Love of childhood friends forbidden by family? READ how they fought against all odds and got their happy ending!

Love of childhood friends forbidden by family? READ how they fought against all odds and got their happy ending!

- Marie falls in love with a childhood friend, Juno.

- Juno starts to court her and later on, gets in a relationship with her.

- Girl’s family dislikes the guy for his financial status.

KAMI received a message from a young lady who loved a man. Their love was against all odds. Her family frowns on the man’s background.

A typical forbidden love story but still happened in reality. She was born in a rich family and the man in the midst of poverty. Sa tagalog pa, langit at lupa silang dalawa.

Let’s READ how their forbidden love ends.

Itago niyo nalang ako sa pangalan na Marie. Sa isang maliit na baryo sa probinsya ng Cebu ako nakatira. Lumaki ako na laging nakikilaro sa kapitbahay namin. Doon ko nakilala si Jun. Lagi kaming naglalaro ng tago-tagoan, patintero at iba pang larong pinoy.

Nagdalaga ako at napapadalang ang paglaro ko sa kapitbahay namin. Pero hindi pa rin nawawala ang pagiging ‘close’ namin ni Juno. Nagka-cellphone ako ng high school na ako. Ipinakita ko ito kay Juno at dali-dali niyang nilagay number niya sa cellphone ko.

Madalas kami magtext ni Juno. Kahit nasa clase ako ay palihim akong nagrereply sa kanya. Nararamdaman ko na noon na iba na ang pagtingin ko sa kanya. Hindi na kaibigan lang. May kutob ako na pareho kami ng nararamdaman ni Jun. Kaya laking tuwa ko ng magtapat siya sa akin. Pinayagan ko siyang manligaw sa akin kahit alam kong ipinagbabawal ni Mama. Palihim kami na nagkikita at nagde-date. Sinagot ko siya sa ikatlong buwan ng panliligaw niya. Nasa dagat kami noon at tumatanaw sa lulubog na araw.

Love between two childhood friends. Girl’s mother forbids their relationship. READ how they got her to accept them

Juno: Marie, medyo nababagot na ako sa kahihintay sa sagot mo. Nagdududa na ako kung may pag-asa ba ako sayo.

Marie: Hindi ka naman dapat magduda.

Juno: Ibig bang sabihin may pag-asa ako?

Marie: Oo naman. Ang tanga mo talaga. Klaro naman diba?

Juno: [ngumiti] Kung ganoon.. Marie, gusto mo bang maging nobya ko?

Marie: Haha Oo naman.

Juno: Talaga?

Hindi ko akalain lulundag si Juno sa tuwa sabay sabi ng “MAHAL KITA MARIE!” Maraming tao ang tumingin sa amin at dali-dali ko siyang hinatak palayo doon. Ang pula ng mukha ko sa ginawa niya.

Pag-uwi ko sa bahay, nasa sala ang Mama ko. Seryoso ang mukha niya at kinabahan ako. Nag-usap kami ni Mama at walang paligoy2x niyang sinabi na iwasan ko si Juno. Hindi raw siya bagay sa akin dahil sa estado nito sa buhay.

Hindi ko masagot si Mama at tinakbo ko ang kwarto ko sa itaas ng palapag. Tinawagan ko si Juno at sinabi ang lahat na nangyari. Sa sumunod na araw, hinarap namin ni Juno ang aking pamilya at ipinahayag na may relasyon na kami. Nagalit ng labis si Mama at pinalabas si Juno. Wala akong magawa kung hindi umiyak habang umaalis siya. Kinuha ng Mama ko ang cellphone ko at pinagbawalan akong lumabas ng bahay.

Ng gabing yon, patago akong umalis ng bahay at pinuntahan si Jun. Nabigla ito sa aking pagdating. Inaya ko siyang magtanan kami. Sumang-ayon naman ito at pumunta kami sa bahay ng Tiyahin niya sa siyudad. Ilang araw ang lumipas at nabalitaan kong pinaghahanap ako ng aking pamilya. Kaya tinawagan ko si Mama at sinabi kong ok lang ako.

“Bumalik ka na dito anak. Hindi ko na pipigilan ang relasyon niyo ni Juno.” Ito ang mga katagang sinabi ni Mama. Napakasaya ko noon. Kahit pa man napilitan ito sa kanyang desisyon, alam kong balang-araw makikita rin nila ang busilak na loob ni Juno.

Hindi ako nagkamali. Malipas ang ilang taon. Welcome na si Juno sa pamilya. Pareho na kaming nasa kolehiyo ni Jun at sinusuportahan namin ang isa’t-isa sa pag-aaral ng mga leksyon namin. Ipinagpasalamat ko sa Diyos ang lahat at sa huli naging maligaya kami. Hanggang dito nalang.

-Marie

Their love story ended with a happy ending. Maybe there will be wedding bells ringing after they finish their studies. Who knows?

Do you have any stories of love? Forbidden love or one-sided love of a friend of yours? Don't hesitate to share their story on KAMI!

Love of childhood friends forbidden by family? READ how they fought against all odds and got their happy ending!

Love of childhood friends forbidden by family? READ how they fought against all odds and got their happy ending!

Related news
Robin Padilla and Mariel Rodriguez exchange heartwarming messages on their 7th wedding anniversary: 'No one thought we would make it.'

Robin Padilla and Mariel Rodriguez exchange heartwarming messages on their 7th wedding anniversary: 'No one thought we would make it.'

Robin Padilla and Mariel Rodriguez exchange heartwarming messages on their 7th wedding anniversary: 'No one thought we would make it.'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel