanilang relasyon.

Makalipas ang dalawang taon, hiningi na ni Billy ang kamay ni Coleen para sa kasal.

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic | Kami Stories on KAMI Youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years

Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years

Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel