Nadine Lustre, bumili ng motor na nagkakahalaga ng PHP499,000

Nadine Lustre, bumili ng motor na nagkakahalaga ng PHP499,000

- Tila nakakahiligan na ni Nadine Lustre ang pagsakay sa motor matapos ang kanyang pamamalagi sa Siargao

- Ibinahagi ng Ducati Philippines CEO at President na si Toti Alberto ang kanilang picture nang bumili ang aktres ng isang motor

- Ayon sa ilang website, nagkakahalaga ng PHP499,000 ang motor na kanyang binili

- Matatandaang ilang beses nang namamataan si Nadine na nagmo-motor at minsan ay kasama ang kanyang rumored boyfriend habang namamasyal sa Siargao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bagong motor na Ducati Scrambler Sixty2 ang binili ni Nadine Lustre nito lamang buwan ng Setyembre. Ibinahagi ng Ducati Philippines CEO at President na si Toti Alberto ang kanilang picture nang bumili ang aktres ng isang motor.

Nadine Lustre, bumili ng motor na nagkakahalaga ng PHP499,000
Nadine Lustre (@nadine)
Source: Instagram

Ayon sa ilang website, nagkakahalaga ng PHP499,000 ang motor na kanyang binili. Matatandaang ilang beses nang namamataan si Nadine na nagmo-motor at minsan ay kasama ang kanyang rumored boyfriend habang namamasyal sa Siargao.

Read also

Ana Patricia Non ng Maginhawa Community Pantry, pinarangalan sa Quezon City

Narito ang reaksiyon ng ilan sa kanyang mga tagahanga:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nadine Lustre with her Ducati Scrambler Sixty2. Ang angas lang. Di talaga ‘to pabebe. Jeep Wrangler ang car. Boxing at Surfing ang sports. Nag fa firing pa pala.
Yan ang hindi pabebe. Ang astig. Go lang Nadz kung saan ka masaya!
Bagong passion ni Nadz siguro. Kahit ano pa man yan, support ka namin palagi,

Si Nadine Lustre ay isang aktres, product endorser at recording artist. Siya ang kapareha ni James Reid sa ilang pelikula at teleserye. Kilala ang kanilang tambalan sa bansag na JaDine. Gayunpaman, inamin ng magkasintahan na hiwalay na sila nitong January, 2020.

Samantala, aminado si Nadine na nakaramdam siya ng pangamba na maapektuhan ang kanyang showbiz career matapos ang pagdalang ng trabaho para sa kanya. Gayunpaman, natutunan niya umanong huwag madaliin ang mga bagay-bagay.

Read also

Dream house nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, dinisenyo ni Oliver Austria

Naging laman din siya ng balita kamakailan matapos maghain ng reklamo ang talent agency na VIVA kaugnay sa paglabag umano niya ng kontratang pinirmahan niya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel