Antonette Gail, umalma sa ginawa kay Whamos: "Tama ba na patayin at sabihin pumanaw na?
- Naglabas ng matinding emosyon si Antonette Gail laban sa mga netizens na nagpapakalat ng maling balitang pumanaw na umano ang kanyang partner na si Whamos Cruz habang ito ay nagpapagaling mula sa operasyon
- Iginiit ni Antonette na hindi makatarungan ang pag-atake sa isang taong may karamdaman at binigyang-diin na hindi siya papayag na manahimik habang nasasaktan ang mahal niya
- Nilinaw ni Antonette na ang mga kumalat na promotional posts tungkol sa sugal sa comment section ni Whamos ay bahagi lamang ng dating automated system at hindi personal na ginagawa ni Whamos habang nagpapahinga siya
- Ipinahayag ni Antonette ang kanyang galit sa social media at nagsabing sana ay bumalik ng sampung beses ang karma sa mga taong nagpakalat ng maling impormasyon at nagpapatawa sa sitwasyon ng may sakit
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Hindi napigilan ni Antonette Gail ang kanyang emosyon matapos makarating sa kanya ang mga maling tsismis na pumanaw na raw ang kanyang partner na si Whamos Cruz. Sa isang matapang at diretsahang Facebook post, tinuligsa ni Antonette ang mga netizens na aniya’y walang konsensyang nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalagayan ni Whamos, lalo na ngayong siya ay kasalukuyang nagpapagaling pa mula sa kanyang operasyon.

Source: Facebook
“Kupal ano? Nag rerecover si Whamos tapos papatayin niyo na? Karma na bahala sainyo mga put*ngina niyo,” ani Antonette sa kanyang post.
Nag-ugat ang galit ni Antonette mula sa mga komento at post online kung saan sinabi ng ilang netizens na “pumanaw” na si Whamos.

Source: Facebook
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Hindi nagdalawang-isip si Antonette na ipagtanggol ang kanyang partner. Giit niya, hindi tama na samantalahin ng iba ang kasalukuyang kalagayan ni Whamos para lang magpatawa o maglabas ng galit. Ayon pa kay Antonette, wala namang ginagawang masama si Whamos sa kanila para tratuhin siya nang ganoon.
“Kung si Whamos papayag na tahimik lang siya, ako hindi. Masama kung masama pero karma 10x sanaaaa bumalik sainyo putangina niyo,” dagdag pa niya.
Nilinaw din ni Antonette na hindi si Whamos ang mismong nagpo-post ng mga mensahe sa comment section na may kaugnayan sa online g^mbling. Ayon sa kanya, matagal nang naka-set ang mga automatic replies na iyon at hindi na niya ito nabura pa sa sistema. Aniya, hindi ito sinasadya ni Whamos at lalong hindi naayon na ito ang gamitin para laitin o maliitin ang kalagayan niya ngayon.
Ang naturang isyu ay mabilis na naging usap-usapan sa social media kung saan hati ang opinyon ng netizens. May ilan na naunawaan ang galit ni Antonette at sinabing tama lamang na ipagtanggol niya si Whamos. Mayroon namang nanatiling kritikal at nagsabing responsibilidad pa rin ng influencer ang mga lumalabas sa kanyang social media account—may sakit man o wala.
Si Whamos Cruz ay isang kilalang content creator sa Pilipinas na sumikat sa TikTok at Facebook dahil sa kanyang masayahin at kalog na personalidad. Bukod sa paggawa ng mga nakakatawang video at challenge content, naging matunog din ang pangalan niya sa larangan ng parenting, lalo na’t naging open sila ni Antonette Gail tungkol sa kanilang anak na si Baby Meteor. Sa kabila ng kanyang kasikatan, hindi rin siya ligtas sa mga kontrobersiya online.
Ang kanyang partner na si Antonette Gail ay isa ring influencer at kilala sa pagiging outspoken at prangka sa mga isyung kinahaharap ng kanilang pamilya. Palagi siyang aktibo sa pagtatanggol sa kanyang partner sa harap ng pambabatikos mula sa publiko.
Sa gitna ng mga alegasyong hindi umano siya ang ama ni Baby Meteor, pumalag si Whamos at sumang-ayon na magpa-DNA test upang tuldukan ang isyu. Buong tapang niyang ipinagtanggol ang kanyang karapatan bilang ama at nanindigang mahal na mahal niya ang kanyang anak.
Matapos ang matagumpay na operasyon, nagbahagi si Whamos ng mensahe ng pasasalamat sa kanyang mga tagasuporta. Ayon sa kanya, malaking tulong ang panalangin at suporta ng kanyang fans sa kanyang mabilis na paggaling at muling pagbabalik sa online world.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh