51-anyos na lalaki, patay matapos umanong pagplanuhang todasin ng 2 lalaking itinuring niyang anak

51-anyos na lalaki, patay matapos umanong pagplanuhang todasin ng 2 lalaking itinuring niyang anak

  • Isang 51-anyos na lalaki ang patay matapos pagbabarilin sa Baseco, Manila madaling araw ng Martes
  • Naalarma ang mga rumorondang kapulisan ng mga oras na iyon matapos nilang marinig ang sunod-sunod na putok ng baril
  • Ang biktima ay pinagplanuhan umanong patayin ng dalawang nahuling suspek na itinuturing pa man din niya bilang mga anak
  • Sa panayam ng awtoridad sa live-in partner ng biktima, nagkaroon daw ng samaan ng loob ang mga suspek at ang biktima

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Unang Balita/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube
Mark D'aiuto on Pexels
Unang Balita/GMA-7/GMA Integrated News on YouTube Mark D'aiuto on Pexels
Source: Youtube

Isang 51-anyos na lalaki ang nasawi matapos barilin sa Baseco, Maynila madaling araw ng Martes.

Nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril ang mga rumorondang pulis kaya agad silang nag-imbestiga.

Lumalabas na pinagplanuhan umanong patayin ng dalawang suspek ang biktima, na itinuring pa nilang parang sariling ama.

Ayon sa panayam ng mga awtoridad sa live-in partner ng biktima, nagkaroon umano ng alitan sa pagitan ng mga suspek at ng biktima.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Ayon sa ulat Jhomer Apresto sa 'Unang Balita' sa GMA 7, nagkunwari pa raw ang mga suspek na hihingi ng tawad sa biktima.

Read also

13-anyos na binatilyong suspek sa pagpatay sa 8-anyos na babae, kinasuhan din ng panggagahasa

Ang isa sa mga tinitignang motibo sa pagpatay ay may kinalaman sa droga.

Nang kapanayamin na ng media ang dalawang suspek ay nagturuan pa ang dalawa kung sino talaga ang utak sa walang-awang pamamaslang.

Ang isa sa mga suspek ay nagpositibo sa paraffin test. Silang dalawa ay kakasuhan ng murder.

Ang paraffin test ay isang pagsusuri na ginagawa ng mga imbestigador upang malaman kung may gunpowder residue o pulbura sa kamay ng isang tao, na maaaring magpahiwatig na kamakailan lang siyang bumaril ng baril.

Sa proseso, binabalutan ng mainit na paraffin wax ang kamay ng suspek, at kapag tumigas na, tinatanggal ito para suriin sa laboratoryo gamit ang mga kemikal na magpapakita kung may bakas ng pulbura.

Panuorin ang ulat sa bidyong ito:

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Read also

Dinukot na beauty queen sa Leyte, natagpuan bangkay palutang-lutang sa dagat; paa't kamay nakatali

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Rose Dabu avatar

Rose Dabu (Editor)

Tags: