Viy Cortez, masaya sa suporta at tiwala sa kanya ni Cong pagdating sa kanyang negosyo

Viy Cortez, masaya sa suporta at tiwala sa kanya ni Cong pagdating sa kanyang negosyo

- Sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga, naikwento ni Viy Cortez ang suportang binigay sa kanya ni Cong Velsquez

- Bukod sa napabalitang Php10,000 na kanyang hiniram para masimulan ang kanyang negosyo, nag-invest pa raw ito sa kanya

- Naging regional distributor pa raw niya ito para bigyang suporta si Viy at tiwala na mapalago nito ang negosyo

- Kaya naman masasabi niyang isa siya sa mga natulungan ni Cong na hindi lamang sarili ang binabago at pinauunlad kundi maging ang mga tao sa paligid nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagmistulang lucky charm pala umano si Cong Velasquez o mas kilala sa kanyang YouTube channel niyang Cong TV sa negosyo ng partner nitong si Viy Cortez.

Viy Cortez, kinuwentong si CongTV pa ang unang distributor niya sa kanyang negosyo
Viy Cortez at CongTV (Photo: Viy Cortez)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na isa ito sa naikwento ni Viy sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga.

Read also

Toni Fowler, hindi pa rin umano makapaniwalang may "jowa" na siya

Ayon kay Viy, bukod sa napabalitang Php10,000 na hiniram niya kay Cong upang masimulan ang kanyang negosyo, ito pa raw ang kauna-unahang nag-invest sa kanyang ViyLine Skincare bilang regional distributor.

"Naging regional distributor ko pa si Cong. Nag-invest pa siya sa'kin. Kasi kinakabahan ako noon sabi ko 'Love kaya ko ba 'to?' Kaya mo 'yan. Kunin ko 'yung region IV-A, ako mag-RD, suportahan kita"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Siya ang kauna-unahang nag-down sa'kin na naging regional distributor ko sa ViyLine Skincare. So sabi ko hanggang ngayon, ganoon ang tiwala at support sa'kin ni Cong. Sobrang saya."

Sa naturang interview din na ito, nabanggit ni Viy na hindi raw siya kailanman nagselos pagdating kay Cong dahil hindi raw siya nito binibigyan ng dahilan para maramdaman ito.

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Viy mula sa Toni Gonzaga Studios:

Read also

Cristy Fermin, hanga umano kay Toni Gonzaga; "Wala palang binabasa si Toni na kahit ano"

Si Lincoln "Cong" Velasquez ay isa sa mga kilalang vlogger sa bansa. Mayroon na siyang halos 10 million na subscribers sa kanyang YouTube channel na Cong TV. Nobya niya ang vlogger at CEO ng VIY Line cosmetics na si Viy Cortez.

Matatandaang umalma kamakailan si Cong sa umano'y fake news na kumalat at sinabing isa sila sa mga personaildad na sumusuporta sa UniTeam noong panahon ng kampanya.

Bago pa man maglabas ng pahayag si Cong ukol dito, nauna nang nasabi ng kasama nila sa Team Payaman na si Vien Ilagan na walang katotohanan ang ngayo'y burado nang post.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel