Teenage mother of two shares her sorrowful and guilt-filled journey to love

Teenage mother of two shares her sorrowful and guilt-filled journey to love

Teenage-mother-two-sorrowful-guilt-filled-love
A teenage mother of two shares with Kami.com.ph her sorrowful and guilt-filled journey to love.

- 'Love comes in many forms' is probably the most common cliche one can ever hope to hear on Valentine's Day

- For the single ones, the hearts' day can perhaps be the most frustrating in the whole year, as they get to hear about these many forms of love

- For this teenage mom, however, Valentine's Day is a pedestal of memoirs, where she can go back to look back and remember the good and the bad times with her love

Teenage-mother-two-sorrowful-guilt-filled-love
I was 15 when I first got pregnant. Now, I'm 19 and a mother of two. Photo credit: Anne

READ ALSO: American husband accidentally texts ex-boss about plot with hitman to kill Pinay wife and daughter

Here's her story:

Hi. Ako si Anne, mom of 2 in the age of 19. Gusto ko lang I share Yung story ko. Nabuntis ako ni Ron sa 1st son ko in the age of 15, 3rd year HS. Ahead ako sakanya ng 1yr sa HS although mas matanda sya sakin ng 2 years. Why? Dahil kinailangan nyang magstop before dahil sa sakit niyang Hemophilia, an inherited disease. Hindi naging madali Yung confession namin sa Mga family namin. As in umabot kami sa pagtatago at pag iisip na mag suicide nalang. Pero, thank God Hindi namin ginawa. Nang nalaman na nila Yung tungkol sa amin at sa dinadla ko, naging OK na lahat dahil sinusuportahan na nila kami. Nag live-in kami sa ganun kamurang edad. 15 ako, 17 siya. Napuno kami ng masasayang ala-ala sa loob ng kanilang tahanan. Huminto ako pero nagpatuloy siyang nag Aral as a 3rd year H.S. student, pero Hindi rin nagtagal huminto sya dahil sa akin. Dahil naging maselan ang pagbubuntis ko at gusto nya akong mabantayan para mapanatag sya. Ganun nya ako kamahal. Hanggang sa December 23, 2012 02:30pm sinilang ko ang anak namin na pinangalanan namin ng Zildjian Zac Aeron. Yung mundo namin mas naging makulay at masaya dahil sakanya. Nakakapagod at nakakapuyat man mag alaga ng Isang baby, OK lang dahil Isang ngiti niya lang pawi na lahat. Nagpatuloy akong bilang 4th year student. Kinailangan narin niyang magtrabaho habang si mama ang nag aalaga sa baby. Nung una OK pa naman lahat. Gaya parin ng dati Yung paguusap at paglalambingan namin. Pero habang tumatagal, pakiramdam ko nagbabago na siya...
Wala na Yung dating kami. Hanggang umabot pa sa mga pagkakataong nagkakasakitan na kami physically and emotionally. Dahil sa mga paulit ulit na nangyayari Yung pagmamahal ko sa kanya, pakiramdam ko wala na. Hanggang sa nakagawa ako ng kasalanan. Nagmahal ako ng iba, si Amiel. Tinanggap niya ako at Yung sitwasyon ko. Nagkaroon kami ng Secret relationship. Bakit ko ba nagawa Yun? Dahil Yung dating Ron, sa kanya ko na nakikita, dahil yung lalaking unang nagpatibok ng puso ko wala na. Yung SR namin Hindi naging madali, dahil ang chismis hindi naiiwasan, lalo na at maraming nagkakagusto kay Amiel, pero hindi ko alam kung bakit sa dami ng babaeng pwede niyang mahalin? Sa akin pa. Tuwing may nakakarating kay Ron na chismis, hindi namin naiiwasan ang away, at dahil palaban ako, nagagawa nya akong masaktan dahil sa pagseselos at takot na totoo nga lahat. Pero tama sila, ang chismis nadadagdagan, nababawasan, namimisinterpret at madalas ginagwang OK. Hindi lahat ng chismis na nkarating S knya ay totoo. Hindi naman ako famous pero hindi ko alam kung bakit ganun nalang makaimbento ng kwento ang ibang mga tao. Naghiwalay kami ni Ron, para lang ipaglaban yung relationship namin ni Amiel, sinugal ko yung pangalan ko, image ko at pamilya ko. Hanggang sa naghiwalay din kami ni Amiel. Bakit? Dahil nilayo siya ng pamilya nya para iiwas sa akin, dahil nga daw may anak ako. Yung mundo ko parang gumuho. Dahil pinusta ko lahat ng meron ako para lang sa Isang taong duwag. Napariwara ako, natutunan kong magbisyo. Uminom ng alak, manigarilyo at sumali sa fraternity.
Naging OK naman kami ni Ron. As friends. Para lang sa bata, na kahit hindi kami nagsasama padin paminsan minsan para lang hindi isipin ng bata na magulo yung pamilya nya. Pero pag magkasama kami para paring kami. We kiss, we hug & more than that. (you know what I mean) Lagi ko siyang pinipilit na magbalikan nalang kami at ayusin yung pamilya namin. Pero laging rejections lang ang natatanggap ko. Dahil sabi niya, balikan ko nalang daw sya kapag kaya ko na siyang buhayin, he means pag may maayos nakong trabaho. Dahil both of us we're not rich. Sila may kaya, ako mahirap. So naging magulo lahat, pero nagsasama parin kami sometimes and act like couples. Pero madalas kaming mag away dahil sa laging walang mag aalaga sa anak namin. When it comes sa time, aaminin kong naging wala akong kwentang ina. Pag may trabaho kase si mama hinahatid Yung bata sknya, at pag naitataon na may lakad naman sana siya ayun, gusto niyang mag absent ako para ako ang mag alaga. Pero dahil hndi nmn pwedeng mag absent ako, nagagalit siya sakin. Nasasabihan nya ako ng walang kwenta, p*tang Ina and so on. Nagkaroon ako ng serious relationship sa Isang kaibigan ko, at nagkaroon din siya ng Isang serious relationship sa Isang schoolmate ko. Naging insecure ako sa babae pero binalewala ko. Nalaman Kong pinapakilala na niya yung girl sa mga kaibigan nya at dinadala na rin sa bahay. Yung totoo? Deep inside nasaktan ako, pero since may bf naman ako sinantabi ko nalang lahat. Hanggang sa unexpectedly, nabuntis ako ng bf ko, si CJ. Inisip naming ipatanggal dahil sa sitwasyon, pero takot ako sa karma. Lately, tinanggap nalang naming buhayin yung bata...
Teenage-mother-two-sorrowful-guilt-filled-love
I got pregnant again, this time by my new boyfriend, CJ. Photo credit: GMA News
Hindi ko sinabi Kay mama dahil Hindi ko alam kung paano sasabihin, alam kong magagalit siya ng sobra. Hindi ko nga sinabi, pero dahil nanay ko siya, siya mismo ang nakapansin. Naging hard sya sa akin nuon, yung mga salitang lumalabas sa bunganga niya akala mo wala nakong puso at hindi na ako tao. Dahil patapos naman na ang semester, minabuti ko nalang na tapusin. Pumapasok akong walang baon, nakakarating at nakakauwi lang ako ng school dahil sa kaibigan kong may motor. Pumapasok akong walang laman ang tiyan, walang pangmeryenda, o pang lunch. Yung halos mahilo nako sa gutom. Maswerte nako kung may makakain ako ng Gabi. Ganun araw araw. Pakiramdam ko Hindi na niya ako anak. Hang gang sa nagbakasyon, ako na ang nag aalaga sa anak ko. Lahat ng oras ko tinuon ko sakanya. Nung mga panahong Yun ko lang nasimulang maranasan kung gaano kasayang alagaan Yung sarili mong anak kahit na nakakapagod minsan. 4months Yung tiyan ko nakipaghiwalay ako Kay cj. Bakit? Dahl wala siyang kwenta. Ni piso o kusing wala siyang maibigay sa akin. Walang trabaho ang mga magulang at mismong siya wala. Tamad, isip bata, mabisyo at literal na bobo. Ni pangpacheck up ko o pambili ng vitamins ko wala. Yung mundo ko nuon sobrang dilim, sobrang down, pakiramdam ko napakamalas ko dahil pinaparusahan ako ng diyos. Imagine, yung mama ko na nga lang yung inaasahan kong masandalan pero Hindi, dahil tinalikuram at tinakwil nya ako dahil sa pagbubuntis ko. Naging OK ulit kami ni Ron, naging magkaibigan ulit kami. Nagkakatext na ulit nang wala ng harsh words. Naging concern ulit kami sa isa't-isa, pero hindi niya alam na buntis ako. Nung Una napansin niyang namamayat ako, binibiro niya akong baka buntis naman daw ako sabay tawa. Hanggang sa dumating yung araw na inamin ko sakanya, ang sagot niya lang 'Alam ko, matagal ko ng alam dahil kilala ko yang totoong ugali mo, itsura mo at pangangatawan mo. Hinintay ko lang na ikaw ang magsabi sakin...

READ ALSO: Loving husband starves himself to give enough food to bedridden wife who got bitten by snake

Wala akong naisagot, kundi nakiusap akong kahit sa huling pagkakataon makausap at makasama ko siya. Sinundo niya ako at nagusap nga kami sa bahay niya. Hindi ko napigilang humagulgul sa iyak habang niyayakap siya. Nagsorry ako sa lahat ng katangahang nagawa ko. Sa mga kasalanang nagawa ko at mga masasakit na salitang nabitawan ko. Sa pagiging walang kwentang Ina. At higit sa lahat sa pagpapasakit at pananakit ko sakanya. Ang sabi niya matagal na niya akong napatawad, at sa sitwasyon ko ang tanging magagawa nalang daw niya ay suportahan ako at alagaan ng patago. Dahil pagkatapos ng lahat ng nangyari, siguradong may masasabi na naman ang mga tao pag nakita kaming magkasama o malaman na nagbalikan kami. Inalagaan niya ako, dinadalhan ng pagkain, gamot, pera at nagstay kahit saglit lang sa bahay. Dahil sakanya nagkaroon ulit ng liwanag Yung mundo ko. Narealize ko na Yung taong tulad niya? Hindi kona dapat sinaktan at pinabayaan. Na wala ng ibang taong magmamahal sakin ng totoo kundi siya lang kahit na napakapangit ng pinagdaanan namin. Minahal ko ulit siya. Pagmamahal na totoo. Nagfocus ako sa pagiisip kung paano ko sila mabibigyan ng mgandang buhay. Nag usap kaming pag nailabas ko sa sinapupunan ko Yung bata, bubuuin ulit namin yung pamilya naming minsang nabuwag. Na magtratrabaho ako abroad para mabigay lahat ng gusto nila. Yung dreams, plans & goals namin, settled na. Time & Opportunity nalang Yung hinihintay namin. Si mama nanatiling cold sa akin, Isang araw nag away kami, sa sobrang galit niya binato niya sa paa ko yung baso na nag cause na continues na pagdudugo dahil nasakto pa sa vein yung sugat ko. Tinext ko siyang sunduin niya sakin Yung anak namin dahil hindi ako makalakad ng maayos. Sinundo nya nga at nakita niya Yung paa ko. Sabi niya sakin dun nalang daw muna ako tumira sa kanya. So nagpunta nga kaming mag Ina doon July 19. 2016. Naging napakasaya ko, feels like heaven dahil nabuo ulit kaming pamilya. Na para ulit kaming mag asawa...
Yung opportunity na Yun Hindi ko pinalampas. Sinimulan Kong gawin lahat na bagay na Hindi ko nagawa. Maaga akong gumigising para lutuan sila ng almusal nila. Naglilinis ng bahay. Nag iigib ng panligo nila at marami pang iba.
Pagkatapos ng mga gawain msaya kaming nag momovie marathon. Yakap ko siya at yakap niya ako. Pag natutulog kami, madalas akong nagigising sa pagyakap niya sa akin ng mahigpit at pag halik sa noo ko. Iba talaga ang pakiramdam ng halik sa noo. Ramdam ko Yung pagmamahal niya sa akin. Tuwing Gabi, nagpapaalam siya sa akin na lalabas kasama ng Mga kaibigan niya, ayaw ko man, Hindi ko alam kung bakit may something sa loob ko na nagsasabing payagan nalang siya. Kaya pinapayagan ko naman. Hindi ako natutulog hanggat wala pa siya, Hindi kase napapanatag Yung loob ko pag wala pa sya. Kaya hinihintay ko sya hanggang sa pagdating nya. Usually dadating sya ng 12 midnight 1am o 2. Pagdating nya ikinukuha ko na sya agad ng pagkain, hihimayan, susubuan, papakainin. Bago siya matulog papalitan ko muna sya ng damit at memedyasan. Ganun ko siya gawing baby. Kahit madalas akong makabasa ng text messages ng Mga babaeng alam Kong nakakasama nya rin, hinahayaan ko nalang, kahit ang sakit sakit, para lang maging buo kami. Madalas naman nyang sabihin na wag ako magseselos sa iba dahil pineperahan lang daw niya. Lahat hinahayaan ko, dahil kahit papaano dama ko Yung pagmamahal niya sakin at ako parin ang inuuwian...
Hanggang sa august 15, nagkaramdam sya ng inaakala naming normal headache, nagtake lang sya ng paracetamol. Next day wala na Yung headache nya, so akala namin OK na. Nangapitbahay pa nga siya nuon, sobrang saya nilang nagkakantahan kasabay ng pag gigitara nya. Sumunod na araw bumalik Yung headache nya, pero Yung sakit sobrang sakit na raw, ang bigat ng loob Kong nakikita siyang nahihirapan. Hindi siya nakakatulog, Hindi narin ako natutulog dahil minamassage ko Yung ulo niya para kahit konti mabawasan Yung sakit. Gusto nya nasa tabi nya lang ako, ayaw nya akong umalis. Kinagabihan sinugod namin siya sa hospital dahil Yung sakit, Hindi na nya kaya. Kinuhanan sya ng ihi at dugo. Pero ang findings, UTI. Hindi siya inadmit, niresetahan lang sya ng gamot then pinauwi rin kami. So tiniis ulit niya Yung sakit, tiniis Kong makita syang nahihirapan. Hindi sya nakakatagal sa pagtayo at Hindi siya nakakakain. Kahit plitin niyang kumain ilalabas at ilalabas nya parin. At Yung gamot niya, pakiramdam nya hindi tumatalab. Sumunod na Gabi, tinakbo ulit namin sya, pina laboratory ulit sya pero same findings. Yung pain reliever nya pinalitan lang ng mas malakas, hindi parin sya inadmit. So umuwi ulit kami. Next day minabuti naming ipa CTScan nalang, tapos Yung result, pinunta namin sa hospital na nanggalingan namin, only to find out, may namuo na palang dugo sa utak nya, epidural hemorrhage. Saka lang sya inadmit, kinabitan agad sya ng swero, catheter and so on. Halos mahimatay akong makita syang ganun. Diniretso agad sya sa ICU. Buti nalang 6 months na Yung tiyan ko nuon, pinayagan akong magbantay sa loob ng ICU. Sa sobrang lakas ng pain reliever nya, madalas syang mag hallucinate. Lagi niya akong hinahanap, at kahit nag hahallucinate sya, lahat ng naiisip nya kami parin ng anak nya. Hindi na niya naoopen Yung Mata niya. Nakakapag respond nalang sya sa pamamagitan ng pagtango...
Tuwing kinakausap ko sya, lagi kong tinatago yung pag iyak ko. Lagi Kong pinapalakas yung loob nya, na dapat malampasan at kayanin nya. Na hinahanap na sya ng anak namin kaya dapat magpalakas at magpagaling sya. Na madami pa kaming pangarap na aabutin ng magkasama. Na ibibigay ko balang araw lahat ng gusto niya. Na magkasama pa kaming tatanda. Tumatango nalang siya bilang pagsagot sakin. Araw-araw 8 bags ng fresh frozen plasma ang isinasalin sakanya. Tuwing binabantayan ko siya, gustong gusto ko siyang kinakausap, kahit na Hindi ko alam kung gising ba sya o tulog. Kahit nakapikit sya alam kong naririnig nya ako, kahit na madalas wala siyang sagot sa Mga pinagsasabi ko. Hinahawakan ko lagi yung kamay nya, niyayakap at hinahalikan sya. May mga times din naman na gising Yung diwa nya, pag niyayakap ko sya, hinahagkan niya rin ako. August 23, 2016. Ang saya ko kasi nagising siyang may diwa. Nakakausap ko ng maayos, at pakiramdam ko lumakas siya. Maghapon kaming magkasama. Na aasar asar at napapangiti ko sya. Vinideo ko pa nga sya, at sinenyasan pa nya ako ng I❤U. Pagkatapos nun, Mga 3:30pm natulog kaming dalawa, ng magkahawak ang kamay. Nagising rin ako around 5:00pm Dahl sasalinan na ulit siya ng dugo at papakainin through tube. Pagkatapos nun bigla nalang siyang naglaway. Na akala mo Hindi makahinga. Tinawag nila Yung doctor at pumunta naman ang doctor. Kinausap ako ng doctor at ang sabi niya severe na raw Yung sitwasyon nya, Hindi na kaya ng utak at katawan nya, hindi na raw nya irerecommend na I life support sya dahil papahirapan lang daw sya, ang ranging solusyon sana ay maoperahan sya, pero Hindi naman pwede dahil conflict sa sakit niyang hemophilia. I let go nalang daw. Pakiramdam ko nuon Yung mundo ko gumuho, Yung kalahati ng buhay ko nawala. Na Yung paligid ko ang dilim dilim. Yung loob ko halos ma trauma. Wala akong magawa kundi humagulgul nalang ng iyak habang yakap siya. Nung Mga oras na Yun, alam Kong meron pa dahil lumuha pa Yung Mga Mata niya...
Hanggang sa unti-unting bumaba Yung heartbeat nya na nakikita sa monitor. Inuwi namin sya, at sa huling pagkakataon, natulog kaming tatlo kasama ng 3yrsold naming anak. Ang sakit sakit. Wala siyang ka alam alam sa mga nangyayari. Ang alam niya lang ay natutulog ang daddy niya. Natulog kami pero ang nasa loob ko? Umaasa akong gigising siya. Kahit malabong mangyari. Kinaumagahan kinuha na siya ng funerarya. Nilamayan namin siya ng 10days. Araw-araw, sobrang sakit sa loob kong gumising ng wala siya. Halos iblame ko si God, dahil nanampalataya ako sakanya, umasa ako sakanya pero hindi niya man lang ako napagbigyan sa kahilingan Kong makasurvive yung lalaking mahal ko, Yung lalaking nagpapatibok ng puso ko, yung lalaking naging buhay ko. Pero siguro nga, may mas magandang Plano si lord sakanya, na masaya na siya dahil wala na siyang sakit, na kahit Hindi namin sya nakikita lagi parin namin siyang kasama. Sept. 29, 8 months, pinanganak ko ang 2nd baby ko. Siguro nga sa sobrang stress narin. Pinangalanan ko siyang Ron Nigel, hindi naging maganda yung lagay niya nuon, naka life support siya sa neonatal ICU. Walang kasiguraduhan kung makakasurvive. Naging napakahirap ulit sa damdamin at loob ko ang lahat. Wala akong magawa kundi umiyak habang tinitignan siyang nahihirapan. Pakiramdam ko pinaparusahan ako ng diyos pero pinili ko paring manalig sakanya. Hanggang sa tinanggal rin ang life support ni baby. Napakasaya ko dahil dininig ng Diyos lahat ng dasal ko. Pinayagan din kaming umuwi. Tama nga sila, pag may umalis may dadating. Thankful ako... Marami akong Aral na napulot. At proud akong sabihin na dahil sa mga pinagdaanan ko, I found a new version of a better me.

READ ALSO: The story of this 2-year-old boy will make you cry

Teenage-mother-two-sorrowful-guilt-filled-love

RELATED: Netizens grieve for sisters found dead at abandoned fish pond, molested. They were only 7 and 9 years old

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Margaux Torres avatar

Margaux Torres