Nagpadala pa raw siya ng 'video'! Luis Manzano, nagpaliwanag kung bakit wala siya sa kasal ni Billy Crawford

Nagpadala pa raw siya ng 'video'! Luis Manzano, nagpaliwanag kung bakit wala siya sa kasal ni Billy Crawford

- Isa si Luis Manzano sa mga malalapit na kaibigan ni Billy Crawford kaya't maraming nagtaka bakita wala siya sa kasal nito

- Nagpaliwang si Luis Manzano sa isang netizen na nagtanong kung bakit wala siya sa kasal nina Coleen Garcia at Billy Crawford

- Nagdiwang din ng kaarawan si Luis dalawang araw matapos ang kasal nina Billy at Coleen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang netizen ang nagtanong kay Luis Manzano kumbakit wala siya sa mahalagang araw ng kaibigan niyang si Billy Crawford at Coleen Garcia.

Napag-alaman ng KAMI na may trabaho raw pala si Luis na di pwedeng maipagpaliban kaya wala siya sa kasal ng kaibigan niyang sina Billy Crawford at Coleen Garcia noong April 20 sa balesin Island.

"Unfortunately, I had work both days na 'di puwede mausog," he wrote, adding in jest, "Pero nag-send naman ako ng [video] sa kanya na naliligo ako kaya okay naman,"paliwanag ni Luis ayon sa ABS-CBN News.

2010 nagsimulang magsama sina Billy at Luis sa iba't ibang hosting stints.

Madaling nag-click ang kanilang tandem dahil sa kanilang natural na pagiging komedyante.

Nagkasama din sila sa grupong 'Kanto boys' ng ASAP na kinabibilangan din nila ni Vhong Navarro at John Lloyd Cruz.

Samantala, nagdiwang din ng ika-37 na kaarawan si Luis Manzano noong Abril 22.

Binigyan siya ng surpresang birthday party ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Labis itong kinatuwa ng aktor dahil nakadalo maging ang kanyang ama na si Edu Manzano.

Cheneleng Pili's success story inspires us to keep chasing our dreams. Road to success: I cried a hundred times - makeup artist and business owner Cheneleng Pili on KAMI youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Jason Abalos just posted a throwback pic and we’re freaking out

Jason Abalos just posted a throwback pic and we’re freaking out

Jason Abalos just posted a throwback pic and we’re freaking out
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel