"Hindi na ako babalik sa Qatar," sabi ng OFW. Alamin kung ano ang ginawa ng amo niya

"Hindi na ako babalik sa Qatar," sabi ng OFW. Alamin kung ano ang ginawa ng amo niya

KAMI was asked to publish this story.

Please, read it and share with your friends.

Also feel free to give your advice to the author. Thank you.

Magandang gabi sa lahat. Panganay ako sa limang magkakapatid. Sa dami namin, ako lang ang napagtapos ng aming mga magulang. Kaya pumunta ako sa Saudi para manilbihan bilang isang katulong upang tustusan ang edukasyon ng mga kapatid ko.

28 years old ako nuon. Unang sabak ko sa ibang bansa, minalas agad ako.

Ipinangako ng ahensiya na sinalihan ko, na 2,000 dirhams kada buwan ang sahod ko. Mayroon akong isang day-off sa isang buwan at free lodging. Sinunggaban ko ang pagkakataon na ito.

Sa unang buwan ko sa amo kong si Kamal, minsan lang kami magkita. Tutok ako sa gawaing bahay at pagbantay sa 6 anyos niyang anak na babae. Sa huling araw ng buwan ang day-off ko sabay ng sweldo ko.

Nang ika anim kong buwan sa Qatar, nagsimula ang buwan ng wala akong sahod na natatanggap. Tinanong ko si Kamal at sabi niya sa susunod na buwan na nya ako babayaran.

Nang lumipas ang araw ng sweldo ko, nagdesisyon akong pumunta sa ahensiya para humingi ng tulong. Nadismaya ako ng wala silang magawa sa sitwasyon ko.

Sa pagbalik ko sa condo ni Kamal, nakita ko ang sasakyan niya. Kinabahan na ako dahil pumislit lang ako palabas. Natutulog pa kasi ung anak niya.

Nagpupuyos sa galit si Kamal at puro masasakit na salita ang lumabas sa bibig niya. Nasa kamay niya ang passport at mga ID ko. Wala akong nagawa kung hindi umiyak sa harapan niya. Nagmaka-awa ako na sana’y pauwiin na lang niya ako. Kahit hindi na niya bayaran ang sweldo ko sa nakalipas na buwan.

Kinaumagahan, hinagis niya sa labas ng condo lahat ng gamit ko. Madali kong kinuha ang mga ito at tumakbo palayo. Mabuti na lang at may kaibigan ako sa Qatar. Humingi ako sa kanya ng saklolo at suporta para maka-uwi ako ng Pilipinas.

Na trauma ako sa nangyari sa akin at ayaw ko ng magtrabaho sa ibang bansa. Kahit na malaki pa ang sahod doon, mas magiging masaya naman ako dito sa Pilipinas kasama ng pamilya ko.

"Hindi na ako babalik sa Qatar," sabi ng OFW. Alamin kung ano ang ginawa ng amo niya

"Hindi na ako babalik sa Qatar," sabi ng OFW. Alamin kung ano ang ginawa ng amo niya

Source: Kami.com.ph

Related news
May nanalo na! There is a real-life Petmalu Lodhi and all your lodis are shookt

May nanalo na! There is a real-life Petmalu Lodhi and all your lodis are shookt

May nanalo na! There is a real-life Petmalu Lodhi and all your lodis are shookt
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel