Solenn Heussaff ibinunyag ang dahilan ba't di pa siya buntis hanggang ngayon

Solenn Heussaff ibinunyag ang dahilan ba't di pa siya buntis hanggang ngayon

- Hanggang ngayon hindi pa buntis si Solenn Heussaff

- Sa isang interview, inihayag ng aktres ang tunay na kadahilanan nito

- Marami pa raw kasing mga projects na kailangang tapusin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kung family planning ang pag-uusapan, isa na siguro si Solenn Heussaff sa talagang nagfo-follow nito. May mga priorities daw ang model at aktres, lalo na sa career, kung kaya't di pa siya buntis hanggang ngayon.

Ito ang mga dahilan ni Solenn nang siya's mabigyan ng pagkakataon na sagutin ang katanungan tungkol dito.

Nalaman ng KAMI na aminado si Solenn na nung hindi pa siya kasal, inakala niyang mabubuntis siya "by accident, at mapupunta siya sa isang lalake na kailangan niyang buhaying at alagaan.

“Ako yung tipong babae noon na I would think na I would have gotten pregnant by accident, that I would have ended up with a guy I would end up having to work for and take care of.

“Kasi I’m very… di naman ako baliw, but my type of boyfriends before, yung mga guys na may problema, na gusto ko silang ayusin.

“I thought my fate would be to have a harder life with many children unexpected!” natatawa niyang sabi.

"But fortunately for me, God has planned otherwise."

Sabi ng 32-year-old actress, lahat daw ay naganap sa tamang pagkasunud-sunod.

"So everything happened in order: nag-date ako muna, tapos naging fiancé, 'tapos I was married, and I’m taking my time to build a family."

Ayon sa report, may mga kailangan pang tapusin si Solenn ngayon kung kaya't ang pagbubuntis ay ipagpaliban muna.

Saad niya, baka next year, maisingit na rin daw nila ng kanyang mister ang pagkakaroon ng anak.

Isang modelo, aktres at TV host si Solenn Heussaff.

Kasal siya sa Argentinian na negosyante na si Nico Bolzico.

Sa July, magiging 33-years-old na siya at ayaw daw niyang umabot ng 37 bago magkaanak.

Who is the woman beside Maja Salvador? on Kami YouTube channel This video shows where the amazing Maja Salvador got her great looks and bod!

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years

Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years

Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel