Video ng “dimudura” na nagtitinda nag-viral sa social media!

Video ng “dimudura” na nagtitinda nag-viral sa social media!

KAMI ay nabalitaan sa The Star Online na sa Petaling Jaya, Malaysia, kung saan nakita ng ang isang lalaking nagtitinda ng Durian ay namataang parang dumudura sa kaniyang tindang durian na mabiis na lumaganap sa internet.

Sa loob ng dalawang minuto ang video na nakuha mula sa isang distansya, na nagpapakita ng isang lalaki sa isang tindahan ng durian, na sinasabing nasa Sri Gombak sa Kuala Lumpur, habang binabalot ang bawat prutas na nilalapag sa kanyang hita.

Subalit, bago pa man niya takpan at isara ang bawat pakete ay kanya itong nilalapit sa kaniyang mukha.

Ang video na ito ay mabilis na kumalat sa Whatsapp at Facebook noon gabi ng Miyerkules.

At isa pang video pa ang lumitaw online na nagpapakita ng tila isa pang tao na lumapit sa nagtitinda ng durian.

Kanya ba itong dinuduran o mayroon lamang alikabok na kaniyang hinhipan? O hindi kaya’y mayroong salamngka siyang sinasabi upang lalo pang lumakas ang kaniyang benta.

Noong nagtanong ang The Star Online sa kanilang Facebook page tungkol sa reaksyon ng mga netizen, iba iba ang kanilang naging pananaw.

Si Noonsod Rawaulam, ay naniniwalang ang kaniyang ginagawa ay isang ritwal upang lumakas ang kaniyang benta. “Tingin ko hindi nya ito ginagawa sa galit o inis niya, maaaring meron siyang sinasabi sa prutas na iniisip niya na makatutulong para maging sikat ang tinda niya at lumaki ang tinda, kahit papano ngayon ay kilala na nga siya”

Sabi naman ni Omar Idris ay wala namang dahilan para gawin ito ng nagtitinda ng durian. “Ang problem sa atin ay una nating nakikita ang negatibo kaysa sa hanapin kung alin ang katotohanan”

Meron namang nagkomento na talagang nagalit. Gaya nalang ni Selvin Thor na tinawag pa ang atensyon ng mga autoridad upang parusahan ang hindi malinis na pagtitinda ng lalaking iyon.

Gayon din ang tugon ni Joanne Tan, dapat panagutin ang lalaki at kung sino man ang kanyang amo sa hindi magandang bagay na ito.

Gombak OCPD Asst Comm Ali Ahmad ay sinabi sa isang pahayag sa The Star Online na ang mga pulis ay agad na gumawa ng hakbang upang malaman kung gumagawa nga ba ng mali ng lalaking ito. Ngunit nang dumating ang mga pulis noong gabi ng Miyerkules ay hindi siya nadatnan. Sarado ang kanyang tindahan mula pa kahapon.

“Kailangan nating malaman kung ano bang tunay na nangyayari at pagaaralan natin sa bawat angulo. Kailangan natin malaman kung totoo bang dinuduran niya nga ito” Ang pahayag ni OCPD Ali

Kanya din sinabi na ang nagtratrabaho sa tindahan na iyon ay mga Indonesians, gaya ng sinasabi ng mga tao sa social media.

Source: Kami.com.ph

Related news
Xander Ford meets his other celebrity crush: Ella Cruz! Natulala na lang si Ella sa kagwapuhan ni Xander!

Xander Ford meets his other celebrity crush: Ella Cruz! Natulala na lang si Ella sa kagwapuhan ni Xander!

Xander Ford meets his other celebrity crush: Ella Cruz! Natulala na lang si Ella sa kagwapuhan ni Xander!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel