Babae, napilitang maghugas ng plato ng kapitbahay para makaligtas sa rumorondang tanod

Babae, napilitang maghugas ng plato ng kapitbahay para makaligtas sa rumorondang tanod

- Isang video na kuha mula sa isang CCTV camera ang umani ng mga komento mula sa netizens

- Sa nasabing video ay makikita ang isang babae na nagmamadaling tumakbo kasama ang iba pa niyang kapitbahay

- Kasunod nila ay ang mga otoridad na nagroronda upang mapanatiling nasa loob ng bahay ang mga tao

- Sa kanyang pagnanais na makatakas sa mga nagroronda, napilitan siyang umupo sa bahagi kung nasaan ang mga plato at nagkunwaring maghugas

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Marami ang natawa sa isang video na viral sa social media. Base sa video, agad na nagtakbuhan ang mga tao matapos mamataang may parating na otoridad.

Babae, napilitang maghugas ng plato ng kapitbahay para makaligtas sa rumorondang tanod
Screenshot from Authentic Brands From US Facebook post
Source: Instagram

Matapos nilang makatakbo at magsipagtago, humabol ang mga otoridad na nagroronda upang mapanatiling nasa loob ng bahay ang mga tao.

Sa ng isang babae na makatakas sa mga nagroronda, napilitan siyang umupo sa bahagi kung nasaan ang mga plato at nagkunwaring maghugas.

Read also

Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"

Ayon sa caption ng nasabing video, ang kapitbahay ay pumasok sa kanilang bahay at naghugas bigla para makatakas sa mga tanod.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Shout out sa kapit bahay naming chismosa biglang nag hugas ng pinggan namin nung may dumaang tanod

Narito ang reaksiyon ng mga netizens:

Shout out sa mga marites naming kapit bahay sana ganito gawin nyo para matuwa naman ako sa inyo kahit na kung anu anong chismis nyo samin ng magkaron naman kayo ng pakinabang
Bilis ng reflexes ah from chismosa to dishwasher, real quick
Hindi ko alam san ako natatawa. sa pagpasok at biglang hugas nung kapitbahay, o sa tawa nung bata

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman. Kaya naman mas mabilis kumalat ang balita.

Read also

Isko Moreno kay Leni Robredo: "Fake leader with fake color is a fake character"

Isa sa nag-viral na kwento kamakailan ay ang tungkol sa magkasintahang nabiktima ng pang-iiscam ng isang wedding coordinator.

Walang nagawa ang bride kundi ang maiyak na lamang nang datnan ang reception na walang pagkain at walang reservation.

Matapos kumalat ang balita tungkol sa sinapit ng mag-asawa, nakarating ito sa aktres na si Neri Miranda at sinagot niya na ang reception.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel