Cristy Fermin, palaban ang sagot sa arrest warrant: 'Ibe-bail naman ito at ilalaban sa husgado'
- Naglabas ng arrest warrant ang Quezon City RTC Branch 93 laban kina Cristy Fermin, Rommel Villamor (Romel Chika), at Wendell Alvarez bilang tugon sa isinampang reklamo ni Bea Alonzo kaugnay ng umano’y mapanirang pahayag sa kanilang online show
- Itinakda ng korte ang halagang ₱48,000 bilang piyansa para sa bawat isa upang pansamantalang makalaya habang isinasagawa ang pagdinig sa kasong cyber libel na inihain ng aktres
- Sa pahayag ni Cristy Fermin, nilinaw niyang haharapin nila ang kaso sa legal na paraan at iginiit na ang libelo ay isang bahagi na ng kanilang trabaho bilang mga personalidad sa larangan ng showbiz commentary
- Ayon sa reklamo ni Bea, napinsala ang kanyang reputasyon dahil sa mga komentong walang batayan na tinalakay ng tatlong host sa kanilang programa na tumutok umano sa kanyang mga personal na isyu at buhay
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Hindi nagpahuli sa pagbibigay ng reaksyon si Cristy Fermin matapos maglabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court Branch 93 laban sa kanya at sa mga co-host na sina Rommel Villamor (mas kilala bilang Romel Chika) at Wendell Alvarez. Ang kaso ay may kaugnayan sa cyber libel complaint na inihain ng aktres na si Bea Alonzo noong Mayo 2024 dahil umano sa mga mapanirang komento tungkol sa kanya sa isang online show.

Source: Facebook
Itinakda ng korte ang piyansang ₱48,000 para sa bawat akusado. Sa kabila ng legal na hamon, kampante si Cristy Fermin na haharapin nila ito sa tamang proseso. Aniya, "Ibe-bail naman ito at ilalaban sa husgado." Dagdag pa niya, hindi na bago ang ganitong isyu sa mga tulad nilang showbiz personalities. "Ang libelo ay kakambal ng aming trabaho," ayon kay Fermin.
Ang reklamo ni Bea ay nag-ugat umano sa mga inilabas na komento sa nasabing online show na ayon sa kanya ay “mali, malisyoso at mapanira.” Wala pang pahayag mula kina Wendell at Rommel habang sinusulat ang artikulong ito, ngunit inaasahang sasama sila sa paghain ng piyansa sa mga susunod na araw.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Bea Alonzo, na may tunay na pangalan na Phylbert Angelli Ranollo Fagestrom, ay isa sa mga pinakarespetado at matagumpay na aktres sa industriya ng pelikula at telebisyon sa Pilipinas. Una siyang sumikat noong early 2000s sa mga teleserye tulad ng Kay Tagal Kang Hinintay at mas lalo pang naging household name sa tambalan nila ni John Lloyd Cruz, lalo na sa iconic film na One More Chance (2007).
Si Cristy Fermin ay isang beteranang showbiz columnist, TV host, at radio personality na kilala sa matapang at prangkang istilo ng pagbibigay ng opinyon. Marami na siyang nakaalitang celebrities dahil sa mga matitinding banat sa kanyang mga programa. Samantalang si Bea Alonzo ay isa sa pinakarespetadong aktres sa industriya na ilang dekada nang namamayagpag sa Kapuso at Kapamilya networks.
Matapos ang isyu sa cyber libel, naglabas ng pahayag si Cristy Fermin tungkol sa pag-atras nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan sa kasong isinampa nila laban sa kanya. Inilarawan niya itong tagumpay at iginiit na hindi siya natitinag sa ganitong mga hamon. Giit niya, trabaho lang ang lahat ng iyon at hindi personal.
Sa isang social media post, kinumpirma ni Sharon Cuneta na binawi na nila ang cyber libel case laban kay Cristy Fermin. Ibinahagi niya ang kanilang personal na dahilan para sa desisyong ito at humingi na rin ng paumanhin sa publiko. Tanggap nila ang desisyon bilang bahagi ng paghilom ng nakaraan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh