College graduate chooses to be single to give back to his parents and serve God

College graduate chooses to be single to give back to his parents and serve God

- A college graduate has a touching reason why he chooses to be single

- Facebook user Froilan Ramirez Jr. shared his journey of serving God after what he has gone through

- According to Froilan, he is still single because he wants to give back to his parents and serve God

Some teens get into a relationship at a very young age. Because of this, they tend to settle down before or even shortly after they finish their college.

However, one netizen chooses to be single even after graduating from college.

graduate

Photo from Froilan Ramirez Jr.

KAMI spotted a post from Facebook user Froilan Ramirez Jr. who has a touching reason why he still wants to be single:

READ ALSO: College graduate shares experience in being a student and a mom too

"'BAKIT AKO SINGLE?'

Cheater

Shoplifter

Bullied

Introvert

Broken family

Bakit never ka pang nagka-girlfriend? Hi ako po si Troy. Gusto ko pong ipakilala ang sarili ko na isang di mabuting tao at estudyante. Lumaki ako sa isang broken family at since birth ay never ko pang nakita ang Tatay ko. Noong elementary ako sa HECS, nagawa kong mag-shoplift sa isang department store ng tig-100php na yoyo, dahil sa inggit ko sa mga rich kid kong classmate. Nagawa ko din nun makipag-suntukan sa classmate kong bully dahil bigla niya akong hinubuan, di pa naman uso sakin nung Grade 3 ang magsuot ng brief. Noong highschool ako sa HI, nagawa kong mangopya sa quizzes at exam. At nitong college sa BulSU, naging Deans lister po ako, pero after nun nagawa ko din muntik na mandaya sa isang final exam namin sa programming class para lang maging consistent sa Deans list, pero...

Pero, nagsorry ako sa professor ko nun at sinabi kong bawiin ang scores ko sa final exam kahit bumagsak na ko. Mabuti na lang at nakapasa parin ako sa subject na yun. Pero di tulad ng dati, na garapal ako mandaya at palihim gumawa ng matitinding kasalanan. Alam ko nun na may nangusap sakin "Anak, wag mo gawin yan, mas magtiwala ka sa plano ko". Doon ako nainvite ng dalawa ko dating highschool classmates si Kevin & Patsi sa isang Youth Service.

'Busy ako'

'Baka masunog ako diyan'

'Di ako bagay diyan, loko loko kong tao'

Mga dahilan ko nun sa sarili ko kaya di ako sumasama sa mga ganun. Pero nung moment na yun, nag-iba lahat. Natagpuan ko yung sarili ko na lumuluha at nakataas ang kamay, nalaman ko kung gaano ako makasalanan. Kung gaano di ako deserve na mabuhay pa. Pero 2000 years ago, may isang nagbuhat at namatay sa krus, para sa lahat ng kasalanan ko, sa lahat ng kalokohan ko. Alam kong kilala mo na siya, si Jesus. Doon ako nagkaroon ng personal relationship sa Kanya. Na sa bawat oras ay isip isip at alam kong kasama ko Siya. Habang nagpapatuloy ako sa pag-attend sa church, di ako naging perpekto. Pero patuloy ako nun binabago ni Lord. Dumating ang time na naging cellgroup leader ako, by God's grace. Kasabay ng studies at thesis ko, pero nag strive hard ako na pagsabayin ito at unahin higit si God. Nagkaroon kami ng cellgroup sa school, nagsharing kami about sa mga buhay namin at about kay God. Ngayong graduating na kami, masaya ako na 3 silang classmate ko na nakakilala at nagpapatuloy din kay Lord. Ito yung pinakamahalaga na maiiwan ko sa mga classmate ko na yun, ang magkaroon sila ng salvation kay Jesus.

READ ALSO: Netizens react to student's 'unique' graduation photo

Ngayon magtatrabaho na ako, pero di para sa sarili ko kundi para sa Kanya. Tulad ni Pablo sa bible, iaalay ko ang ang time/treasure/talent ko para sa Kanya. Mapagod man ako sa paglakad sa ilalim ng araw at ulan upang makahayo, tipirin ko man ang baon ko para may pamasahe pang cellgroup, kaunti man yung tulog ko para lang ma-follow up sila, lahat yun, ay wala lang kumpara sa pagkamatay ni Jesus para sakin. Future Math Professor at Graphic Designer.

Para sa cellgroup boys na ipinagkatiwala sakin ni God: Ellis Graham, Miguel, Benneth, Adam, Lance, Juan Miguel, Dodel, Kim, Josh, Jayron, Bien, Emmanuel, mahal na mahal ko kayo higit sa sarili kong buhay. Para sa cellgroup leader at tatay ko na din EJ C. Geronimo & A Mos Dionisio. Sa tulong pang-aral Christian Bible Church of Hagonoy - CBCH Official educ support. Para sa spiritual inspirations ko: Elcel Ingente, Princess Lopez, Bianca Reyes, Arlene Baluyot Morales, Ike Serapio. Para sa family ko Franze Ramirez. At higit sa lahat, para kay God, sa nag-iisang yumakap sakin di man ako naging perpekto at nagbigay din sakin ng isang binagong buhay.

*Kung gusto mo din makilala yung makapagpapabago ng buhay mo, si Jesus. Chat me directly pre

Bakit ako single? Ipadadama ko muna sa parents ko yung fruit of their labor, at syempre God first bro

Forgiven

Restored

Will testify for Jesus

Froilan "Troy" Adriano Ramirez Jr.

BS Mathematics with Specialization in Computer Science

Batch 2017

Philippians 4:13

'I can do all things through Christ who strengthens me'

All glory to my KING"

kami-share

READ ALSO: 20 things a student learned in college

Source: Kami.com.ph

Related news
Liza Soberano opens her new Hand and Foot wellness in Quezon City

Liza Soberano opens her new Hand and Foot wellness in Quezon City

Liza Soberano opens her new Hand and Foot wellness in Quezon City
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel