Korina Sanchez nag-post ng masayahing pic sa gitna ng mga isyu sa kanila ni Kris Aquino

Korina Sanchez nag-post ng masayahing pic sa gitna ng mga isyu sa kanila ni Kris Aquino

- Nag-post ng isang napakasayang photo si Korina Sanchez sa kanyang IG

- Ito ay nagpapakita ng journalist na nakasakay sa merry-go-round

- Ang caption ng larawan ay nagsasabi na "stay happy" daw

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa bilis na mag-spread ang balita ngayon (salamat sa social media), malaki ang posibilidad na nakarating na kay Korina Sanchez ang mga patutsada ni Kris Aquino.

Kahit na hindi inamin ng batikang journalist na alam na niya ang tungkol dito, mayroon siyang pinost sa IG na iniisip ng marami na baka nga eto na ang reply niya kay Tetay.

Sa larawang pinost ni Korina, siya ay nakasakay sa merry-go-round at abot hanggang tenga ang ngiti.

Naka-wave pa ang kaliwang kamay niya sa hangin.

Nalaman ng KAMI na ang caption sa larawan ay puro positive vibes, walang bahid ng kung anong negativity.

Eto ang sabi ni Korina sa caption na shinare ng PEP, "Life is like a merry-go-round. Remember to ride with the eyes of a child & stay happy!"

Kamakailan lang naging sentro ng kontrobersiya si Kris Aquino dahil sa mga sinabi niya laban kay Korina Sanchez.

Ang puno't dulo nito ay ang pagpapalabas ni Korina sa Rated K ng episode kung saan pinoportray si James Yap na mabuting ama.

Dito na nagalit si Krissy at nagtalak nang husto sa IG.

Si Korina Sanchez ay asawa ni Mar Roxas na tumakbong bise presidente ni Noynoy Aquino.

Kahit na may diumano'y bangayan sina Kris at Korina, inendorso pa rin ni Kris si Mar.

Sa mga post ni Kris laban kay Koring, humingi ng paumanhin si Kris kay Mar at sa ina nito.

Who is the woman beside Maja Salvador? on Kami YouTube channel This video shows where the amazing Maja Salvador got her great looks and bod!

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel