This man from Mercedes, Daet, Camarines Norte needs help!

This man from Mercedes, Daet, Camarines Norte needs help!

Kami spotted Claudia Kludeng Pangan’s post about this man who’s sick and doesn’t have financial support from his family.

He has an Asthma and Cataract that causes a decrease in his vision.

He don’t want to be a burden in his children who got their own kids, that’s why he left in their house.

He also went to his friend to get help, but eventually he left because he don’t really want to be a burden to other people.

Here’s the post of Claudia Kludeng Pangan :

Sa lahat po ng makakabasa nito. Sana matulungan po natin si tatay Angelito Santos. Siya ay tubong Mercedes, Daet, Camarines Norte. Siya po ay 65 taong gulang na. Mayroon siyang dalawang anak na sina Ariel Santos (panganay) at Rustan Santos (bunso) na parehas ng may asawa. Yung asawa nya, nagasawa na ng iba na nasa Ilocos ngayon nakatira kasama ang bago nyang asawa. Sa ngayon ay madalas pong makita si tatay Angelito sa tapat ng simbahan ng San Bartolome sa Holy Cross, Novaliches. Dahil sa katandaan na rin may iilang sakit na ring nararamdaman si tatay Angelito gaya ng hika na madalas na siyang sumpungin lalo na sa panahon ngayon. Bukod pa roon ay mayroon na rin siyang Catarata na ayon sa kaniya ay dahilan ng panlalabo ng kaniyang paningin. Bilang isang concerned citizen nais naming manawagan ng tulong upang maagapan ang sakit ni tatay Angelito na dahilan na rin ng pagbagsak ng kaniyang timbang.Kanina nga ay nabanggit na may dalawang anak si tatay Angelito ngunit ayon sa kaniya ay ayaw niyang bumalik sa kanila dahil nahihiya na siya sa kanila dahil may mga anak na din ang mga ito at ayaw na din niyang maging pabigat. Bukod pa roon ay inaaway din daw siya ng bunso niyang anak kaya't mas pinili niyang magpalaboy laboy na lamang.Mayroon din siyang kaibigan na nagngangalang Edgardo Faustino na minsan din ay kaniyang pinupuntahan sa Bagumbong para manghingi ng tulong o kaya'y bumisita. Nagmagandang loob din naman itong patuluyin siya sa kanilang bahay ngunit gaya ng naunang sinabi niya ay nahihiya siyang maging pabigat sa ibang tao.Ang mga larawang nakikita ninyo ay kuha lamang kanina habang kinakausap namin siya. Tunay ngang nakakadurog ng pusong makita ang isang tao na bagamat may kamag anak pa pero hayun ay mas piniling mag isa. At ang mas nakakapanlumo pa ay ang sinabi ni tatay Angelito na hindi na siya magtatagal dahil ng mga oras na kausap namin siya ay inatake na naman siya na hika kaya napakalalim ng hugot niya ng hangin habang napapaiyak na lamang din siya sa kaniyang sitwasyon.Ayon sa kanya hndi na nawawala ang hingal nya. Nasa simbahan sya palagi dahil doon ay nagdadasal sya. At para malapit sa pampublikong hospital. Kamakailan lng ay sinugod sya sa District Hospital dahil lalong tumindi ang hirap nya sa paghinga. Hindi nanlilimos si tatay Angelito. Kapag binibigyan namin sya ng pera, madalas tinatanggihan nya pa ito dahil baka daw kailangam din namin ng pera at wala na kaming panggastos..Noong aming binanggit sa kaniya kung pwede namin siyang kuhaan ng picture at ishare sa facebook ay tumanggi pa si tatay Angelito dahil nahihiya siya at baka makita din ng kaibigan niya. Ngunit kalauna'y napilit din namin siya at napapayag. Sana ay may mag magandang loob upang matulungan si tatay Angelito kahit man lamang sa kaniyang pagpapagamot. Tulungan po natin sya. Tulungan natin syang humaba pa ang kanyang buhay.. Nahihirapan po sya... Sobrang nahihirapan sya at ang sakit makitang may isang matandang nangangailangan ng kalinga ngunit magisa lamang. Tulungan po natin syang lumaban. Ipagdasal din po natin sya. Let us all share this to help him. Thank you and God bless.”

This man from Mercedes, Daet, Camarines Norte needs help!

SEND US YOUR STORY.

Related news
Di maka-move on? Jessy says 'no' when asked whether she feels vindicated about overlapping issue with Angel Locsin

Di maka-move on? Jessy says 'no' when asked whether she feels vindicated about overlapping issue with Angel Locsin

Di maka-move on? Jessy says 'no' when asked whether she feels vindicated about overlapping issue with Angel Locsin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel