Optical shop, lungga ng illegal recruiters. Nahuli ng NBI!

Optical shop, lungga ng illegal recruiters. Nahuli ng NBI!

Malaking tulong sa pamilya ng isang OFW ang makakita ito ng matinong trabaho sa labas ng bansa. Kahit naging maingat ang mga ito sa paghanap ng maayos na ahensiya, mayroon pa rin mga “illegal recruiters” na umaaligid sa mga ito.

Sa isang operasyon ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation o NBI, nahuli nila ang pitong tao na umano’y mga “illegal recruiters.” Inakit nila ang mga pinoy upang magtrabaho sa Japan. Mabuti na lang at nadakip sila.

Sa isang tindahan na gumagawa ng mga salamin sa mata, isinagawa ng NBI ang paghuli sa mga ito. Mismong sa lugar na ito ay ginagawa ng mga “illegal recruiter” ang kanilang mga transaksyon sa mga pinoy.

Si Marie Alvarez ay isa sa mga nadakip. Ipinangako niya sa mga aplikante ang trabaho ukol sa pagproseso ng mga pagkain sa Japan at ang suweldo ay Php 90,000 sa kada buwan, “overtime pay” at pabahay. Nang siya ay tinanong tungkol dito ay tinanggi niya lahat ng ito.

Isa sa mga aplikante ay si Ginalyn na nagbigay ng Php 40,000 kay Alvarez para sa pagproseso ng kanyang mga papeles noong 2015. Sa ibang pagkakataon, humingi si Alvarez ng karagdagang Php 10,000.

Hindi lang si Ginalyn ang nabiktima ng mga ito. Pati na rin si Munar at si Romar. Humingi pa nang pera si Munary sa kapatid na babae para ibigay sa mga manlolokong ito.

Naranasan din ito ni Romar at huli na nang nalaman nito na hindi pala akreditado sa POEA ang tindahan ng mga “illegal recruiter.” Ipinangako ni Alvarez kay Romar na makakapunta na siya ng Japan sa Disyembre kaya iniwan niya ang kanyang trabaho noon.

Kinse ka tao ang pumunta sa NBI para magreklamo. Inabisuhan ng NBI ang mga aplikante na huwag magtiwala agad sa mga rekruter.

“It is very easy to verify the legitimacy of the recruiter in the POEA. The only problem is when an applicant’s instantly believe recruiters even without verifying them”, sabi ni Atty. Janet Francisco ng NBI Anti-Human Trafficking Division.

Samantala, ang lahat ng pitong “illegal traffickers” at may-ari ng tindahan ng mga salamin sa mata ay kinasuhan ng paglabag sa batas.

Illegal recruiters arestado! Itinanggi ang ipangakong trabaho sa Japan

Illegal recruiters arestado! Itinanggi ang ipangakong trabaho sa Japan

Source: Kami.com.ph

Related news
Abot-kamay na pagtatagpo! Kylie Padilla's hopeful face says Aljur-Robin face to face meeting may just be around the corner!

Abot-kamay na pagtatagpo! Kylie Padilla's hopeful face says Aljur-Robin face to face meeting may just be around the corner!

Abot-kamay na pagtatagpo! Kylie Padilla's hopeful face says Aljur-Robin face to face meeting may just be around the corner!
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel