College graduate proves that lovelife was never a hindrance in finishin his studies

College graduate proves that lovelife was never a hindrance in finishin his studies

- A college graduate shared his experience of being bullied because of his lovelife

- Facebook user Chan Mabanta posted a message on Facebook, proving that his girlfriend was never a hindrance in finishing his studies

- Chan took up Bachelor of Science in Computer Science in New Era University

A college graduate looked back at his experiences of being bullied because of his love life.

KAMI spotted a post of Facebook user Chan Mabanta who shared how people judged him of not finishing his studies because of having a girlfriend.

lovelife

Photo from Chan Mabanta

Now that Chan already graduated, here is his message to the people who doubted and bullied him:

READ ALSO: Kasambahay graduates from college and she's inspiring netizens

"NEVER HADLANG ANG LOVELIFE SA PAGAARAL.

'Ayan puro ka girlfriend. Aralaral rin.'

'Puro ka nalang Kimshane.'

'Mr. Mabanta tigiltigilan mo nga yang pag gigirlfriend mo.'

3rd year College Computer Science. Suot ko sa aking ID ng 2x2 picture ng girlfriend kong si Kimshane, until isang aral sa kalagitnaan ng defense namin ay nakita ng Panel ang picture nya sa ID ko. Sinimulan nya akong tanungtanungin ng mga mahihirap na questions ukol sa system namin, sa flow ng algorithm nya at mga 'what-if's' questions hangang sa di ko na kinaya silang sagutin. Alam nyo sinabi nya saakin? '

Wag kase puro girlfriend.' May mga times na nakikita kami ng aking mga kakilala ko pag naglalakad kami pauwi, umiiling sila. Bawat pagkukulang ko, bawat pagkakamali, girlfriend ko kaagad ang pinupunterya. Simula noon, sa wallet ko na tinago ang picture nya. Hindi dahil sa naapekto ako o natisod sa sinabi nya, hindi. Dahil nakakabastos sila.

Never syang naging istorbo o hadlang sa aking pagaaral, oo aminado ako na kahit 3 days before defense nung 3rd year pa ako, nagdedate parin kami dahil masaya akong kasama sya. Nawawala ang aking stress, anxiety at kaba pag sya ang kasama ko.

At hindi lang yon, nirereview rin nya ako at tinutulungan sa studies pati sa financial problems ko (utang yon syempre, binabayaran ko rin sya. Hihi) Napakaswerte ko na sya ang girlfriend ko. Naiintindihan nya na napakahirap at hindi biro ang pagiging Computer Science student, mas lalo na pag graduating.

Never syang nagtampo kapag di kami nagkakasama, di na kami masyado nagdedate nung kasagsagan ng thesis namin at madalas ay pamasahe lang ang aking dala dahil naubos lahat ng pera ko sa pagpiprint at pagbibili ng materyales.

Napakalaki ng ambag nya at hindi sya naghahanap ng ano mang kaukulang kapalit. Dahil gusto nya matupad ang pangarap ko at makapagtapos, para matulungan ko na ang aking mga magulang at ipagaral ang aking kapatid.

Ngayon graduate na ako. Sa mga College Students na nabubully rin dahil sa lovelife, eto masasabi ko sainyo. Walang saysay lahat ng pinagsasabi nila saatin dahil alam natin na WALA SILANG ALAM.

Hinawakan ko ng mahigpit ang aking panata na gragraduate ako. Kahit napakahirap, kahit na unang thesis namin ay dinurog kami na halos 2 weeks kaming tulala. Mga gabing napapahinto ako sa pag gawa ng thesis dahil di ko sya maayos at maiiyak sa sobrang hirap.

READ ALSO: College graduate shares experience in being a student and a mom too

Kahit na muntikan na kami hindi makagraduate sa mga naiwan naming subject na 'Do or Die' ang sitwasyon namin. Kahit na sinabihan kami ng kapwa classmate namin "Basta ako gragraduate.

Di ko lang alam sainyo." Hindi naging masaya paglalakbay ko. Sinira na nila minsan ang fighting spirit ko. Pero bangon parin tayo, para sa ating mga mahal sa buhay.

Ang girlfriend ko ang nagsilbing consultant ko sa lahat ng aking problema. Gawin nyong inspirasyon ang iyong mga mahal sa buhay. Gawin nyo silang rason para gumising ka ng 5am kahit na ang tulog mo ay 3am.

Nandyan sila para tulungan ka sa hirap at sa ginhawa, sa magaganda at mapapait na kabanata ng iyong buhay. Wag na wag kayo natitisod sa mga sinasabi ng iba sapagkat alam mo mismo sa inyong sarili na MALI SILA. DI NILA ALAM BUONG KWENTO MO.

Kahit na masasakit na salita ang sinasabi nila sainyo, kayanin mo. Patunayan mo mismo sa kanila na mali sila. PAYPAYAN MO SILA NG DIPLOMA MO (wag hampas, masisira). Biggest revenge mo ay ang tagumpay mo.

Christian D. Mabanta

Bachelor of Science in Computer Science

New Era University

2017

Kimberly Shane M. Samane

Bachelor of Science in Medical Technology

Arellano University

2nd Year

'GRADUATE NA AKO. HINDI NYO AKO NATIBAG.'"

kami-share

READ ALSO: Graduating Engineering student becomes immune to instant coffee

Source: Kami.com.ph

Related news
Jennica Garcia shares how Baby Mori play with stones that change from being 'ulam' to 'langgam'

Jennica Garcia shares how Baby Mori play with stones that change from being 'ulam' to 'langgam'

Jennica Garcia shares how Baby Mori play with stones that change from being 'ulam' to 'langgam'
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel