Teenage mom graduated with honors, shared how she conquered college life by bringing her daughter to school!
KAMI was amazed by the dedication on her studies of Ms. Sieve Eusebio. Even tough she became a mother at a young age, she didn't let it take her chance to have a diploma.
Ms. Eusebio shared on her Facebook account a heart warming message for her daughter. She asked for forgiveness and thanked her for always being there. She also shared how she conquered college life by bringing her daughter to school.
"We did it! We made it”!
Eto na anak, kaunting araw na lang ang bibilangin natin, magmamartsa na tayo. Di ko mapigilang maiyak sa tuwing naiisip ko na gagraduate na tayo. Parang kailan lang nang mag umpisa tayo. Tandang tanda ko pa nung una kitang sinama sa school. Kukunin lang sana nating ang result ng entrance exam. Thank God, nakapasa ako at pasok din ang average sa educ, pero di ko alam na may interview pa pala. Sobrang kinabahan ako nun, pano ba naman, kasama kasi kita. Di ko maimagine na humarap sa isang interview na may kalong na anak. Pero wala na akong nagawa, nandun na tayo ehh,, kaya sumabak tayo sa interview. Ang awkward lang dahil todo English pa ko habang kalong kalong kita. Sa kalagitnaan ng interview ko kay mam mhaye, umiyak ka. Syempre iritable at gutom ka na. Sa kasamaang palad, wala tayong baon na dede, kasi nga breastfed ka pa nung mga panahon na yun. Di ko alam kung anong gagawin ko nun, nakakahiya kay mam Mhaye Cendana, pero mabuti na lang, nasense niya na kailangan kitang padedehin. No choice, tinigil muna naming ang interview at pinadede na kita. Hiyang hiya ako nun, sobra, pero simula non, nagkaroon ako ng kaibigan. Naunawaan lahat ni mam mhaye. Kaya nga nung pasukan na, sya ang unang taong nakaintindi sa akin. Palagi akong nagmamadaling umuwi, kasi nga, bumibigat ang dibdib ko sa bawat paglipas ng oras (breastfeeding moms will understand). Size 34 sa umaga, umaabot sa 38 sa gabi. Pero never kong kinahiya yun. Hanggang sa isang araw, may nakita akong estudyante rin sa CVSU, may dala syang anak. Naisip ko nun, ang swerte niya, sana ako rin. Pag nagkataon, d na ko mahihirapan na magtiis sa dibdib ko. Maaalagaan pa kita habang nag aaral ako. So, ayun na nga, dinala kita sa school. Mahirap kasi ang dami kong dala tapos buhat pa kita pero naisip ko, ok lang. E ikaw nga, kinakaya mong gumising ng 5am para lang sumama sakin. Ikaw nga, natitiis mo ang 7am to 8pm na klase, sino ba naman ako para magreklamo? Maraming beses din tayong napatawag sa Dean's office dahil sa pagdadala ko sa iyo. Kasi nga bawal, kasi nga baka mapano ka, pero ginawan ko na ng paraan. Sumulat ako Kay Dean para lang payagan tayo. Sobrang saya ko noon. Nagsilbing pangalawang bahay na ntin ang CVSU. Ang saya lang na habang nag aaral ako, naalagaan din kita. Kaya ngayon, napakarami Kong gustong ipagpasalamat at ihingi ng tawad sayo anak.
Sorry dahil sa mura mong edad, kinailangan mong pumasok sa college. Sorry Kung kinailangan mong matutong matulog sa armchair pag inaantok ka na. Sorry sa mga panahong nalipasan ka ng gutom dahil sa haba ng klase natin. Sorry kung nainitan ka ng sobra sa loob ng room dahil d naman lahat ay air conditioned. Sorry Kung kinailangan kitang isama sa mahabang pila kapag pirmahan ng clearance at enrollment. Sorry dahil imbis na alphabet at numbers ang aralin mo, nauna mo pang malaman ang ibat ibang theories at philosophies sa education. Sorry Kung imbis na nursery rhymes ang malaman mo, mas namemorize mo pa ang lyrics ng cell block tango. Sorry dahil imbis na makapaglaro ka sa labas, e sumali ka na lng sa mga activities ko sa school. Sorry kung napilitan Kang sumali sa mga stage play namin. Sorry kung napilitan k ding maging character sa films namin. Sorry kung wala kang masyadong batang kalaro dahil classmates ko na lang ang naging ate, kuya at kalaro mo. Sorry kung d kita madalahan ng laruan sa school, dahil sa dami na rin ng bitbit kong visual aids. Sorry kung kinailangan din kitang isama sa mga sleepover ng klase namin. Natuto ka tuloy mag adjust at makitulog sa ibat ibang bahay. Sorry kung pati sa pagtitinda ng candy at make up kasama din kita. Atlis, may extra tayong pambili ng pagkain at toys mo. Sorry kung madalas kang umabsent sa day care kasi nga sinasama kita sa CVSU. Sorry sa mga panahon kinailangan nating sumugod ng ulan para lng makapasok at makauwi.Sorry sa mga pagkakataon na nilagnat ka dahil dun. Sorry kung palaging sa jeep ka na nakakatulog. Sorry din kung minsan ikaw ang napagbubuntunan ko ng stress. Kung minsan nasisigawan na kita dahil sa init ng ulo ko. Higit sa lahat, sorry, dahil nadamay ka sa lhat ng paghihirap ko anak. Sorry dahil minsan, nasasama ka sa panghuhusga ng mga tao. Hindi mo deserve lahat ng Yun dahil kmi lng nmn ni tatay ang my kasalanan. Sorry Kung minsan naririnig mo yung mga sinasabi nilang "Anak mo? Ang bata mo namang lumandi". Ok lang yun anak. Pero anak, sobrang bilib ako sayo. Sobrang tatag mo anak. Sobrang pasasalamat ko sayo.
Thank you sa pagsuporta at pagpepray para sakin sa tuwing may demo teaching ako. Thank you sa pag intindi kapag di kita pwedeng isama sa school. Thank you sa pagtulong sakin sa paggawa ng visual aids ko. Thank you kasi kahit pagod na pagod ka na, pinipilit mo pa ring mapasaya ako. Thank you din sa pagsama sa mga raket ko, mapa make up artist or hosting, kasama ka palagi. Thank you kasi kahit minsan d mo pinaramdam sakin na ayaw mong sumama. Palagi kang masaya pag isasama kita kasi nga sabi mo, gusto mo akong palaging kasama. Thank you dahil palagi mong pinipilit na matulungan ako. Sinisikap mo din na hindi magusot ang mga papers ko. Maaga ka tuloy naging perfectionist. Sa huli, salamat anak, salamat dahil sayo, nagkaroon ng tamang direksyon ang buhay ko. Dahil sayo, nagkaroon ng linaw ang gusto kong mangyari sa buhay natin, tayo nila tatay. Gagawin ko ang lahat magkaroon ka lang ng magandang buhay anak.
Sa ngayon d mo maiintindihan lahat ng sinasabi ko, pero alam kong balang araw, mapapaliwanag ko sayo at maiintindihan mo rin. Anuman ang makuha kong karangalan, di yun para sa akin anak. Para sayo yun. Lahat ng medalyang natanggap at matatanggap ko ay para rin sayo anak. Deserve mo yun para sa lahat ng paghihirap mo. Mahal na mahal kita anak.. Nandito lang palagi si Mamay at Tatay. Di man ako perpektong ina, gagawin ko naman lahat mapabuti ka lang. Maraming salamat, dahil sa iyo, nakagawa ako ng pinaka magandang desisyon sa buhay, at iyon ay ang buhayin at mahalin ka.
P.s.
Salamat po sa lahat ng instructors na sumuporta saming mag ina :) Kahanga- hanga ang taglay ninyong pasensya :)
SIEVELLE MARIE A. EUSEBIO
BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION MAJOR IN ENGLISH
CUMLAUDE"
Read also: Child diver graduates from college with the help of Project Malasakit by Kara David
Read also: Photo of crying father with medals goes viral again after son graduates from college
Read also: 65-year-old lola proudly marches at the senior high graduation
Disclaimer: Michelle Ortiguero
If you like this story, please share this with your friends.
Source: KAMI.com.gh