Student artist shares inspiring story behind received diploma
- A student artist who graduated with praise shared his inspiring story of hardship and success
- Clarence Alain G. Gomez narrated how he went through tough times before being able to finish college
- Clarence is a Multimedia Arts graduate in De La Salle-College of St. Benilde
Finishing college is a dream for everyone who have big ambitions in life and the most cherished achievement for those who already have their hands on their most anticipated diploma.
However, in every student's huge smile upon marching and climbing up the stage, a story of hardship and success lies beyond.
An inspiring Multimedia Arts graduate Clarence Alain G. Gomez shared every obstacle he has gone through before finishing college and even graduating with praise.
READ ALSO: College dancers create swag dance routine on their graduation day
Here is his story that will leave tears in your eyes:
"'Ma, makakapag-college pa ba ako?'
Iyan ang tanong ko sa nanay ko noong high school pa ako.
Bata pa lang ako, nasaksaihan ko na ang paghihirap ng nanay ko. Nagtrabaho siya sa ibang bansa habang ako lumaki sa lola ko.
Napakabait ng lola Mimay ko, lagi niya akong sinasabihan na maging mabait at matulungin.
Pero nagbago ang buhay namin noong nawala sila. Nawalan kami ng bahay. Ilang taon nakalipas, Nagkasakit si mama. Kaya't kailangan nya munang tumigil sa pagtatrabaho. Ang tanging naipon niya sa ilang taon niyang pagkayod sa ibang bansa ang natitirang susustento sa amin para mabuhay.
Dahil sa mga nangyari, ilang beses kaming hinatak ng mga tao pababa. Na wala daw kaming mararating, dahil wala nang trabaho ang nanay ko, na dahil wala akong ama, dahil ampon lang ang nanay ko at dahil kami na lang daw. Ilang beses kong nahuhuli ang nanay ko na umiiyak ng palihim. Alam kong nahihirapan siya. Bilang isang anak, mabigat para sa akin ang makita ang nanay ko na nahihirapan. Mabigat man, pero siguro ito ang nagudyok sa akin para iangat ko ang pangalan namin ng nanay ko. Kaya high school pa lang ako, sinibukan kong galingan para lang mapasaya ko ang nanay ko. Gusto kong maiparamdam kay mama na may mararating kaming dalawa. Kaya sinubukan kong ibawi sa pag-aaral ko.
Noong high school ako, naalala ko na talagang onti na lang ang pera namin ni mama, na dumating pa sa point na nililibre na ako ng mga kaklase ko para lang makasama sa fieldtrip at ibang activities. Kaya kinabahan na ako kung makakapagkolehiyo pa ako. Hanggang sa nalaman ko ang scholarship sa Benilde dahil sa kaibigan ko. Mag-isa kong inasikaso ang requirements ng scholarship nila. Parang akong dumaan sa butas ng karayom. Nagpasa ako ng mga documents, sumalang sa audition, nagkaroon pa ng aberya sa papers ko na akala ko wala na akong pag-asa makapag-aral. Pero tumatak sa akin ang sinabi ng ni Ms. Baby na taga-SGO "Clarence, huwag kang mag-alala, makakapag-aral ka". At ayun nga, nakapasok ako pero hindi lang pala yun ang dagok na haharapin ko.
Nakapasok ako ng Benilde bilang Student-Artist ng Office of Culture and Arts(OCA) Scholarship, nagbigyan din ako ng libreng dormitory. Laking tuwa ko noon dahil nakapasa ako at makakapag-aral akong scholar. Alam kong malaking bagay na to sa nanay ko. Pero hindi din biro ang ginagawa naming mga Student-Artists. May GPA kaming hinahabol, habang nagre-rehearse kami 3-4 times per week, 3-4 hours per day. Kapag malapit na ang show, araw-araw na. Ilang beses kaming nae-excuse sa klase. Hinahabol namin mga missed requirements. Minsan may mga prof pa na mahirap kausapin. Pagka-uwi, pagod, gagawa ng plates, mag-aaral para sa exam next day, gigising ng maaga. Nakakapagod man pero masaya pa din lalo na kapag malapit na ang show at syempre ito rin naman ang nagpapaaral sa amin. Bilang pasasalamat ko sa Benilde, pumasok din ako bilang College Student-Ambassador under Benildean Student Envoy para makatulong sa pagpromote ng college.
Habang tumatagal, pahirap ng pahirap. May mga tao pang hahatak sayo pababa at may mga problemang uusbong bigla. Noong mga panahon na yun, hindi na ako nabibigyan ni mama ng allowance ko. Kaya nag working-student din ako. Noong una, ayaw ng nanay ko dahil baka makaapekto sa pag-aaral ko pero ako na mismo na nagpumilit dahil alam kong hindi na kaya at onti na lang ang ipon ni mama lalo na noong tinakbuhan pa kami ng pera na sana'y nakalaan para sa thesis ko. Marami din nagtataka kung bakit hindi ako umuuwi ng bahay. Gusto ko kasing isipin na lang ni mama ang sarili niya sa gastusin. Kung uuwi pa ako, gagastos pa siya para sa pagkain ko, maige na lang na isipin niya ang sarili niya at ako naman hahanap ng paraan para mabuhay ako sa Maynila.
READ ALSO: Graduating Engineering student becomes immune to instant coffee
Mahirap, aminado ako. May mga araw na hindi ako nakakakain buong araw. Kuminsan pag sinuwerte, bibili ako ng tinapay kasi mura. Kapag weekends, late ako natutulog para late din ako nagigising para isang kainan na lang. Pasalamat nga ako sa Akisha kasi sa halagang 30 pesos busog na ako buong araw sa mga silog nila. Sobrang saya ko kapag may guest, kasi pagkatapos ko mag-tour, may libre akong food stub. Nagpapasalamat nga din ako sa Student Life kasi nabigyan din ako ng Food stub noong 3rd year ako. May pagkain na ako na libre pag lunch tuwing Mon-Fri. Naaalala ko pa nga noon, nireregaluhan ako ng mga kaibigan ko ng groceries. Nagpapasalamat naman din ako kasi may mga taong nandyan at handang tumulong.
Habang tumatagal mas bumibigat yung problema. Naalala ko, kinupkop pa kami ng kapit bahay namin noong Christmas at New Year dahil wala na talaga kaming makain ni mama. Sa sobrang walang pera, ultimo awarding o kaya show ko hindi makapunta si mama kasi wala siyang pamasahe. Ilang beses kong iniyakan tong problemang to. Ilang beses kong sinasabi kay mama, kung hihinto ba muna ako. May isang beses, malalaman ko naospital pala si mama. O kaya pagka-uwi ko para sorpresahin siya, ako yung nasorpresa kasi makikita kong may mga galos at black eye sya dahil binugbog sya dahil sa inggit ng mga tao sa paligid niya. Kung ano-ano pang balita, na pati pag-aaral ko kinekwestyon nila dahil nga mahirap lang kami pero sa Benilde ako nagaaral. Madalas, bago ako umuwi sa dorm, maglalakad lakad muna ako magisa. Magiisip-isip. Wala sa sarili. Yung pagod na pagod ka na sa mga nangyayari, sunod-sunod tapos papasok ka ng school susubukan mong ipakita na ok ka lang, na walang problema, kasi ayaw mong maapektuhan pati yung iba.
Mahirap pala talaga. Pero ito ang buhay eh. Sabi ko nalang, hindi ako matututo kung wala to, hindi ako makakarating sa kinatatayuan ko kung hindi dahil dito. Dahil din sa mga problemang to, mas napalapit ako kay Lord. Sa tuwing may problema o kaya may mga positive na nangyayari, lagi ko tong pinagdarasal. Kaya naiiyak ako kapag may mga parents na bumabati sa akin, iniisip ko lagi na sana andito din si mama. Pero ok lang naman, naiintindihan ko. Lahat naman ng to' para sa kanya.
Marami mang matitinding pangyayari sa buhay pero lagi pa rin nating tandaan na hindi naman tayo pinapabayaan ni Lord. May mga punto sa buhay na gusto na lang natin sumuko, pero kapag naramdaman mo nang gusto mo nang bumitiw o sumuko yan ang tamang oras para mas lalo ka pang kumapit at lumaban. Dahil sa kabila ng lahat ng mga naglalakihang unos na pumapasok sa buhay natin, lagi nating isipin na may magandang sorpresa ang naghihintay sa atin.
Sa mga namomoblema dyan, mapa-pera, personal, pamilya o ano pa man. Chill ka lang, yakapin mo lang ang problema, tignan mo kakalma din yan.
Hindi masama ang mangarap,Tiwala lang sa sarili na kaya mo, na kakayanin mo. Wag kang matakot madapa, dahil diyan ka matututo. Wag mo ding iisipin ang sasabihin ng iba lalo na sa pagkamit ng pangarap mo, hindi man nagwork sa kanila malay mo ikaw pala ang simula. Just keep in mind, always keep your feet o the ground. Masarap sa pakiramdam ang makamit mo paunti-unti ang mga pangarap mo, pero mas masarap sa pakiramdam ang ma-realize mo na nalagpasan mo yung problemang dating iniiyak-iyakan mo at magsilbing inspirasyon para sa iba."
Read his full post here:
READ ALSO: FEU teacher joins students in showing off dance moves
Source: KAMI.com.gh