Video ng masayang chikahan nina Heart Evangelista at Marian Rivera sa GMA Gala 2025, viral
- Si Heart Evangelista at Marian Rivera ay tila nag-viral kamakailan lang online
- Sapul kasi sa isang video ang masaya nilang chikahan sa GMA Gala 2025
- Makikita kasi na labis ang tawanan ng dalawa habang nag-uusap sa ballroom
- Maraming netizens naman ang natuwa sa interaction ng dalawa sa event
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Si Heart Evangelista, isang Kapuso actress at global fashion icon, ay muling naging sentro ng kasiyahan at kilig sa social media matapos siyang mamataan na masayang nakikipag-chikahan kay Marian Rivera sa GMA Gala 2025 na ginawa sa Marriott Grand Ballroom sa Pasay City. Sa isang TikTok video na in-upload ni @busetnato, makikitang suot nina Heart at Marian ang kanilang eleganteng gowns habang nag-uusap sa loob ng event kasama ang isa pang lalaki.

Source: Instagram
Habang nasa ballroom, kapwa masaya at relaxed na nag-uusap sina Heart at Marian kasama ang isa pang bisita, bago sila tuluyang napatawa ng sabay — eksena na agad naging viral sa kani-kanilang mga tagahanga. Umani rin ito ng samu't saring reaksyon mula sa netizens, gaya ng:
"2 queens, both in one frame. I love it!"
"My two queens! Grabe! I love them both, super."
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
"Ito talaga yung inaabangan ko, yun mga ganap sa ball."
"Sana magkaroon ng series sina Heart and Marian, please, GMA."
"Nakakatuwa 'to, nakaka-happy lang makita na okay na sila. God bless."
Matatandaang noong 2023, naging usap-usapan ang balitang nagkaayos na sina Heart at Marian, matapos ang matagal na spekulasyon tungkol sa umano'y hidwaan nila noon. Ang muling pagkikita at pagiging masaya ng dalawa sa isang frame ay tila nagpatunay na maayos na ang kanilang samahan—na siyang ikinatuwa ng fans na matagal na ring umaasang magkakaroon sila ng proyekto na magkasama under GMA, isang bagay na talagang inaabangan ng ilan.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Heart Evangelista, o Love Marie Payawal Ongpauco‑Escudero, ay isang Filipina actress, model, fashion icon, visual artist, at businesswoman. Nagsimula ang kanyang karera sa ABS‑CBN na teen series na G‑Mik, at mula noon ay naging prominenteng personalidad sa telebisyon, pelikula, at fashion scene globally. Kasalukuyan siyang exclusive artist ng GMA Network at asawa ng senador na si Francis 'Chiz' Escudero, na naging Senate President noong 2024. Bukod sa showbiz, kilala si Heart sa kanyang iba't ibang skills at craft, at aktibo rin siya bilang philanthropist.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay naging usap-usapan ang naging tugon ni Heart Evangelista matapos ikumpara siya ng isang netizen kay Marian Rivera sa isang TikTok na tampok ang get-together nila nina Anne Curtis at Solenn Heussaff. Ayon sa netizen, mas may "class" umano si Heart kumpara kay Marian batay sa kanyang kilos, pananalita, at ugali, isang bagay na agad namang pinuna ng aktres at fashion icon.
Samantalang sa isang interview, ang kanyang dating ka-love team na si John Prats ay binalikan ang unang pagkakatalaga niya sa kanilang tambalan noon. Inamin niyang hindi niya agad nagustuhan si Heart dahil sa pagiging maarte nito Naging matagumpay pa rin ang kanilang tambalan dahil sa suporta ng fans. Nanatili ang pagkakaibigan ng dalawa at sinuportahan pa ni Heart ang panliligaw ni John kay Isabel Oli.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh