Willie Revillame, natuwa sa magandang feedback sa kanyang naging desisyon
- Isang araw matapos ang kanyang naging anunsiyo kaugnay sa kanyang desisyong huwag tumakbo, ibinahagi ni Kuya Wil ang kanyang kagalakan
- Masaya siya sa mga mensaheng kanyang natanggap at sa magandang feedback sa kanyang naging desisyon
- Inulit niya na aniya ay hindi niya papasukin ang isang bagay na alam niyang hindi pa siya handa
- Marami umano siyang natanggap na mga mensahe kung saan pinuri ang kanyang desisyon
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Isang araw matapos niyang ianunsiyo na hindi siya tatakbo, walang bakas ng pagsisisi kay Willie Revillame sa kanyang muling paglabas sa kanyang show na Wowowin.
Aniya ay sobra siyang natuwa sa magandang feedback sa kanyang naging desisyon kaugnay sa pagpasok sa pulitika.
Muli niyang binanggit ang tungkol sa paniniwala niyang hindi pa siya dapat pumasok sa politika lalo at wala naman umano siyang maiaambag pagdating mga usaping kaugnay sa paggawa ng batas.
“Kailangan alam ng sarili ko kung ano ang kakayahan ko dahil kapag niloko ko ang sarili ko, niloloko ko na kayong lahat. Ang totoo niyan, hanggang dito na lang ho muna ako. Mahirap kasi yung wala kang maiko-contribute tapos, 'Tbinoto ko ‘yan, wala naman palang kuwenta ‘yan.'g sakit ho nun. Masisisi ka pa."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nabanggit din niya na hindi magulo sa kanyang trabaho sa kanilang show.
“Dito sa programang ito, walang away. Walang sigawan, walang nagdedemandahan. Kasi, it’s all positive, pero negative sa sakit. Yun ho ang importante.
Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.
Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.
Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.
PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."
Source: KAMI.com.gh