College graduate did no return borrowed toga for a touching reason
Graduation might be the most important day any student would ever want to achieve. It is definitely more special when our loved ones is present, especial;y our parents.
However, the mom of a graduating student could not make it on her special day.
Netizen Christine Jasmin Samante Edrozo shared how she graduated while her mom was in the hospital and managed to snatch her borrowed toga which she was supposed to return after the ceremony to let her mom see her wearing it.
Christine wrote:
"Kanina after Graduation sabi samin hubarin na yung toga at ibalik doon sa registration booth. SORRY PO! Sinadya ko po talagang itakas.
Gusto ko po kasing makita ni mama na nakasuot ako ng toga personally. Gusto nya sana kasi na sya yung sumama sa Graduation day ko kaya lang hindi sya pwede kaya ako nalang pumunta.
PS. Sorry po. Ibabalik ko rin po agad.
From Muntinlupa to PGH."
She also wrote an open letter to her mom:
"An Open Letter to Mama
Ma, natatandaan mo pa ba noong kinder palang ako? Parati mo ko sinasabihan na "TIIS TIIS MUNA ANAK" pero paulit ulit pa rin kitang tinatanong ng "ANO BA YUNG TIIS MAMA?" Hahaha nakakatawa kasi hindi ko talaga alam kung ano yung TIIS basta ang alam ko lang hirap na hirap ako gawin yung pinapagawa mong magtiis.
Ngayon ako naman yung nagsasabi sayo na 'MAMA KONTING TIIS PA PO' Matatapos na yung gamutan mo mama noong nakakausap pa kita, sabi mo 'Ano ba gusto mong graduation gift?' Sabi ko sayo mama hindi ko po alam eh wala po akong idea.
Pero ngayon mama alam ko na hindi na ko humihiling mama ng kahit anong materyal na bagay. Ang gusto kong graduation gift ay yung magpalakas ka, magpagaling ka, at magTIIS ka pa konting tiis pa mama. Gusto ko pang makasama ka sa pagsabak ko sa bagong yugto ng buhay ko.
Graduate na ko mama tutuparin ko pa yung pangarap mo na maging successful ako. Mama! Alam ko na po kung pano magtiis. Salamat sa pagtuturo nyo sakin kung paano magtiis. Titiisin ko pa kahit anong pagsubok ang dumating sa buhay ko basta kasama kita mama. Uwi ka na please.
Alam ko po na sa isang taon at apat na buwan mong pakikipaglaban sa cancer alam ko po mama na pagod ka na pero mama please, LABAN PA! TIIS PA MAMA. Konting konti nalang po MAHAL NA MAHAL KA PO NAMING MAGKAKAPATID MAMA! Yung mga nakakamit namin para sainyo to ni papa ILOVEYOU MAMA
#LABANLANGWITHLORDJESUS
P.P.S. (10pm na ko nakapunta sa pgh-means hindi na pwedeng pumasok ang dalaw. Thank you to the guard that allow me to enter just to see my mama)"
Don't forget to subscribe to KAMI YouTube channel:
https://www.youtube.com/channel/UC3m6QZbXFp6VEZFlfBj43rw
Source: KAMI.com.gh