Coleen Garcia ipinaliwanag kung bakit mas pinili niyang magsuot ng simpleng wedding gown

Coleen Garcia ipinaliwanag kung bakit mas pinili niyang magsuot ng simpleng wedding gown

- Ipinaliwanag ni Coleen Garcia kung bakit mas pinili niyang magsuot ng simpleng wedding gown

- Kinasal sila Coleen at Billy Crawford noong Biyernes, April 20

- Si Galia Lahav, isang Israeli designer, ang gumawa ng wedding gown ni Coleen

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinabi ni Coleen Garcia ang dahilan kung bakit mas pinili niya magsuot ng isang simpleng gown, ayon sa report ng PUSH.

Marami kasi ang nagtaka na afford naman nila gumasta ng mas bonggang gown pero napaka-simple lang ng gown na isinuot ni Coleen noong kasal nila noong Biyernes, April 20.

Nalaman ng KAMI na si Galia Lahav na isang Israeli designer ang gumawa ng kanyang gown.

Ayon sa PEP, ang ready-to-wear line ni Galia ay nagkakahalaga ng $6,000 o PHP300,000.

Simple man ang design pero mahal pa din ito.

Marami rin ang nakapuna na litaw na litaw ang ganda ni Coleen sa araw ng kanilang kasal.

Sa panayam ni Coleen sa PUSH, ipinaliwanag niya ang dahilan sa pag-pili ng gown. Sinabi din niya na huwag daw sana mag-expect masyado ang mga tao sa gown niya dahil simple lang daw talaga ito.

"Actually wala siyang alam sa gown ko, he doesn't want to know anything about my gown. As an artist, I really get to wear a lot of gowns.

"I wanted this one to be different in the sense na, I want it to be the only gown I would wear na 'me' very me.

"It would just be, it will reflect my personality, so it's a very simple gown.

"It's simple but it has a twist to it. So you know there's something special about it.

"The cut it's just really simple. I don't want anyone to expect much out of it. Because it's really just you know something I would wear like it's me as Coleen and not as an artist," paliwanag ni Coleen.

Watch the video below:

Nabuo ang espesyal na pagtingin sa isa't isa nina Billy Crawford at Coleen Garcia noong nagkatrabaho ang dalawa sa noontime show na It's Showtime.

Umamin sila sa publiko tungkol sa kanilang relasyon noong 2014 at na-engage naman sila ng December 2016.

Bago ang mismong kasal nila, nag-host ang couple ng isang all white welcome party para sa kanilang mga guests noong Huwebes, April 19.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion

Dream come true! Julia Barretto shares a glimpse of her almost finished mansion
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel