Nag-viral ang ASAP debut performance ni Ryza Cenon with Kim Chiu at Maja Salvador

Nag-viral ang ASAP debut performance ni Ryza Cenon with Kim Chiu at Maja Salvador

- Nag-tanghal si Ryza Cenon sa ASAP sa pinaka-unang pagkakataon

- Kasama niyang sumayaw sila Maja Salvador at Kim Chiu

- Nalaman na rin ang mga unang proyekto ni Ryza para sa Kapamilya network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagpakitang gilas si Ryza Cenon sa Kapamilya network kahapon, April 22, sa kaniyang kauna-unahang pagtatanghal sa ASAP.

Napag-alaman ng KAMI na kasama si Maja Salvador at Kim Chiu sa ASAP debut ni Ryza.

Ang performance nila ay isang matinding dance number kasama ang ilang mga male dancers ng ASAP.

Ngayong Abril, marami ang nagulat matapos ianunsiyo na lilipat na si Ryza sa ABS-CBN.

Siya ay isang Kapuso simula pa ng sumali siya sa StarStuck noong 2004.

Ang huli niyang proyekto para sa GMA ay “Ang Ika-Anim na Utos.”

Ang pinaka-una naman niyang proyekto para sa Kapamilya network ay “Ang Probinsyano,” na pinagbibidahan nila Coco Martin at Yassi Pressman.

Matapos nito, siya naman ay magiging isa sa mga bida ng bagong teleserye na pinamagatang “The General’s Daughter.”

Makakasama niya sa soap opera sila Angel Locsin, Maricel Soriano at Janice de Belen.

Nais kayong paalalahanan ng KAMI na huwag matakot kagaya ni Ryza Cenon na mag-take ng risk para sa inyong career!

"It's hard to be a mother and it's hard to be a father. Can you just imagine how difficult is it for one person to play the role of two?" To All Single MomsOut There (Parenting Documentary) – on KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na

Ang tamis! Nikki Valdez at Luis Garcia, ikinasal na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel