This romantic Pinoy submitted a resume to his crush so that she would accept him as her boyfriend

This romantic Pinoy submitted a resume to his crush so that she would accept him as her boyfriend

Each man has a different way of asking someone to be his girlfriend. This romantic Filipino’s way is romantic, hilarious and unexpected all at the same time.

KAMI learned about Ian Christopher Sudiacal’s story from his viral Facebook post.

resume-bf

Photo from Ian Christopher Sudiacal’s FB

Ian submitted a resume to his crush Karla Mae Cantillan in the hopes of being accepted as her boyfriend!

Here is his full post on Facebook:

“Mayroon akong kuwento.

“Base raw sa isang survey, Edi Sa Puso Ni Crush :"> daw ang top employer sa Facebook.

“Matagal din akong naintriga rito hanggang sa isang araw nga'y sa ilan na ring mga nakilala't kinilala ay may isang nakapagpa-realize at nakapagklaro nito. Na kung bakit sa lahat ay 'yun ang nasa tuktok. Gayunpaman, top employer man, hindi rin naman pupuwedeng maraming employee. Gusto ko ako lang, siyempre. Akin man lahat ng trabaho, akin lang din naman lahat ng sahod. KKB din dapat— kaniya-kaniyang bakod.

BF-fb

Photo from Ian Christopher Sudiacal’s FB

“Ang lalamanin lang naman talaga ng kuwentong ito ay ang karanasan ko sa kani-kanina lang na pagsubok na mag-apply sa puso ni crush. Ang landing pakinggan, letsugas. Lalo kapag may ganito: :">

“Galing ako sa isang spoken word event sa Katipunan at ganoon din naman siya sa Makati. Napag-usapan na naming magkikita kami kapag natapos na ang aming respectice events. Pero dahil "Hail, traffic!" sa Makati, naghintay ako ng halos tatlong oras sa 7-11 sa may tapat ng Gateway at na-test din 'yung pasensya ko ng marami-rami. May dinadamdam na rin kasi akong sipon, kumakayod sa lalamunang dry cough, at naglolokong paa. 1:00AM na ng madaling araw siya nakarating. Mukha na akong trenta'y anyos na ama noong dumating siya. Pagdating niya ay kaunting lakad-lakad ang ginawa namin hanggang sa mapadpad sa kakainan.

bf-resume

Photo from Ian Christopher Sudiacal’s FB

“Tsumibog kami sa Chowking, sa tabi ng Farmer's. Matapos 'yun, nag-aya na siyang umuwi. Mga 3:00AM na rin n'un, e. Kaso 'di pa puwede kasi nga wala pa 'yung interview ko. Nanginig katawan ko ng mga 359 seconds kasi naglalaro na sa utak ko kung itutuloy ko pa ba o hindi na. Siya naman, tawa lang nang tawa sa'kin. Ang pula-pula raw ng mukha ko. Siya nama'y walang kamalay-malay sa interview na magaganap.

bf-resume

Photo from Ian Christopher Sudiacal’s FB

“Nang medyo mahimasmasan na, naggayak na ako ng disente para sa interview, siyempre. Kahit T-shirt na pinatungan lang naman ng coat talaga. Natawa siya lalo, akala niya trip ko lang. Tapos nasa Chowking pa kami mismo, parang networking lang ang ganap.

fb-bf

Photo from Ian Christopher Sudiacal’s FB

“Bago ko pa naisipan itong gawin ay alam ko ng hindi ito 'yung tipo ng pag-aapply na hindi agad inaasahan 'yung, ‘tanggap ka na,’ at para ma-hire, tratrabahuhin na muna agad at mas lalo lang dapat pag-iibayuhin kapag na-hire na. Or worst, hindi ma-hire. Pero sana huwag naman 'yung huli, sana sumapat ang kakyutan ko.

“At para paiksiin na lang din ang kuwento't doon na tayo sa destinasyon ng pagtatanong kung puwedeng mag-apply. Pumayag naman siya. ‘Sige go,’ lang ang nasabi niya with pinipigilang kilig, ide-deny niya 'to pero halatang halata naman sa kaniya.

“Sa ending ng pagkikita, hinatid ko siya sa terminal ng bus pauwi sa Bataan at ako nama'y dumiretso na sa writers' retreat namin sa Makati.

“TARA, LIFE! HANDA NA AKO!”

KAMI is hoping that Ian will be able to talk to Karla about the chances of them being together. Let’s hope for the best for both of them!

How about you? How do you make a move on your crush? SHARE your style in the comments section!

You can also SHARE this viral story with your loved ones!

Here is an epic KAMI video that you need to see!

Want to watch more exciting and fun videos? Please subscribe to KAMI YouTube channel now!

Source: Kami.com.ph

Related news
Doble ang sakit! Hardworking Pinay struggles with raising her child after being betrayed by her boyfriend & best friend

Doble ang sakit! Hardworking Pinay struggles with raising her child after being betrayed by her boyfriend & best friend

Doble ang sakit! Hardworking Pinay struggles with raising her child after being betrayed by her boyfriend & best friend
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel