'Prinsesa ako!' Kris Aquino, kinumpirma na kasali nga sya sa pelikulang 'Crazy, Rich Asians'!

'Prinsesa ako!' Kris Aquino, kinumpirma na kasali nga sya sa pelikulang 'Crazy, Rich Asians'!

- Kinumpirma na ni Kris Aquino na parte sya ng pelikula na 'Crazy, Rich Asians'

- Ayon kay Kris, hindi nya alam kung kailan ang Asian Premier ng pelikula

- Inamin din nya na maliit lang ang kanyang parte sa pelikula, ngunit gagampanan nya ang role ng isang prinsesa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmado na na kasali si Kris Aquino sa pelikulang 'Crazy, Rich Asians' na ipapalabas na sa Amerika sa August 17.

Ayon sa aktres, gagampanan nya ang role ng isang prinsesa, ngunit inamin nya na hindi naman malaki ang kanyang parte sa pelikula.

"Dadalawa lang naman ang eksena ko, pero prinsesa ako," sagot ni Kris sa isang interview sa ABS-CBN noong April 20. Ito ay kasunod ng pagrelease ng unang trailer ng kaabang-abang na pelikula.

Pag-amiin din ni Kris, hindi sya sigurado kung kailan ang premiere ng pelikula sa Asia. "I have no idea [kung kailan ang Asian premiere]. Ayaw ko namang magpaka-feeling," sabi niya.

Ipinakita sa trailer ang magarbong buhay ng mga mayayamang Asiano na punong puno ng mga mamahaling damit, sasakyan, at engrandeng bahay.

Pinagbibidahan ng mga Asian stars ang palabas katulad nina Constance Wu, Henry Golding, Gemma Chan, at Lisa Lu. Base ang pelikula sa libro na isinulat ni Kevin Kwan.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel