Ito ang pinagmulan ng galit! Video ng Rated K feature ni James Yap na ikinagalit ni Kris Aquino

Ito ang pinagmulan ng galit! Video ng Rated K feature ni James Yap na ikinagalit ni Kris Aquino

- Naglabas ng sama ng loob si Kris Aquino matapos i-feature si James Yap at Michela Cazzola sa "Rated K"

- Kamakailan lang ay may matatapang na rebelasyon si Kris sa dating asawang si James

- Umani ng magkakaibang reaksyon mula sa netizens ang issue

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talaga namang marami ang gustong makaalam kung ano bang episode ng Rated K ang ikinagalit ni Kris Aquino kay Korina Sanchez.

Tila marami rin kasi ang di nakapanood kaya naman na-curious ang karamihan kung ano ba ang naganap sa guesting nila James Yap.

Nalaman ng KAMI na pinagusapan sa guesting ni James at Michela Cazzola ang pangalawang pagbubuntis ni Michela at kung ano pang mga paghahanda ang ginagawa nila ngayong lumalaki na lalo ang pamilya nila.

Marahil ay nagalit si Kris dahil nangyari ang pag-ere sa episode na ito sa show ni Korina dalawang araw lang matapos mag-post ni Kris sa Instagram niya ng sunod-sunod na patutsada laban kay James.

Watch the video below:

Sinabi ni Kris na sampal sa mukha niya ang pag-feature kanila James sa Rated K samantalang full support siya sa pangangampanya para sa asawa ni Korina na si Mar Roxas noong 2016 elections.

"Sampal sa mukha ko ang inilabas na feature ngayong gabi nung misis ni Mar Roxas.

"Yes pinepersonal ko dahil binuwis ko ang kinabukasan namin ng mga anak ko ng walang inasahang kapalit.

"At ang ganti sa kin at sa mga anak ko ngayon ay binida pa ang deadbeat na tatay..." pahayag ni Kris.

Mukang lalong lumalalim ang issue na ito ng dating mag-asawang si Kris Aquino at James Yap.

Si Kris at James ay nagkaroon ng civil wedding sa bahay ni Boy Abunda noong July 10, 2005.

Si Bimby Yap ay ang kanilang naging anak na nag-celebrate ng kanyang birthday noong Huwebes, April 19.

Ang annulment ng kasal nila ay napagtibay noong 2012.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude

‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude

‘Not for you to say!’ Mariel De Leon gets bashed for posting how her co-workers find her attitude
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel