Angel Locsin, naging emosyonal sa birthday party sa fancy restaurant kasama si Neil Arce

Angel Locsin, naging emosyonal sa birthday party sa fancy restaurant kasama si Neil Arce

- Nagdiwang ng 33rd birthday si Angel Locsin kahapon

- Nagkaroon din siya ng birthday party sa isang fancy restaurant kasama ang nobyong si Neil Arce

- Naging emosyonal ang Kapamilya star sa kaniyang celebration

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Siguradong marami na namang kinilig sa celebrity couple na sila Angel Locsin at Neil Arce.

Napagalaman ng KAMI na nag-viral ang video ng birthday party ni Angel.

Makikita sa video na naging emosyonal ang aktres ng bigyan siya ng mga birthday cakes at kantahan pa siya ng “Happy Birthday” sa isang bonggang restaurant, habang katabi niya ang kaniyang nobyo.

“I thought today will be just like any other day. It turned out to be one of the BEST BIRTHDAYS I've ever had. Thanks to the overflowing love I received from all of you.

“Seriously, I’m amazed on how many of you remembered my birthday and left me wondering what I did to deserve your time and effort! From the bottom of my heart, thank you! I’m humbled to have so many wonderful people in my life! PS.

“Thank you my love @neil_arce and my Team @jd_ching @patriciaco at nailaban nyo mag salubong kahit paano kahit matigas ang ulo ko,” sabi ni Angel sa Instagram.

Nagdiwang ng 33rd birthday si Angel kahapon, April 23.

Noong siya ay naging 14, ang nakasama lang ni Angel ay ang kaniyang ama na si Angelo Colmenares habang hindi na niya muling nakasama pa ang kaniyang ina.

Nagsimula niyang i-date si Neil noong nakaraang taon.

Si Neil ay isang film producer. Siya ay ex-boyfriend ng isa pang Kapamilya star na si Bela Padilla.

Wala namang hidwaan sa pagitan ni Angel at Bela sa kabila ng pagkakaugnay nila kay Neil.

Hiling ng KAMI na magkaroon pa ng maraming success at ng mabuting kalusugan si Angel!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single Moms Out There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang

May karamay na siya! Hachiko, sinamayan ng isang pusa sa kanyang pag-aabang
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel