Alleged BOC staff draws online flak for chiding OFWs over balikbayan box outcry

Alleged BOC staff draws online flak for chiding OFWs over balikbayan box outcry

Marami na din ang naibalita tungkol sa anumalya na nangyayari sa Bureau of Customs (BOC). May mga videos ng balikbayan boxes na natanggap ng mga kamag-anak ng mga OFWs na nagpapakita sa kinahinatnan ng mga ipinadalang mga gamit. Nang mabalitaan ito ng mga OFWs, matinding galit ang kanilang naramdaman. Ipinagpaliban muna nila ang pagpapadala dahil sa sitwasyon na ito.

Laking gulat ng mga netizens ang paglantad ng isang babae na umanoy empleyado ng Customs. Sa facebook post ni Roussel Osena Tan, ipinahayag niya kung bakit nangyayari ito sa Customs.

Alleged BOC staff draws online flak for chiding OFWs over balikbayan box outcry

Alleged BOC staff draws online flak for chiding OFWs over balikbayan box outcry

“Alam nyo ba na me nagpadala ng undeclared item ang kapwa nyo kaya naghigpit ang customs… Ayan pinapakita ko sa inyo na me nagpadala ng balikbayan box and dineclara sa forwarder eh personal effects ng makita dto sa Customs kasi hnd sya ung kasing laki ng mga balikbayan box ito ay 100% examination.. At ng buksan ito ang hnd carton ito ay brand new refrigerator na hnd dineclare.”

Hindi lahat ng OFW ay inaabuso ang patakaran tungkol sa pagpapadala ng balikbayan boxes. Ang ilan ay nagsisinungaling sa nilalaman ng mga ito para maibsan ang multa o tax ng ipanadala nila. Kaya naisipan ng Customs na gawan ng aksyon ang sitwasyon na ito.

Binubuksan ang ilan sa mga balikbayan boxes na nakikita nila na may hindi idineklarang gamit. May mga taong itinalaga para maging saksi at para mapigilan ang kung sino man na may masamang balik sa mga gamit.

Sa lahat ng sinabi ni Tan, ang higit na nagpagalit sa mga OFWs ay ang pagtawag niya sa kanila ng mga mapanirang pangalan. Tinamo niya ang hindi mabilang na masasamang komento ng mga OFWs sa kanya at dahil dito isinara niya ang kanyang Facebook account.

Sa nangyaring ito, isinakatuparan ni Pangulong Aquino ang paghinto ng bisa ng BOC policy ng dahil na din sa galit ng mga OFWs at ibang sektor ng lipunan.

Alleged BOC staff draws online flak for chiding OFWs over balikbayan box outcry

Alleged BOC staff draws online flak for chiding OFWs over balikbayan box outcry

Source: Kami.com.ph

Related news
Heart Evangelista keeps distance from Senator Chiz Escudero's ex-wife: “Ayoko na lang… it’s just that I don’t want..

KAMI.com.ph
Mailfire view pixel