Have you moved on? Here's a #Bakit List for the lovelorn

Have you moved on? Here's a #Bakit List for the lovelorn

EDITOR’S NOTE: Spoken word poetry is gaining steam in the country recently. The popularity of poet Juan Miguel Severo and the increasing number of coffee shops which feature spoken word poets just prove that poetry is not dead in the country. Kami.com.ph would like to feature a poem by Benjamin Gumboc about moving on, "almost" and "could have been" romances and everything in between.

“#Bakit List, #Bakit Hindi?”

Bakit List

Ito ang listahan ng mga tanong

Mga tanong katulad ng

Bakit yung I Love you, hindi naman tanong,

pero pag hindi nasagot, masakit?

Bakit kahit meron ka nang Happy Meal,

mahirap padin maging Masaya?

Bakit mahirap mag Let go?

Bakit siya umiwas?

Bakit siya bumitaw?

Bakit niya ko iniwan?

Bakit mahirap mag move on.

Ito ang listahan ng mga tanong

Mga tanong na naging dahilan

mga dahilan kung

Bakit kahit tapos na ang kanta, naririnig ko padin siya.

Ito ang listahan ng mga tanong

Na masakit

kasi hindi sarili mo ang kayang magbalik

Bakit List?

Kasi humaba. Hindi na natapos.

Tatlong tuldok lang pala

 Bakit hindi maubos?

Ang Orion’s belt sa Mukang Aklat.

Sa FB Chat

Tuwing ikaw ay nagsusulat

Siya ba ay nagsusulat?

Ang iyong tanong

Bakit ang tagal?

Bakit ang tagal?

Bakit ang tagal?

Ah baka tulog na.

Sakabilang banda, ayun siya, may kausap lang na iba.

Bakit Tagalog? Para mas baon.

Bakit malalim? Para ma-hugot.

Eh Bakit Naputol?

Hello? Hello?

The number you have dialed is not in service

The number you have dialed is not in service

Uy Sumagot ka naman oh?

Wag mo naman gawin sakin to oh?

Pagusapan natin to please.

Bakit hindi ka magsalita?

Nakikinig lang sa kabilang dulo ng linya.

Tumulo ang luha.

Hindi. Kita. Mahal.

Ang mga letra sa posporo na hindi niya maisindi.

Bakit hindi?

Bakit hindi parin sapat?

Binigay ko naman na lahat?

Bakit tanghali na lang ang tapaaat?

Umikot ang lente, luminaw at lumabo ang serye.

Bakit di siya maalis sa isip ko?

Ah Bakit ngayon ka lang?

Bakit ka naghintay?

Bakit ka umalis?

Eh Bakit ka nag-stay?

Bakit di sabihin? Ang hindi mo maamin?

Ipauubaya nanaman sa langit? Hirap satin eh.

Bakit Di papatulan? Kasi ang pagsuyo nagkulang?

Sana’y nagtanong ka lang kung di mo lang alam.

Bakit di mo alam?

Hindi ko nakita eh.

Bakit di ka tumingin?

Nasaan ka ba?

Eto Luhaan. Sugatan. Di mapakinabangan.

Bakit ka Cold? Bakit Challenge?

Bakit mo nilaro? Kasi ayaw mong matalo?

Hindi ka naman Jay, Jose o Felix

Pero bakit gusto mong Manalo?

Bakit di mo ko sineryoso?

Bakit ganyan ka katigas?

Bashang-basha na ko

Sa ulan

Bakit di mo ko bigyan ng Chance?

Bakit ka pa umaasa?

Bakit hinde?

Bakit ka nag expect? Bakit ka nag shown ng signs?

Bakit ka nagassume?

 Action speaks louder than words!

 Hindi pag spoken word.

Bakit di pa tapos?

Bakit bumalik-balik-balik-balik

Bakit nasira?

Bakit kita namimiss?

Ko ang iyong halik-halik-halik

Ang kaibigan tumapik-tapik-tapik

“Iniwan ka na diba?”

Bakit ka pa bumabalik-balik-balik

Bakit ayaw nang umikot?

Sira na ata yung cassette player ko.

Hello?

“Oh bakit gising ka pa”?

Ayan nanaman siya.

Tangina talaga.

Bakit ka tanga?

Bakit wala siyang puso?

Meron pre, wala lang sayo.

Bakit List

Ito ang listahan ng mga tanong

Mga tanong na naging dahilan

Sobrang daming mong dahilan

Hindi mo naman talaga ko minahal

Pinaglaruan mo lang

Pero binigay ko padin sayo lahat.

Bakit di mo nasuklian?

Bakit pa tayo nagkita?

Bakit hindi na tayo nagkita?

Ito ang listahan ng mga tanong

Na masakit

Kasi paulit paulit.

Bakit hindi tayo pwedeng magsimula ulit?

Bakit List?

Ito dapat yung listahan

Ng mga gusto natin pero di natin nagawa

Mga gusto kong gawin para sayo pero di ko nagawa

Ito dapat yung listahan

Nating dalawa

Hinde.

Ito yung listahan

Kung bakit yung tayo

Nawala.

Related news

Oyo Sotto slams basher who bluntly insulted his wife Kristine Hermosa

Oyo Sotto slams basher who bluntly insulted his wife Kristine Hermosa

Furious Oyo Sotto fires back at netizen who called Kristine Hermosa 'ingrata' and 'maldita'