Anong ginawa ng batang babae para matigil ang pamimintas sa kanya?

Anong ginawa ng batang babae para matigil ang pamimintas sa kanya?

Nang tumuntong ako ng kolehiyo, marami akong nasalamuha na iba’t-ibang tao. Sa kurso na kinuha ko, iilan lang kami na nag-enroll nun kaya kilala ko lahat ng mga kaklase ko. Isa ron si Shoney. Walang araw na hindi ko naririnig ang tanong na ito sa kanya. “Mataba ba ako?”

At lagi na lang “hindi” ang sagot ko. Sa totoo lang, sakto lang hubog ng katawan niya. Hindi masyadong mataba at hindi masyadong payat. Masasabi kong “insecure” siya kahit halos nasa kanya na ang lahat. Maganda, morena at higit pa ron, magaling siyang sumayaw.

Minsan naiisip ko buhay ko nuong high-school. Lagi akong tinutukso ng mga kaklase kong lalake dahil sa maitim kong balat. Maitim ako dahil lagi akong naliligo sa dagat. Ito ang libangan ko tuwing walang pasukan. Hindi ko malilimutan ang araw na umiyak ako dahil sa pang-bubully ng mga kaklase ko. “Niña, Niña, Niña ma-ITIM!”

Paulit-ulit nila itong sinasambit hanggang hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Kahit na wala pa ang sundo ko, umuwi ako mag-isa.

Uso pa ang friendster noon. Hindi parin ako tinantanan ng kaklase kong si Travis.

Travis: Niña, Niña, Niña ma-ITIM

Ako: Tumigil ka nga!

Travis: Titigil lang ako kung puputi ka na! Hahaha

Ako: Ano bang gusto mong gawin ko?

Travis: Gamiton mo sabong pan laba ng nanay ko. Baka pumuti ka ron! :D

Ako: Ginagalit mo talaga ako ha

Travis: Talo ang pikon!

Ako: Tingnan ko lang kung anong sasabihin ng mama mo pag tinawag na siya ng Principal!

Travis: ….

Ipinakita ko ang “convo” namin ni Travis sa principal namin at hindi ako nagkamali sa aking hula. Tinawagan ng principal namin ang magulang ni Travis at pinapunta sila sa eskwelahan para iparating ang maling ginagawa ni Travis. Nagpapasalamat ako dahil nahinto na ang pang-bubully sa akin ni Travis at ng iba kong kaklase. Kalaunan nagkabati rin kami at naging mabuting magkaibigan.

Anong ginawa ng batang babae para matigil ang pamimintas sa kanya?

Anong ginawa ng batang babae para matigil ang pamimintas sa kanya?

Source: Kami.com.ph

Related news
Humanda ka! Pres. Duterte calls Gabby Concepcion 'mukhang pera' and scoffed at veteran actor after confusing him with ABS-CBN head honcho Gabby Lopez

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel