Lalaking nanakit ng aso, resbak ang inabot!

Lalaking nanakit ng aso, resbak ang inabot!

KAMI ay nakibalita mula sa trending news portal;

Maraming tao ang minamaliit ang kakayanan ng ating tinatawag na ‘man’s bestfriend’ na hayop. Maaaring wala nga silang kakayanan na maihahalintulad sa tao ngunit wag silang pakamaliitin dahil kapag sila’y inapi marunong din sila gumanti.

Gaya na lamang ng isang viral na larawang ito mula sa China, ang isang samahan ng mga aso ang gumanti sa sasakyan ng isang lalaki matapos nitong sipain ang isa sa kanila.

Lalaking nanakit ng aso, resbak ang inabot!

Karma ang inabot! (Photo credit: Trending News Portal)

Ayon sa balita ng Daily Mail, isang lalaki mula sa Chongqing, China ang nadiskubre ang isang aso na nakahiga sa isang reserbadong paradahan. At imbes na ito’y kaniyang paalisin sa pagbugaw dito ay sinipa niya ito bigla bigla.

Nguni’t hindi nakalimutan ng asong ito ang ginawa sa kaniya kaya bumalik siya na kasama ang buong barkada at binawian ang sasakyan ng lalaki.

Lalaking nanakit ng aso, resbak ang inabot!

Isang kapitbahay ang maya maya pa’y dumating at nakasaksi sa pangyayari. (Photo credit: Trending News Portal)

Kanilang kinagat ang ilang bahagi ng sasakyan at maging ang wiper ng sasakyan.

Sa kinaumagahan ay nagalit ang lalaki ng makita ang nangyari sa sasakyan niya. Ang kapitbahay na nakakita ng pangyayari ay pinakita ang larawan sa kaniya upang makita kung sino ang may sala.

Bagay nga sakanya iyon.

Sa pagsisiyasat ng Daily Mail, ang mga asong gala sa kanila ay madalas sa lansangan at sinasali sa mga sabong ng aso bilang katuwaan.

Nakalulungkot lamang na sa China walang batas ang nagsasakop na pangalagaan ang mga ganitong hayop. Ang tanging magagawa lamang upang maligtas ang mga ito ay kung may magaampon at mag-aalaga sa kanila.

Anong masasabi ninyo tungkol sa regulasyon ng China sa mga aso?

Related news

PDA ha! Daniel Padilla and Kathryn Bernardo show how they’re closer than ever with these photos

PDA ha! Daniel Padilla and Kathryn Bernardo show how they’re closer than ever with these photos

PDA ha! Daniel Padilla and Kathryn Bernardo show how they’re closer than ever with these photos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel