'Gold digger' daw? hindi no! A Pinay shares her ups and downs in marrying a foreigner, it is more about love than money

'Gold digger' daw? hindi no! A Pinay shares her ups and downs in marrying a foreigner, it is more about love than money

- Regina Hoover proudly shares her story about her life being married to a foreigner

- She even has a facebook page "Life of a Pinay mother with a foreigner husband"

- Her story proves that not all Filipina who marries foreigners are just after their money

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

One common misconception about 'Pinays' marrying a nonnative is that they are just after the 'better' life this foreigner could possibly give them.

That is why, most of them are called 'gold diggers' 'with American financer' 'after a walking dollar' etc.

But this Pinay proves that she is not one of those.

Regina Hoover is just one proof that marrying a foreigner can really be because of 'love'.

She, together with her husband and two sons, are here in the country, facing the same challenges like all Filipino families do.

They are happily married for 9 years now, and still going strong to forever.

Here's the one of a kind story of Regina Hoover and her "Life as a Pinay mother with a foreigner husband"

"In the other part of the world, someone's waiting to love me" Nagkakilala kami ng husband ko sa isang datingsite online. Naging magkaibigan hanggang sa naging mag kasintahan online. Sulat, emails, video calls at phone calls ang aming communications. Binata sya 31 years old at 24 naman ko. Nag propose sya sa akin sa pamamagitan ng pagpapadala ng white roses at letters saying..Will you marry me? Sagot naman ko ng Yes kahit hindi pa kami nagkikita ng personal.

Nahulog na loob ko sa kanya at ganun din sya. Kaya after 9 months lumipad sya dito sa Cebu para magkita kami at magpakasal. Inaayos namin mga papeles para sa kasal pero biglang nagkasakit at namatay ang Tatay ko kaya na cancel ang wedding at venue namin. Galing ng province ko bumalik kami ng Cebu at dahil wala na kaming pera panggastos nagpakasal pa rin kami sa civil kasama limang witnesses na ka trabaho ko at kaibigan. Ang reception namin ay sa isang All you can Eat Restaurant. Ang aming pagsasama dito sa Pilipinas ay may ups and down din. May time na wala pang trabaho ang husband ko at ako lang nag tatrabaho.

May time na makakarinig ka ng mga Pinoy na nagsasabi na "gold digger, financer ko si kano, walking dollar at iba pa. Ang hindi nila alam na mahirap din ang asawa ko at sahod ko lang din ang inaasahan namin. Hindi na bumalik sa bansa nila at dito na sya nanirahan. Challenge din ang paghahanap nya ng trabaho pero dahil sa pursigido syang makapag trabaho, natanggap sya bilang isang Retail Floor Manager ng isang Filipino owned Hardware store. At nagkaroon pa sya ng ibat ibang trabaho pagkatapos noon. Habang ako tuloy parin ang trabaho.

Masaya kami after two years dahil magkaka baby na kami pero nakunan ako. Sa apat na taon naming pasasama, hindi kami biniyayaan ng anak dahil nagkaroon ako ng PCOS (polycystic ovary syndrome). Hanggang umuwi ang asawa ko sa kanila para ihatid sa huling hantungan ang kanyang Ina. Pagkatapos ng isang buwan bumalik sya muli sa Pilipinas at patuloy ang aming buhay. Napagkasunduan namin na huminto na lang ako sa pagtatrabaho dahil gusto naming magkaanak. Kaya nabuntis ako sa panganay namin at pinangalan namin sya Jr. Masarap sa feeling na finally Parents na kami. First sa lahat.

Masaya ang naramdaman namin bilang magulang pero ang pinakamasakit ay yong na diagnosed si Jr na may Autism Spectrum Disorder. Naroon ang pangangamba na paano na sya kung dumating ang panahon na wala na kami? Magiging independent pa ba sya? Makakapagsalita pa ba sya? Tanggap at mahal namin ang aming anak kaya ginagawa namin lahat para tulungan sya. Nasundan pa kami ng isa pang lalaking anak. Ngayon 4 yrs old na si Jr at 3 years old naman si bunso. Stay at home Mom parin ako at si Husband ay nagtatrabaho parin dito sa Pilipinas. Para sa kanya, nasa Pilipinas na ang buhay nya. Kung saan kami dadalhin ng kapalaran dapat sama-sama kaming pamilya.

Hindi sya aalis ng bansa na hindi kami kasama. Nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil sa lahat ng nangyari sa buhay namin, naroon Sya para kami ay protektahan at gabayan. Para sa amin, simpleng pamumuhay lamang kasama ng pamilya ay sapat na. Makitang malusog at maging mabubuting tao ang aming mga anak kay kayamanan na. Nag celebrate kami ng aming 9th years of marriage last January at pinapanalangin namin na mag cecelebrate pa kami ng marami pang taon.

Signing off Pinay Mother with Foreigner Husband

An evidence of true and unconditional love. This phenomenal Filipino love story will make you believe in magic on KAMI Youtube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
5 Filipino celebrities who had conflicts with their parents

5 Filipino celebrities who had conflicts with their parents

5 Filipino celebrities who had conflicts with their parents
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel