“Nais mo bang maging milyonaryo? Basahin ang tipid tips na ito!”

“Nais mo bang maging milyonaryo? Basahin ang tipid tips na ito!”

KAMI ay namangha sa isang post mula sa Facebook page na tinatawag na Peso Sense sapagka’t pinakita dito kung paano ang isang simpleng tao ay natutong magsikap at maging milyonaryo.

Ayon sa hindi nagpakilalang nagpadala ng mensahe sa kanilang page, siya ay isang 25 taong gulang na may pangrap na maging milyonaryo kasama ng kaniyang \partner’ sa buhay. Sa kasalukuyan siya at ang kaniyang partner ay may sweldo na habol 70K sa loob ng isang buwan kung pagsasamahin.

Sa kaniyang salaysay, ang ilang tips o bagay na kinaharap niya upang makaipon ng malaking halaga ay una ang maisakripisyo ang bawat luho gaya ng mga lakad sa kung saan saan at maging ang makakain sa mga mamahaling kainan.

Sa mga lumipas na panahon nagawa nilang makabili ng sariling sasakyan gamit ng naipon na salapi, at sunod naman nilang pagiipunan ay makabili ng tirahan nila.

Nakakatuwang isipin na ang isang simpleng tao basta’t magsusumikap ay may kakayanang maging mayaman at guminhawa ang buhay.

“Nais mo bang maging milyonaryo? Basahin ang tipid tips na ito!”

Photo credit: Peso Sense

Basahin ang kabuoan ng kwento,

PESO SENSE

#PesoSenseIponChallenge

Gusto ko lang ishare ang pagiipon story namin ng partner ko. Para sa mga naniniwalang kaya mo lang maka-save ng 1 million kung kumikita ka ng malaki(like 100k plus a month).

I am 25 yrs old. Me and my partner earn 70k a month(combined earnings). Sinisigurado namin 70-80% of our net income goes to the bank. Minsan hindi nasusunod yun lalo na kung may emergencies. Pero binabawi namin the next month. Mas lalakihan namin ipon namin. Hindi madali mag-ipon. Maraming luho at invitations kami sinacrifice. Lalo na pag nagttravel mga kaibigan at family namin hindi kami sumasama kasi gastos lang(focus talaga kami). Lahat ng mamahaling restaurant tiniis namin hindi kainan noon.

Fast forward, ngayon nakabili na kami ng sarili naming kotse, at may pera kami sa bank. Napaguusapan na rin namin saan namin iinvest at pano palalaguin. At kahit na ganito na kami. Ganun pa rin ang buhay namin. Tipid at tahimik lang. I guess kung may ishe-share man ako sa iba una, kailangan decided ka mag ipon. Yung matitipid mong limang piso kada araw, malaking bagay yun. Every peso count.

Pangalawa, Wag kang pasikat. Hayaan mo silang magtravel, gumimik, gumastos. Ikaw tahimik ka lang. Simplehan mo lang buhay. Lagi mong iisipin yung mga pangarap mo. Darating din ang panahon, magagawa mo na lahat ng gusto mo ng walang worries.

Ngayon, pakurot kurot nagttravel na kami at kumakain sa favorite restaurant namin. Kurot lang. Then tipid ulit.

We have earned our first million savings together. Now we are on our way to our 2nd. Hanggang mabili namin yung dream house namin. Salamat sa Panginoon

Sana maging inspiration niyo ito. Lalo na sa mga nagsstart pa lang sa buhay, magkafamily at sa may mga pamilya na. Salamat po.

Related news
Ang mahal ah! Kris Aquino’s Nacho Bimby is now open for franchise

Ang mahal ah! Kris Aquino’s Nacho Bimby is now open for franchise

Ang mahal ah! Kris Aquino’s Nacho Bimby is now open for franchise
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel