"Tataasan ko na lang sila ng kilay" Maricel Soriano, umaming walang pakialam sa mga bashers online!

"Tataasan ko na lang sila ng kilay" Maricel Soriano, umaming walang pakialam sa mga bashers online!

- "Ginusto niyo yan!" Ito lang ang masasabi ni Maricel Soriano sa mga artista na nababash sa social media

- Ayon sa beteranang aktres, maswerte sya at wala pang internet at social media noong panahon niya

- Umamin din ang aktres na sa edad niyang 53 years old, pagod na siyang makipag away, online man o sa totoong buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kilala sa pagiging pranka ang Diamond Star na si Maricel Soriano. Nang tanungin sya kung anong maipapayo nya sa mga artista na nababash online, ano kaya ang masasabi nya?

"Magdusa kayo! Gusto niyo 'yan!" bulalas niya. "Ano ang sasabihin ko... o ayan! Magdusa kayo diyan. Payo pa ni Maricel, "Pupuwede naman na wala 'yan. E, di mag-ano ka, sign off."

Ayon kay Maricel, maswerte sya na hindi nakaranas ng bashing sa social media noon.

"“Wala naman akong Facebook, wala naman akong ganoon." Dagdag pa niya, hindi magandang bagay ang makipag away at makipagsagutan, lalo na sa mga taong hindi mo naman kilala o nakikita.

"Mahirap makipag-away sa hindi mo nakikita. Ayoko ng ganyan, ayoko ng mga away-away." Inamin din nya na hindi nya ginustong gumawa ng social media accounts. "Never akong nag-Facebook. Bakit mo pa gugustuhin na magkaroon ng kaaway?"

Ngunit, hindi ibig sabihin na uurong siya sa mga bashers.

"Huwag na, live na lang, sapakan agad! Yun pala ang gusto, di ba? Hahaha!" natatawang biro pa ng Diamond Star.

Pagseseryoso ni Maricel, wala na siyang panahon para sa mga ganitong klase ng away. Ang mahalaga sa industriya para sa kanya ay respeto.

"Gusto mo pa ba yun, sa edad kong ito? Ayoko. Ang importante sa akin, yung respeto. Ayoko ng binabastos ako nang ganoon. Sa edad ko ba namang ito?," pag-amin ng Diamond Star.

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" Anna revealed why being a single parent is the hardest decision has ever made. Know more about this story on KAMI Youtube Channel! 

Source: Kami.com.ph

Related news
Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video

Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video

Sarah Geronimo’s sizzling performance goes viral; Matteo’s reaction caught on video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel