Sumagot ang Malacañang sa viral post ni Kris Aquino ukol kay Pangulong Duterte

Sumagot ang Malacañang sa viral post ni Kris Aquino ukol kay Pangulong Duterte

- May positibong social media post si Kris Aquino ukol kay President Duterte

- Nagbigay ng pahayag ukol dito si Harry Roque, ang spokesman ng Presidente

- Mensahe ng Palasyo para kay Aquino: “Welcome on board”

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Matapos purihin sa social media ni Kris Aquino si President Rodrigo Duterte, nagbigay ng pahayag si Presidential Spokesperson Harry Roque ukol sa “Queen of All Media.”

Napagalaman ng KAMI na binigyan ng mainit na pagsalubong ni Roque si Aquino sa kanilang panig.

Ni-report ng GMA Network ang pahayag ni Roque ukol sa issue:

"Welcome on board Kris Aquino…

"Ang nabasa ko sa statement niya...walang masamang ipinakita si Presidente Duterte sa kanya at sa kanyang pamilya noong nangangampanya siya para sa kanyang kapatid sa Davao."

"At alam mo yun din ang sinabi sa akin ng Presidente. Si Presidente noong [19]86 Revolution nagsuporta kay Cory at lahat ng kampanya ng pamilyang Aquino suportado ni Presidente Duterte sa Davao and the mother of course of the President," sinabi ni Roque, ayon sa GMA Network.

Ito ay kaugnay sa post ni Kris na malinaw daw sa kaniya kung bakit natalo ni Duterte si Mar Roxas sa pagka-Pangulo noong 2016 election.

Pinuri rin ng aktres ang Pangulo dahil sa mainit na pagtanggap sa kaniya nito sa tuwing pupunta siya sa Davao.

Nagalit si Aquino sa asawa ni Roxas na si Korina Sanchez dahil sa positibo niyang feature sa “Rated K” ukol kay James Yap.

Dating asawa ni Aquino si Yap.

Ninanais ng KAMI na maayos na ang kontrobersiya at alitan sa pagitan ng iba’t-ibang political camps!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single MomsOut There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton

Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton

Agad-agad? Jason Abalos finally opens up about alleged next level status with girlfriend Vickie Rushton
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel