Gawang Pinoy pala! Agaw eksenang headpiece ni Coleen Garcia nagkakahalaga ng 15,000 php

Gawang Pinoy pala! Agaw eksenang headpiece ni Coleen Garcia nagkakahalaga ng 15,000 php

- Bukod sa simple at eleganteng gown ni Coleen Garcia sa kanyang kasal, kapansin-pansin din ang sinuot niyang headpiece sa reception ng kanyang kasal

- Yari sa Cebu ang headpiece na ito na nagkakahalaga ng 15, 000 pesos

- Nakailang edit pa ang disenyo nito bago tuluyang aprubahan ni Coleen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa ganda si Coleen Garcia sa kanyang kasal kay Billy Crawfordnoong Abril 20 sa Balesin Island.

Ang kanyang napakaganda at eleganteng gown ay gawa ng isang Israeli designer na si Galia Lahav.

Pinili rin ni Coleen na manatiling simple at halos wala na siyang lagay na make-up sa araw ng kanyang kasal.

Isa rin sa kapansin-pansin kay Coleen ay ang eleganteng headpiece na sinuot niya matapos ang seremonya ng kasal.

Napag-alaman ng KAMI na ito pala ay yaring Pinoy.

Ayon sa Creative Director na si Dianne Espera ng Sepa na naka-base sa Cebu, ang headpiece ni Coleen ay yari sa hand-cut brass na may glass crystals at ito ay rhodium-plated.

Nakailang edit sila bago tuluyang aprubahan ng bride ni Billy ang disenyo ng headpiece na ito na mali-maliit ng mga dragonfly.

“They gave me pegs and [I] made my own interpretation. Of course, the headpiece had to go through a couple of edits before it was finally approved," kwento ni Dianne.

At ang presyo? Nagkakahalaga ito ng 15, 000 pesos.

Binagayan ng headdress na ito ang low-bun na ayos ng buhok ni Coleen.

Kilala ang Sepa sa paggawa ng mga kakaibang accessories.

May ilan pang artista ang nagtiwala sa paggawa nila ng Headpiece gaya na lamang ng ginamit ni Maymay Estrata sa sout niya noong nagpictorial siya para sa isang magazine.

Aneveidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic | Kami Stories on KAMI youtube channel.

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude

‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude

‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel