Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN

Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN

- Nagbigay pahayag na si Jennylyn Mercado ukol sa nabalitang alok umano sa kanya ng ABS-CBN

- Inamin din niyang tapos na umano ang kontrata niya sa GMA

- Gayunpaman sinabi nitong proud pa rin siyang maging isang Kapuso

- Isa umano sa pinagkakaabalahan ni Jennylyn ay ang pagiging brand ambassador ng isang beauty product

Nabigyang pagkakataon si Jennylyn Mercado na magsalita ukol sa nababalitang alok umano sa kanya ng ABS-CBN.

Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN
Jennylyn Mercado, nagbigay pahayag ukol sa nababalitang alok umano ng ABS-CBN (Jennylyn Mercado)
Source: Facebook

Sa launch niya bilang brand ambassador ng beauty products na Beautederm, nausisa siya ng press tungkol sa nabanggit lalo na at inamin niyang tapos na umano ang kontrata niya sa GMA.

"Palagi naman akong Kapuso," masayang nabanggit ni Jen.

"Ang daming nag-aantay 'nung sagot. Ako naman, 20 years na po akong Kapuso. And I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin," aniya.

Read also

Anjo Yllana, pinaliwanag ang nangyari sa nakaraang isyu kay Rustom Padilla

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako," giit pa ni Jennylyn.

Gayunpaman, pinabulaanan din niyang may offer sa kanya ang ibang istasyon.

"Wala pong offer sa ibang network," diretsa niyang nasabi.

Samantala, narito ang kabuuan ng kanyang pahayag nanaibahagi rin ng Tatak Pelikula:

Si Jennylyn Mercado ay isang Pinay actress, singer, songwriter, at host ng GMA-7. Isa rin siya sa mga kilalang endorsers at commercial model sa bansa. Una siyang nakilala sa reality search na StarStruck ng GMA kung saan siya ang hinirang na ultimate survivor. Isa sa mga hindi malilimutan niyang pagganap ay ang Pinoy adaptation ng "Descendants of the Sun".

Matatandaang matapos ang biglang pagkatigil ni Jen sa taping noon ng Love, Die, Repeat, agad na umugong ang balitang nagdadalang tao nga ang aktres.

Read also

Pokwang, nagdetalye ng pinagdaanan kay Lee O' Brian: "Binuhusan niya ako ng tubig"

Mahigit dalawang taon na ang nakalipas nang in-upload nila ang YouTube video ng engagement nila ni Dennis Trillo matapos ang interview sa kanila ng 24 Oras kung saan naman nila kinumpirma ang balitang buntis si Jen. Hindi nagtagal, sinundan ito ng simple ngunit makahulugan nilang kasalan.

Sa ngayon, aktibo sina Jen at Dennis sa socmed kung saan naibabahagi nila ang kanilang masasaya bonding moments kasama ang kanilang mga anak. Abala rin sila ipinatatayong bago nilang tahanan at bagong negosyong papasukin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica