Muntik ng hindi magpropose ang OFW ng malaman ang kalagayan ng girlfriend. Alamin ang buong pangyayari!

Muntik ng hindi magpropose ang OFW ng malaman ang kalagayan ng girlfriend. Alamin ang buong pangyayari!

KAMI publishes a story that was sent from our reader.

Please, feel free to comment it, leaving your advice or opinion for the author.

Alam kong mahal na mahal ako ng boyfriend kong si Eric. Magpipitong taon na ang relasyon namin ng may nangyaring masama sa akin.

Noong time na iyon, nasa ibang bansa si Eric. Nagmamaneho ako papuntang Cubao. Pag-daan ko sa intersection lane. May bumangga sa likod ng sasakyan ko. Nawalan ako ng malay sa nangyari.

Lumipas ang isang linggo, bago ako nagkamalay. Laking gulat ko ng bumungad sa akin ang kadiliman. Alam kong nakadilat ang mga mata ko. Narinig ko ang boses ng mama ko na tinatawag ang doktor. Nag-panic ako at nagwala.

Nang kumalma na ako, ipinaliwanag sa akin ng doctor ang naging damage sa paningin ko. Unang lumabas sa isip ko si Eric. Anong magiging reaction niya pag nalaman niyang bulag na ako, mamahalin ba niya ako? Kahit hindi ko na siya makita?

Humingi ako ng advice sa mama ko. Ang sabi niya, “Kung ano man ang magiging desisyon mo. Susuportahan kita anak.” Nagpasya akong itago kay Eric ang katotohanan.

Mahirap makipag-usap kay Eric sa Skype ng hindi ko siya nakikita pero sa tulong ng ina ko, nagawa kong ipakita sa kanya na okay lang ako.

Isang araw, may dumating na delivery boy sa bahay namin. Sabi ng ina ko, may bouquet siyang dala. Tinanong ko ung lalake kung kanino galing ito.

Naghintay ako sa sagot niya pero ibang boses ang narinig ko. Boses ni Eric!

“Keisha? Nandito ako bakit doon ka nakatingin? Ano ba--”

“Bulag ako, Eric.”

Narinig ko ang mga iyak niya at yinakap niya ako sabay bigkas ng mga katagang kay tagal kong hinintay.

“Will you marry me, Mahal?” Malaking OO ang isinagot ko sa kanya.

Related news
Beauty queen Mariel de Leon shares her honest thoughts about her bashers on social media: ‘Those haters, I don’t know them…’

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel