Madam Claudia to Mocha Uson: Wag kang plastik

Madam Claudia to Mocha Uson: Wag kang plastik

- Renowned fictional Facebook character Madam Claudia has again lambasted well-known solid Duterte supporter Mocha Uson

- Madam Claudia labeled Mocha Uson as a hypocrite

- The pop singer and dancer has recently uploaded a photo on Facebook with a long caption noting that no one can take away her voice and freedom to express

READ ALSO: Netizen unmasks the imbecility of Mocha Uson

Below is the complete statement of Madam Claudia Facebook page against Mocha Uson.

"Freedom of Speech.

"Hindi porket may karapatan tayong ihayag ang saloobin natin e may karapatan na tayong gaguhin ang mga kapwa nating Pilipino. Hindi ba't galit na galit ka sa mga Aquino? Para sa kaalaman mo, kung hindi dahil sa kanila, baka wala ka ngayon sa kinatatayuan mo.

"Walang masama sa ginagawa mong pag-e-express ng inis sa nakaraang administrasyon. Oo, alam na namin galit ka sa 'Kultong Dilawan'. Hindi mo na kailangan pang ipagsigawan. Pero yung gagawa ka ng mga imbentong kwento? Maling-mali ka dyan. Sige, sabihin na nating hindi mo alam o may nagtsismis lang sayo na ka-DDS mo. Akala ko ba nagpa-fact checking ka? E bakit humahantong ka sa punto na mali na ang ibinabalita mo?

READ ALSO: Mocha Uson slams Agot Isidro

"Kung wala kang pagkakamali at kung talagang nagpa-fact checking ka, hinahamon kitang sagutin ang tanong ko sayo: bakit mo binura ang post mo patungkol sa DSWD? Pinalalabas mong walang silbi ang Administrasyong Aquino gayong wala ka namang ginawa noong nasalanta ni Yolanda ang mga taga-Tacloban. Ano bang alam mo noon? Wala. Nag-assume ka na walang ginawa ang mga dilaw. Tapos, anong nangyari? Nabuking ka. Nabuking ka sa pinost mong si Duterte ang may kagagawan kung bakit mabilis nang naikakahon ngayon ang mga relief goods para sa mga nasalanta. Pero diba, ang totoo nyan, panahon pa ni Pnoy nangyari yung proyekto? Credit-grabbing ang ginawa mo.

"Asan ngayon yung sinasabi mong nagpa-fact checking ka? Asan ngayon yung sinasabi mong hindi ka nagpapakalat ng maling balita? Walang nagpapabagsak sayo kundi ang sarili mo mismo. Dahil sa mga kasinungalingan mo, maraming mga Duterte supporters na hindi nakapagtapos ng pag-aaral o kulang sa edukasyon ang naniniwala basta-basta sayo.

"Ayaw mong patahimikin ka ng mga tao. Sige, karapatan mo yun. Pero karapatan din ng mga tao na malaman kung ano ang totoo. Nasan ang mga sources mo kapag nagpo-post ka ng "fact?" Wala. Anong sinasabi mo pag hinahanapan ka ng source? Hindi mo pwedeng sabihin kasi nakasalalay ang kung anumang eklavu? Mocha, kung mangmang ang karamihan sa mga followers mo, hindi mo maloloko ang lahat ng mga tao.

READ ALSO: Prominent Filipinos who support Duterte vs. prominent Filipinos who support De Lima

"Itinatak mo sa mga followers mo na biased ang media. Saan sila ngayon kukuha ng source? Kay Mr. Riyoh na 'sugo' ng Diyos? Kay Even De Mata na galit sa dilaw? Kay Maharlikang galit na galit sa mga Aquino? Ngayon, kung makakapagbigay ka ng matinong source, sige. Maghasik ka ng galit at poot sa kinaiinisan mo. Pero sana naman, yung totoo.

"Wag kang plastik. 'You cannot take away my voice' ka pang nalalaman dyan, samantalang naka-ban ako sa page mo. Kung talagang suportado mo ang Freedom of Expression na sinasabi mo, edi i-unban mo ang lahat ng mga tao dyan sa page mo. Naalala mo pa ba nung binura mo yung post mo tungkol sa isang Ateneo student? Yung mga top comments kasi dun e mas marami pa ang likes kesa samismong page mo. Lahat tayo, may kinaayawan. Ayaw mo sa mga komento namin o sa komento ko kaya nagba-ban ka sa page mo. Ganun din ako, nagba-ban din ako. Wag tayong magplastikan ako. Itigil mo na yang kaipokritahan mo kasi hindi bagay sayo.

"Nakaktuwang isipin na galit na galit ka sa mga Aquino pero bigla mong gagamitin ang demokrasyang ipinaglaban nila para lamang makakuha ka ng simpatya. Nakakaawa ka. Hindi mo ngayon malaman kung magagalit o matutuwa ka ba sa 'Kultong Dilawan'."

READ ALSO: 7 famous Filipino personalities who bravely lambasted President Duterte

What do you think of this? Share with us your thoughts!

RELATED: Mocha Uson spreads wrong information about Ateneo satirical mag, gets lambasted by students

Related news

8 beautiful moments during Kaye and Paul Jake’s wedding caught on camera

8 beautiful moments during Kaye and Paul Jake’s wedding caught on camera

8 beautiful moments during Kaye and Paul Jake’s wedding caught on camera