North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

Sa darating na sabado ang ika-105 na anibersaryo ng North Korea bilang isang bansa.

Sinasabing naghahanda na naman ng panibagong Nuclear device ang North Korea at gagawin nila ang test nito sa isa sa mga tunnel o lagusan sa darating na sabado, ayon sa mga nakalap na balita.

Ang mga media na nasa Pyongyang ay sinabihan na maghanda sa isang “Malaki at importanteng kaganapan” noong huwebes.

Mahigit 200 mamahayag ang nasa sentro ng bansa ng North Korea sa pagdating ng araw ng ika-105 na anibersaryo ng kanilang pinunong si Kim II Sung sa Abril 15, at mas kilala sa tinatawag na national day na “Day of the Sun” (Kaarawan ng Araw)

Wala pang opisyal na pahayag tungkol sa pagdiriwang na ito tungkol sa kung saan ito gaganapin at kung anong mga nilalaman ng araw na ito.

North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

Kim Jong-un (Photo: REUTERS)

Si Steven Herman, Ang White House Bureau Chief para sa VOA News, ay sinasabi sa isang tweet na ang nakalap na balita ay galing sa source na naniniwalang ang North Korea ay naghahanda na itest ang kanilang Nuclear Device sa isa sa mga lagusan or tunnel sa kanilang lugar.

"Ang US government at iba pang sources nila ay sinasabing ang DPRK ay naglagay ng nuclear device sa kanilang tunnel na maaari nilang pasabugin ano mang oras sa umaga sa araw ng Sabado”

North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

Ang US ay nagpadala na kanilang mga barkong pandigma sa rehiyon upang ipakita ang kanilang lakas (Photo: AFP)

North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

Ang mga mamahayag ay sinabihang maghanda para sa isang “big event" (Photo: REUTERS)

Ang North Korea ay kilala sa ganitong uri ng gawain sa pagiging misteryoso sa kanilang mga nilalabas na pahayag na maaaring ipagdugtong sa mga nakalipas nilang mga ginagawa na naibabalita.

Gaya na lamang noong nakaraang taon (2016), ang mga mamahayag ay nagbuhos ng kanilang oras upang alamin ang binabalak ng mga opisyal ng North Korea na sa huli ay isa palang “pop concert” bilang huling palabas nila sa kanilang Worker’s Party Congress.

Ngunit mataas parin ang tension, sa papalapit ng barko ng U.S sa kanlurang bahagi ng Pacific na nagpapakita ng kanilang kapangyarihan sa North Korea na nag-babadya ng isang Nuclear Attack sa United States kung sakaling magsimula ito ng gulo sa kanilang teritoryo.

Ang Presidente ng China na si Xi Jinping ay tumawag na ng mapayapang kasunduan upang maisaayos ang hidwaan sa North Korea sa papamagitan ng pagtawag sa telepeno sa president ng America na si Donald Trump noong miyerkules.

North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

Naghahanda ang North Korea sa malaking pagdiriwang nila na tinatawag na Day of the Sun - Photo: REUTERS

Noong Abril taong 2012, Sinubukan ng North Korea ay nagpalipad ng isang “long-rabge rocket” bago ang araw ng ika-100 ng Day of the Sun nila.

Subalit kinompirma ng media na ang pagpapalipad nila ay nabigo.

Noong Miyerkules, Ipinag-utos ng mga opisyal ng North Korea na ang mga mahahayag ay ikansila nila ang kanilang mga gagawin sa araw ng huwebes upang magbigay daan sa sinasabing “Malaki at Importanteng Kaganapan”

Ang pagbiista ng mga banyagang mamahayag sa North Korea ay madalang at mahigpit na inaayos, kasama na ng security check at lalo na sa mga kaganapan na dadaluhan ng leader na si Kim Jong un.

Ginagamit din ng North Korea ang ganitong uri ng okasyon upang ipamalas ang kanilang makabagong istracktura at iba pang proyekto.

North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

Photo: REUTERS

Sa mga nakalipas na linggo ang mga kanilang mga mangagawa ay inilalapat na lamang ang “finishing touches” o ang patapos na kailangan ayusin sa kanilang skyscraper-lined (matayog na gusali) na nasa “Ryomyong” street na parte ng kanilang sentro Pyongyang.

Ang kanilang presidenteng si Kim ay madalas na bisita ang lugar na ito upang tignan ang mga itinatayong gusali, ayon sa balita ng mga media.

North Korea has in the past marked its April 15 holiday with tightly choreographed military parades.

Ang North Korea noon sa nakaraan ay nagkaroon sa nakalipas na Abril 15 ng isang pinong parade ng mga militar.

Ano kayang supresa ang kanilang ipapakita ngayon? At kelan kaya sila titigil sa ganitong ambisyon?

North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

North Korea: NUCLEAR test, maghanda daw sa “Big event”!

Related news

Closer pa? Daniel and Kathryn send waves of kilig our way with these super PDA photos

Closer pa? Daniel and Kathryn send waves of kilig our way with these super PDA photos

PDA ha! Daniel Padilla and Kathryn Bernardo show how they’re closer than ever with these photos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel