Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

"Pinagsisihan ko ang pag-aabroad ko...pinagsisihan ko kung bakit pa ako nangarap..."

Ito marahil ang pinakamasakit-Yung ginawa mo ang isang bagay para mapangalagaan ang mga taong mahal mo, na sa bandang huli pala ay syang makakadulot ng mas matinding paghihirap sa kanila.

Marahil nga ay sa huli ang pagsisi pero pag palaging may pananalig sa Panginoon at lakas ng loob upang bumangon tayo ay magtatagumpay.

Tunghayan ang kwento ng dakilang pagmamahal ng isang Ina.

KAMI: Hello po...

Precious Jewell : Eve din jan sa Pinas...aftie pa here sa KSA...actually ofw po ako...kaya sobrang bc po...pasensya na po late reply

KAMI: mam willing po ba kau e share ang story niyo po?

Precious Jewell : Opo naman...kaya lang d ko po alam kung saan mag-umpisa eh...hehee

Yon bang paano naging apat anak ko at bakit kami pinabayaan ng ama nila

mag umpisa po tayo sa simula...

Dito ko na ba e-send ang story?

KAMI: Opo

ilang taon po kayo noon?

Precious Jewell: 22 po

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Precious Jewell: Ako naman yang long hair at jan kami nagkakilala sa work ko na yan

KAMI: paano po kau nagkakilala ni mr.?

Precious Jewell: Ang totoo po nakadalawang ex na po ako...i mean nakadalawang ama sa apat kong anak...tig dalawa pong anak bawat isa ama...

Sa dalawang lalaking yan hindi po ako kinasal

KAMI: sa unang husband po anong ngyari?

at ang ngyari din po sa pangalawa.

Precious Jewell: Year 2001 nakilala ko po sa work ang unang asawa ko, magkasama kami sa work...security sya at ako naman sales lady sa isang Korean surplus appliances sa Cagayan de Oro City...dahil sa higpit ng parents ko sakin, napilitan akong umalis samin at nakipagtanan sa asawa ko. Nagsama lang kami at hindi kinasal...nagkaanak kami ng dalawa...pareho kaming huminto sa companyang pinagtrabahoan at umuwi sa probinsya nila...doon ko na ipinanganak panganay at pangalawa...dahil sa hirap ng buhay sa probinsya nila ay naisipan ko pong bumalik sa lugar ng magulang ko at humingi na rin ng kapatawaran saking nagawa...nakita ko rin ang kahirapan nang magulang ko nung time na yon...habang bumalik sa work asawa ko at namasukan uli doon bilang sekyu...my friend convince na bakit hindi daw ako mag-abroad...kaya lang, wala talaga sa isip ko mag-abroad...pero nang dahil sa kahirapan at dalawa narin mga anak ko ay nagdesisyon narin po akong mag-abroad na hindi nagpapaalam sa asawa ko...nagulat nalang sya pag-uwi nya may ticket na ako papuntang manila at maiyak-iyak sya ng malaman nya...sabi nya pa nag-ipon daw sya ng pera at dala na nya nung araw na paalis na ako...papakasalan na sana nya ako kaya lang paalis na ako...nakita ko lungkot at pag-alala sa mukha nya dahil maiiwan ko sya ng mga anak nya...ako naman kampante lang at laging sinasabi bahala na c Lord kung ano man kahihinatnan ng pag-abroad ko...Year 2004 nung akoy makaalis at nangibang bansa...

Precious Jewell: Lebanon ang ang pinasok kong lugar...doon naranasan ko lahat ng hirap at maltrato sa amo. Bogbog lahat dinanas ko sa amo ko pero tiniis ko lahat para sa kinabukasan ng pamilya ko. Inabutan pa ako ng gyera doon at wala akong kamalay malay na ang asawa ko at mama ko nagkagulo narin pala sa padala ko. Dahil sa mama ko pinapadala sahod ko dahil sya ang nag aalaga ng mga bata. Umalis ang asawa ko sa bahay...iniwan nya mga anak nya dahil ayaw ibigay ng mama ko...bumalik sya sa probinsya nila at nung pauwi na ako, nagmessage sya sakin na mag-asawa na daw ako...pag-uwi ko, pinuntahan ko agad sya sa probinsya nila at personal akong nakipaghiwalay sa kanya sa...ayaw nya pa pumayag dahil daw may mga anak kami...pero hindi na ako nakipag-balikan dahil nakita mismo ng dalawa kong mata ang bagong asawa nya at anak nilang babae...opo may anak na at asawa ang asawa ko pag-uwi ko...gusto kong umiyak at lumuha nung time na nagkaharap kami pero pigil na pigil ko po....dala ko pa ang panganay namin nung time na nagkaharap kami...kaya ayaw kong ipakita sa bata na umiiyak ako...6 yrs old na ang panganay namin nung time na yon...kaya medyo naiintindihan nya na ang nangyayari samin...my last words to him "ngayon meron ka nang bagong asawa at maghahanap narin ako ng akin para tumayong maging ama ng mga anak mo at wag kang mag-alala, sa address na binigay ko andyan lang kami nakatira kaya anytime pwedi mo dalawin mga anak mo dahil hindi ko naman ipinagkakait mga anak ko sayo"...umalis ako sa probinsya nila...habang nasa jeep pauwi, d ko na napigilan lumuha at niyakap ko nalang anak ko...sabi ko "kaya ko 'to" kaya ko silang buhayin mag-isa...

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

mga anak namin edad nang iwan ng unang asawa ko

Noong time na nagmessage sakin una kong asawa na mag-asawa nalang ako sa abroad ay may bagong asawa na pala sya...sa kadahilanang nagmessage daw mama ko sa kanya na nag-asawa na daw ako ng arabo sa abroad at hindi na daw ako uuwi...kaya naghanap daw sya nang asawa...akala nya naman totoo message ng mama ko....hindi man lang nya ako kinompronta muna...kaya napunta sa hiwalayan pagsasama namin...

KAMI: mala teleserye pala ang buhay niyo mam..

Precious Jewell: Oo nga...haba eh...chapter 1 palang nga ako eh...hehee

Year 2004 ako umalis at February year 2008 na ako umuwi dahil nga naabutan ako ng gyera year 2007 sa Lebanon...kaya asawa ko akala nya talaga hindi na ako uuwi...

KAMI: mam ang kwento niyo po sa pangalawang asawa?

Precious Jewell: To continue my story...ayon nga, nag-aybol kami sa harap ng simbahan sa cagayan de oro cathedral...naglodge at d kalaunan naghanap ng boarding house na matitirhan...nagkahiwalay kami year 2008 nang una kong asawa at year 2009 nagkaanak kami nang pangalawa kong asawa...grabeng trahedya dinanas ko sa mga kamay nya...pagkaanak ko sa pangatlong anak ko saka ko nalaman na may asawa at anak pala sya sa una...kasal sila...in short wala akong kamalay malay na kabit lang pala ako...napakaskit malaman halos mahulog ang mundo ko nung time na yon...para akong babagsakan ng langit...pero sa kabila ng lahat ako parin pinili niya...iniwan nya unang asawa nya at sumama sakin...pilit ko syang hiwalayan pero ayaw nya dahil mas mahal nya raw ako...year 2009 dumating ang trahedya sa buhay namin...ang inuupahan naming bahay ay nasunog...halos lahat walang natira sa kagamitan namin...1 month old palang baby namin nun kaya mas una kong naisalba mga anak ko kesa sa mga kagamitan namin...dahil wala pangalawa kong asawa nung time nayon...nasa work sya.

Dahil sa nangyari ay pilit kaming bumabangon...pero parang galit talaga sa amin ang tadhana...Year 2010 pagkapanganak ko sa bunso ko, nawalan asawa ko ng trabaho...kaya nagdesisyon kaming umuwi ng iligan city sa lugar ng mama nya...mahirap parin ang buhay...drive lang ng habal habal work nya...kung may sasakay may kita ganun lang...one day nagsuggest ako sa kanyang bumalik samin dahil gusto ko uli bumalik sa abroad para makatulong sa kanya...

Umuwi ako samin dahil papaalagaan ko na naman mga anak ko sa mama ko...at iniisip ko na naman ang mga consequences...iniisip ko na naman na baka mangyari na naman sa una kong asawa sa pangalawa...balik uli ako sa nakasanayang words "bahala na, c God nalang bahala sa lahat"...

Umalis ako uli papuntang Malaysia...Ang tatlo ko lang anak ang iniwan ko sa asawa ko dahil yong pangalawa kong anak ay sa lola na talaga lumaki...mula 7 months old nag-Lebanon ako ay sya na ang nakagisnang ina...nangupahan sila ng apartment at doon ko sila iniwan kasama ng aking panganay

Precious Jewell: Year 2012 nag-Malaysia ako...After many months sa Malaysia...nabalitaan ko mula sa Facebook na may iba na syang babae...panay padala ko ng pera sa kanya para sa pag aaral ng panganay ko pero hindi nya pala pinapaaral...worried ako masyado sa mga anak ko nang mabalitaan ko pa na he was taking dr*gs...nag-sya shabu daw sya...kaya d na ako nagdadalawang isip umuwi after 1 year...naabutan ko mga anak ko na mukhang pulubi...ang panganay ko awang awa ako...Hindi man lang nabilhan ng chinelas...kung ano yong chinelas nya pag-alis ko...yon parin chinelas nya pag-uwi ko...podpod na...botas na ang apakan...sabi ko sa anak ko nagchinelas ka pa???...yong pangatlo ko ang payat2x at mapotla...masyado nya raw pala pinapalo...masyado nya minaltrato mga bata...ang iyak ko nung time na yon...at hindi pa yan...wala akong naabotang mga gamit sa bahay...pinagbebenta nya raw lahat...sabi ko "pinapadalhan naman kita ah"...d ba may trabaho ka naman sa restaurant ng pinsan mo? Saan napunta pinapadala ko?" Sagutin ka ba naman na "yong padala mong kakarampot hinahanap mo pa?" Parang nagbagting tenga ko sa narinig..."hindi mo ba alam kung gaano kahirap malayo sa inyo at kumayod doon sa abroad tapos sasabihin mo lang kakarampot sahod ko?" Grabe away namin noong time na yon...

Precious Jewell: Isang gabi bigla sya nawala sa bahay...hinanap ko sya kung saan2x...andun lang pala nagtatago sa saradong restaurant ng amo nya dahil nasa likod lang kami ng kainan nakatira, nangungupahan...nahuli ko sya may kausap na babae...inagaw ko cellphone sa kanya...nag agawan kami...kaya lang talagang mabilis kamay kong nakaagaw kaya nakuha ko cellphone nya at kinuha ko ang simcard at pinasok sa cp ko...conversation nila ng babae nya...tinawagan ko ang babae ayaw sumagot...kaya kinompronta ko sya..."kaya pala naubos padala ko dahil sa babae at bisyo mo!" Mga bata hindi mo inalagaan mabuti...laki na naman ng away namin...pati kapit bahay kong tsismosa nakisulsol narin...iwan ko na raw asawa kong walang silbi...pero sa kabila ng lahat hindi ko parin sya iniwan...nagpahatid ako sa kanya sa terminal ng bus sa tulong narin ng best friend ko dahil ayaw nya daw iwan trabaho nya pero iniisip ko dahil ayaw nya iwan babae nya dun sa kanila...kaya umuwi kami ng mga anak ko

Precious Jewell: Bumalik na nman kami sa probinsya namin sa lugar na naman ng mother ko...nagkasunduan kaming papadalhan nya kami ng sustento pero hindi nya ginawa yon...kaya naghanap nalang ako ng paraan para buhayin ko mag-isa apat kong mga anak...

Precious Jewell: Nagtinda ako ng bananaque...gumawa ng mga sweets like yema, bokayo...panganay kong anak nagbebenta sa school nila para may pambaon sya araw araw...andun na yong time na nagbebenta ako ng ukay ukay...hanggang sa pinasok ang maging sales dealer ng nga product...yon bang nilalako bahay2x at sinasalubong ang init ng araw...kung may benta walang pera...hanggang umabot yong time na talagang walang wala kami...yon nalang pagbobokayo ko ang nagsupport sa pagkain namin araw araw...Minsan pa utangin pa sa pinagbentahang tindahan kasi by dozen benta ko sa mga mini store sa lugar namin...isang araw walang pera2x...wala nang bigas at ang kahuli huliang nagbayad ay bigas nalang ang pinambayad nya rin...isang kilong bigas sa dalawang araw na kainan...kalahati ngayon at kalahati bukas...litong lito na ako...tinawagan ko ama ng dalawa kong anak pero ang sagot lagi wala syang pera...

Precious Jewell: Kaya pinagtyagaan namin ang maglogaw pamatid gutom sa mga anak ko...panghuling logaw namin habang naghatihati mama ko sa logaw sa mga anak ko ay tinitigan ko ang plato ko na halos tig tatatlong sandok lang kami na binugburan ng asin...napaisip ako, ano pa kaya ang kakainin namin bukas"? Paano pa kami mabubuhay nito? Habang napatanong sa sarili bigla akong natigilan nang biglang umiyak pangatlo kong anak...tapatanong ako kung anong nangyari? Sagot ng mga kapatid nakulangan daw sya...gutom pa daw sya dahil nga wala kaming almusal...hanggang tanghalian nalang logaw namin...kaya binigay ko sa umiiyak kong anak ang parte ko...nag-alala mama ko sakin na baka daw magkasakit ako dahil kagabi pa ako hindi kumakain...

Precious Jewell: Nung araw ding yon dinadala ko dalawa kong maliliit sa mga friend ko...nakitira ako dun pansamantala at naging katulong sa gawaing bahay para lang mapakain ko mga anak ko...sinubukan kong mag apply sa lugar namin ay napakababa lang ng sahod...sa pamasahe lang ay kulang pa...kaya sa tulong uli ng best friend ko ay nakabangon ako uli...nag-apply uli ako sa abroad at tuluyan nang nakipaghiwalay sa asawa ko...habang naghihinatay ng visa ay naglalako uli ng mga products sa kalye kalye pampatid gutom sa mga anak...kung walang benta nagbibigay konti ang best friend ko dahil sumasideline sa kanya minsan maglabada...mahirap din mangutang kung tingin ng tao wala kang pambayad dahil wala kang sapat na kita...Nang makaalis na naman...at nakabangon muli, iniisip ko, wala na akong iniwang lalaki sa Pinas...lahat sila tinapos ko na...ngunit sa kabila ng nangyari sakin at sa mga anak ko, hindi ko pinakita sa harap nila na umiiyak ako...gusto ko maging matapang din sila sa hamon ng buhay

Year 2013 nang magpunta ako sa Dammam

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Sa Dammam KSA ako nito...all around yaya..

Precious Jewell: Anim yang alaga ko

Yang mga kasama ko ang alagain pa masyado

Mas mahirap lalo na kapag sumasapit ang pasko...ilang pasko narin hindi ko sila kasama dahil lagi ako nasa malayo...natatandaan ko tuloy panganay ko noong paalis ako papuntang Dammam...habang humihikbi ng iyak...sabi nya " mang wag ka na umalis, iiwan mo na naman kami"? Kaya pinaintindi ko sa kanya na lahat ng ginagawa ko para sa inyo dahil ayaw ko maglogaw kayo araw2x...ayaw ko maranasan nyo ang naranasan naming kahirapan noong maliliit pa kami...kaya naintindihan naman nya...

KAMI: mam sa mga ngyari po s buhay niyo , ano po ang mga bagay na lubos niyo pong pinagsisihan.

Precious Jewell: Pinagsisihan?

Pinagsisihan ko ang pag-aabroad ko...pinagsisihan ko kung bakit pa ako nangarap...siguro, kung hindi ako nag-abroad, ay buo pa sana hanggang ngayon ang sinimulan kong pamilya...kaya lang, nangarap talaga ako ng magandang kinabukasan para sa mga anak ko dahil ayaw kong sapitin nila ang sinapit ko nung kami ay bata pa...kaya lang, sadyang minalas lang talaga siguro ako. Lalo na sa lalake...Hindi ko nga pala nasali sa kwento na bukod sa adik ang pangalawa kong asawa ay nambobogbog pa...6 months akong buntis sa pangatlo ko ng magsimula akong magka-black eye...kapag siguro nakatama sya hindi nya kayang controlin sarili nya...pilit kong ayusin pagsasama namin dahil ayaw kong mawasak tulad nung una pero sya mismo ang bumitaw...Hindi sya sumama samin mga anak nya dahil ayaw nya iwan babae nya...kaya tuluyan narin akong bumitaw...

Hanggang sa nabalitaan ko nalang ngayon na ikakasal na naman daw sya sa babae nya...nagkausap kami ng babae nya sa timeline na ikakasal na sila this year...

Mahal ko sya pero may mahal syang iba...pilit ko binubo pamilya namin kaya hindi ako makapag-move on...kaya sa mga anak nalang muna ako naka-fucos...

I stayed 8 months sa pinas last year...nag-apply ako sa factory ng Mega Sardines sa Zamboanga City with the help of a friend na nakasama ko rin dati sa dammam

Masaya sana work ko don kahit nakakapagod sa planta...kaya lang napakailiit talaga ng sahod...

KAMI: mam ano po ang masasabi ninyo sa mga anak niyo po?

Precious Jewell: Mga anak ko...

Sila ang tanging buhay ko, sila ang tanging lakas ko...mawalan na ako ng lalakeng magmahal sakin wag lang ang aking mga anak dahil ikamamatay ko...gagawin ko ang lahat para sa kanila mabuhay ko lang sila sa marangal na paraan....

Kunin lang nila ang lahat sa akin, wag lang ang aking mga anak...kahit buhay ko ang kapalit para mabuhay sila ay gagawin ko para sa kanila...

Sa ngayon, bumalik ako uli dito sa Saudi pero andito na ako ngayon sa Jeddah...

happy na ang ending ng story ko kahit wala akong kapartner sa life basta andyan mga anak ko lagi kong kapartner kasama ng mother ko na syang tangi kong kaagapay sa hirap at ginhawa...

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

My mother...

D man ako successful sa lovelife...sana maging successfull ako saking career...para ito sa future ng mga anak ko

Sa lahat ng aking pinagdaanan sa buhay, sa mga trahedya, luha, sakit, lungkot, saya, I realize lahat ng yan pala pagsubok lang ni Lord...When I move to another religion, a Christian religion, dun ko narealize na kailangan pala nating pagdaanan lahat bago natin sya maalala dahil hindi ko madeny na minsan nakakalimutan kong magdasal pero sa tuwing humihiling ako kay Bossing binibigay Niya...pinapaalala lang pala Niya sa atin na nandyan lang Siya, wag kang mahiyang tawagin Siya...lagi Siyang nakaalalay Sa'yo...isang tawag mo lang sa Kanya mas malakas pa ang signal Niya sa Wifi natin at dinig Niya agad ang ating mga panalangin...

Napapaluha nalang ako habang nagkekwento ng story ko...dami ko pinagdaanan na c God lang pala ang sasagot lahat ng aking mga problema...

Malayo man ako sa mga anak ko pero parang malapit din ng dahil sa video cam...my kids showing their new toys...

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

at napapakain ko na rin cla sa jollibee

My story might not good from the beginning kaya gusto po maging happy sa ending...bumalik ako sa kadahilanang nag-iipon para mag-stay na for good sa Pinas and DOLE is helping me to make my dream come true...

As for now I'm taking refresher course online kaya masyado po talaga akong busy...wala po mga amo ko kaya nagkaroon ng time magkasend ng story...

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Alamin ang hirap na pinagdaanan ng OFW na ito para maitaguyod ng mag-isa ang kanyang mga Anak

Source: Kami.com.ph

Related news
Goodbye popemobile na nga ba? Pope Francis receives a Lamborghini Huracan

Goodbye popemobile na nga ba? Pope Francis receives a Lamborghini Huracan

Goodbye popemobile na nga ba? Pope Francis receives a Lamborghini Huracan
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel