'Sinabi ko sa kanya, ipapatanggal kita sa GGV!' Vice Ganda umaming sya mismo ang nagpasipa kay Negi

'Sinabi ko sa kanya, ipapatanggal kita sa GGV!' Vice Ganda umaming sya mismo ang nagpasipa kay Negi

- Inamin ni Vice Ganda na siya mismo pala ang dahilan kung bakit biglang nawala si Negi noon sa GGV

- Pagbubunyag ng komedyante, ipinatanggal nya ang kaibigan dahil nagsimula itong magkaroon ng bisyo

- Ngayon ay nagbago na si Negi at parte na siya ulit ng show, na lalo pang nagpatibay sa pagkakaibigan ng dalawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinunyag ni Vice Ganda na siya mismo pala ang nagpatanggal kay Negi sa Gandang Gabi Vice! Sa kanilang guesting sa Magandang Buhay, ibinahagi ng komedyante ang mabigat na rason kung bakit niya nagawa ang desisyon.

"Pag close na close ko na, pakialamera talaga ako," kuwento ni Vice sa mga host na sina Melai Francisco, Karla Estrada, at Jolina Magdangal.

"Nung rumaraket na [si Negi], nakikita ko, 'Ay! kumekeri na si Negi. Ang saya ko na, ang dami na niyang guesting, ang dami ng raket," pagpapatuloy ni Vice.

Humingi ng permiso si Vice sa kaibigang komedyante para ibahagi ang totoong kuwento, bilang maituturing na umano itong success story.

"Eh nabalitaan ko, may mga kaibigan siyang nagbibisyo-bisyo," pagbubunyag ni Vice. Ikuwinento ng host ang kanyang babala sa kaibigan: "Pag nalaman kong nagbibisyo ka, tatanggalin kita dito sa GGV, ipapatanggal kita sa comedy bar at kakausapin ko lahat ng shows. Walang tatanggap sayong trabaho. Hindi ka magkakaroon ng raket, mamamatay ka sa paghihirap."

"Tinanggal ko siya sa GGV," pag-amin ni Vice.

Ayon kay Vice, sinubaybayan niya pa din ang kaibigan at nakita nito na unti-unting nagbago si Negi. Sinabi niya na natutunan na nitong pahalagahan ang trabaho at mga pagkakataon na ibinibigay sa kanya.

Panoorin ang buong interview dito:


"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel