Netizen shares how he passed the CPA board exam

Netizen shares how he passed the CPA board exam

After finishing college, it is not yet over for Accountancy students as they still have to keep their bulky books and prepare for the CPA board exams.

However, an Accountancy graduate who does not want to pursue the course in the first place decided to play computer games instead of reviewing. Yet, he passed the exam.

Facebook user Julian Tape shared how he became a Certified Public Accountant despite being a DOTA player, class sleeper, subject re-taker, and basically a lazy student:

READ ALSO: Nanny finishes college, graduates as CumLaude

graduate

Photo from Julian Tape

"'I CAN BE A CPA TOO'

Marami ang nagulat, marami ang nabuhayan ng loob dahil ang isang kagaya ko ay pumasa sa isa sa pinakamahirap na exam sa Pilipinas. Bakit? ano ba ako? anong bang meron ako?

Hello! Ako nga pala si Junel 'Julian' Tape, CPA at ako'y isang:

-CERTIFIED DOTA PLAYER

-CLASS SLEEPER

-TAMAD MAG-ARAL

-MADAMING EXTRA CURRICULAR ACTIVITIES

-HINDI FOCUS

-SUBJECT RETAKER

-IRREGULAR STUDENT

-PARENT'S CHOICE ANG ACCOUNTANCY

Halos lahat na ata nang factors para hindi pumasa ang isang accounting student ay nasa sa akin na, at kagaya nang karamihan hindi din ako nakaiwas sa mga pangungutya at panghuhusga. Buti sing kapal ng mukha ko tong puso ko kaya di ito tinablan. 'Feel ko di ka magiging CPA', 'Di ka makakapasa DOTA lang alam mo!', 'Gusto mo talaga iinsist na magtake ka sa board exam?', 'Anong feeling nang mapag-iwinan ng kaBatchmate mo? Ayaw ko maging kagaya sayo', 'HAHAHA! 5 retake ka oy!', 'Pasa ka nga pasang-awa naman' at madami pa! "HAHAHA" lang talaga sagot ko sabay sabing "Di natin alam, malay mo". Minsan naisip ko nakakapagod na at parang ayaw ko na. Yung parang Pag-ibig lang, umaayaw ka na pero ewan ko ba kung bakit sige parin ako ng sige. Kasi may gusto akong patunayan kasi alam kong kaya ko kulang lang ng push. At ito na nga I made it in just one strike.

READ ALSO: Kasambahay graduates from college and she's inspiring netizens

PA'NO KO NGA BA IPINASA?

Madaming nagsabi para pumasa ka dapat ganito ganyan, bawal ito bawal yan. Madaming bawal, madaming dapat gawin at hindi ko ata kaya! Hanggat sa narinig ko sa aking mga reviewers (PRTC), 'Lakasan lang ng Loob yan', 'Kunting alam, Lakas ng Loob, at Dasal tyak! Papasa ka', 'Knowledge? you already have it, nakakalimutan lang pero andyan yan, how about faith to God? and trust to yourself?', 'Hindi ka makakabot dito kung hindi to para sa iya'. Mahirap paniwalan kasi parang naglalaro ka lang ng apoy. Pero sinubakan ko, malakas na Loob ko dati kaya mas pinalakas ko pa, nagdadasal na ako dati kaya mas nagdasal pa ako, at sa isang buwang natitira ko ay naging seryoso yung lola nyo HAHA! achievement yun ah! At hangga't sa dumating na nga ang araw na kinakatukan, pero hindi ako natakot, hindi ako kinabahan nang todong-todo kahit alam ko sa sarili ko na andami ko pang hindi naaral. 'MALI SILA! KAYA KO TO, HINDI AKO DAPAT MATAKOT AT MANGAMBA KASAMA KO ANG DYOS, MAGIGING CPA NA AKO!' yan yung paulit2 kong sinasabi sa sarili ko para naman magkaroon ako nang pag-asa. At ito na nga ang bunga, madudugtungan na yung pangalan ko nang tatlong letra na nuoy akala nang marami na hindi ko makukuha.

Hindi ko nirerecomenda na gawin nyo din yung ginawa ko kasi iba-iba din naman tayo nang paraan sa buhay. Ang akin ay wag na wag kayong sumuko, wag mong subukang kayanin kung hindi sabihin mong "KAYA MO", kung may kulang man ipagdasal mo nalang yan sa Panginoon at sya na ang bahala don, magfocus ka sa kung ano yung kaya mo at mag-aral ka pano kontrolin yung mga emotions mo at pagnagawa mo na yan! Malapit ka nang maging CPA. Kaya stand still and stay strong, kung kaya ko IKAW PA KAYA?"

kami-share

READ ALSO: College graduate shares experience in being a student and a mom too

Source: Kami.com.ph

Related news
Liza Soberano opens her new Hand and Foot wellness in Quezon City

Liza Soberano opens her new Hand and Foot wellness in Quezon City

Liza Soberano opens her new Hand and Foot wellness in Quezon City
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel