OFW's Inspiring Story: "Lagi pong may Himala"

OFW's Inspiring Story: "Lagi pong may Himala"

It's really heartbreaking that when you try to search a picture of an OFW online randomly, photos of abused Filipina will be the first to come up.

It seems that certain number of our fellow Filipino who is working abroad are experiencing maltreatment by their employers. Some seek for help, some just have to endure the pain thinking that they need the money to send for their loved ones.

These kind of frightening stories about OFWs are far different from Joanna's.

Lucky for her, She doesn't have to experience all those traumatic events.

With faith and perseverance as her weapon to fight loneliness away from her family, Joanna Turingan is all smiles working in Jordan.

Here's her Inspiring Story:

_________________________________________________________________________________

Kapalaran ko sa ibang Bansa

OFW's Inspiring Story: "Lagi pong may Himala"

From Sender Joana Turingan

Hello Po!

"Ako Po Si Joana Turingan At Taga Isabela Na Kasalukuyang Nakikipag-Sapalaran Din Dito Sa Bansang Jordan. Noon Pa Man Nanga-ngarap na akong makapangi-bang bansa Dahil gustong-gusto Ko po makasakay ng eroplano, makahawak ng madaming pera at mabili ko lahat ng gusto Kong bilhin at higit sa lahat ay maisakatuparan ko na ang matagal ko ng minimithi na makapagpatayo ng sariling bahay. Lagi Ko pong Itinatatak Sa aking Kaisipan Na kapag ako ay nakapag-abroad Mababago na ang buhay Ko/namin At Hindi Na Kami Magkaka-problema sa pera. Bread winner po ako sa aming magkakapatid na at ako ang panganay.

Broken family Kami at lumaki kaming limang magkakapatid sa pangangalaga ng aming pinakamamahal na Lolo at Lola. Last year December 10 2016 ng lisanin ko ang Pinas Papunta dito. Kahit isa sa mga kapatid ko at kamag-anak ko wala pong naghatid sa akin Dahil narin sa kagustuhan ko na huwag na nila ako ihatid para Hindi ako mag-iiyak at Hindi bibigat ang aking kalooban. Pagtunton ko palang ng NAIA tumingala ako sa langit at sabay bigkas ng Salitang "Lord Ikaw Na Po Ang Bahala Sa akin. " Sa Loob Ng Eroplano Halos Manginig-Nginig Ako At May Halong Tuwa't Saya Kasi Sa Wakas Makakasakay Nadin ako na dati-rati Kapag nakakakita Ako Nito Kumakaway Pa Ako Na Parang Bata At Sabay Sabi Lang Sa Sarili Ko Na Balang Araw Makakasakay Din Ako Sayo. Sa Siyam Na Oras Na Pagbibiyahe Sa Himpapawid Hindi Ako Nakatulog O Natulog Man Lang. Sumasabay Sa Paglipad Ng Eroplano Ang Aking Kaisipan Sa Pinas At Sa Jordan.

Tumutulo Luha ko Kasi Iniisip Ko Ang Lola Ko At Mga Kapatid ko Lalo Nat mas lalong mapapalayo na ako sakanila. Sa Maynila Pag May Isang Libo Lang Makaka-Uwi Na Ako Ng Isabela Pero Sa Abroad Kulang Pa Yata Ang 10K Pag Uuwi. Habang Inaalala Ko Sila, Inaalala Ko Din Ang Dadatnan Kong Employer? Ni Hindi Ako Nag-Isip Ng Mga Negatibong Bagay, Bagkus Idinadalangin ko lang Kay God na Sana Kung Sinuman Sila Na Magiging Employer Ko Naway Mababait Sila. Hindi Sila Nananakit Katulad Ng Mga Napapanood Ko At Higit Sa Lahat Tratuhin Nila Ako Ng Mabuti. Pagkadating Ko Ng Jordan Diretso Agency At Kinahapunan Sinundo Na Ako Ng Driver Ng Magiging Boss Ko.

Sobrang Lamig Ng Araw Na Yun Kasi Winter Pala Dito Noon. Pagkadating Ko Ng Bahay Ng Magiging Amo Ko, Yung Maliit Kong Mata ay nanlaki Dahil napakalaki ng Bahay. Habang NASA Pintuan Ako At naghihintay sa pagbubukas ng pinto yumuko ako panandalian At Muling binigkas ang "Lord Ikaw Na Po Ang Bahala Sa akin. "Pagkabukas ng pinto sinalubong ako ni madam at ng kanyang anak na babae at niyakap nila ako pareho. Sa sobrang saya ko napatulala nalang ako at halos Hindi ko maibigkas-bigkas ang Pagbati ko sa kanila ng good Afternoon.

Hinayaan MUNA nila ako na makapag-pahinga Dahil paniguradong pagod daw ako sa byahe. Kinabukasan pagka-umpisa ko sa pagtatrabaho ,halos Hindi ko Alam kung saan ako mag-uumpisa Dahil tanging storage room lang naman ang itinuro Sa akin kung saan nandoon ang lahat ng mga kagamitan sa paglilinis. Hinahayaan lang ako ni madam na magtrabaho at magkikilos sa Loob ng bahay nila. Sa pagkain Hindi ko rin halos malunok at makain Kasi kakaiba ang mga lasa ng mga niluluto nila. Tuwing sinusubukan Kong kainin ang mga pagkain nila isinusuka ko Kaya ang ginagawa ko Nagtitimpla Nalang ako ng KApe Tsaka Nilalagyan Ng Kanin At Nakukuntento Naman Na Ako Doon Basta Ang Mahalaga May Laman Ang Tiyan. Ng Mapansin Ni Madam na Hindi Ako Kumakain sa mga Pagkain Na Niluluto Nya Nagtanong Sya Saakin At sumagot Naman Ako ng Naaayon Sa Kalooban ko at walang halong pag-sisinungaling tutal naman ayoko talaga ng lasa. Masaya Naman ako at naging tugon nya sa akin "NAINTINDIHAN KITA. " Sabay Ngumiti Sya Sa akin. Tinanong Nya Ako Kung Ano Ang Gusto Ko At Bibilhin Nya.

That Time Hindi ko naman Alam kung anong mga produkto ang meron Dito sa Jordan kasi iniisip ko baka wala Dito yung mga gusto ko na kinakain ko sa Pinas. Nag Request Lang Ako Sa kanya Ng Noodles, Sardinas At Itlog. At Sa Araw-Araw na biyaya Ng panginoon sa Itlog, Noodles at sardinas lang talaga kinakain ko Tapos yung Kubos. Sa Pinas Nakakakain ako ng kanin sobra pa sa tatlong beses sa Isang araw pero Dito swertehan nalang kung nakakakain ng kanin sa Loob ng Isang linggo.

Lahat Ng Adjustment Naka-Survive Ako Dahil Hindi Ako Nagpadala Sa Kahinaan Ng Loob Ko At Bawat Paghihirap Ng Kalooban Ko Na Dinadanas KO, lahat Ipinapananalig ko sa Dyos. Lahat Inookey Ko Nalang Dahil Nakikita NamAn ni God Kung Anong Sitwasyon Meron Ako/Tayo.

Habang Busy Ako Noon Sa Paglilinis Sinabihan Ako Ni Madam Na Pupunta Daw Kami Ng Bahay Ng Mama Nya Para Maglinis Ako Kasi Pauwi Na Daw Sya Galing Dubai Dahil Nagbakasyon. Sumagot Naman Ako Ng Okay No Problem. Umuwi Nga Ang Nanay Ni Madam At Nalaman Kong Sya Pala Ang Magiging Amo Ko Na Nanay Nya Kasi Sya Ang Aalagaan Ko. Walang Mapagsidlan Ang saya Ko Kasi Mag-aalaga Pala ako ng matanda At Yun Yung Gustong-Gusto Ko. Kulang Nalang Lulundag Ako Pero Syempre Nagpigil Po Ako Kasi Nakakahiya.. God Is Really Good Po Talaga. Basta Totoo Ang Pananalig Natin At Bukal Sa Ating Puso,Bibigyang Kasagutan At Katugunan Nya Ang Lahat Ng Ating Kagustuhan At Madalas Magugulat Nalang Tayo Sa Himalang Ginagawa Nya Sa Buhay Natin. Kapit Lang Po Tayo At Hawak Kamay Sakanya At Hindi Nya Tayo Pababayaan. Lahat Ng Hindi Natin Kaya Ihingi Natin Ng Kanyang Gabay Para Makayanan Natin. Andyan Lang Sya Anumang Oras Na Sya'y Ating Kakailanganin Natin. Huwag Tayong Mawalan Ng Pag-Asa Sa Buhay. Yung Mga Among Masusungit Ang Pagmumukha,Tiwala Lang Kay God Aamo At Aamo Din Sila Lahat Ipag-Pray Po Natin. Lagi Pong May Himala Kay God

Source: Kami.com.ph

Related news
Doble ang sakit! Hardworking Pinay struggles with raising her child after being betrayed by her boyfriend & best friend

Doble ang sakit! Hardworking Pinay struggles with raising her child after being betrayed by her boyfriend & best friend

Doble ang sakit! Hardworking Pinay struggles with raising her child after being betrayed by her boyfriend & best friend
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel