Pinakabagong post ni Lie Reposposa, inulan ng suporta: "Sana makapagtapos ka"

Pinakabagong post ni Lie Reposposa, inulan ng suporta: "Sana makapagtapos ka"

- Matapos mag-viral ang kanyang paglabas ng sama ng loob sa kanyang guro sa ALS, hindi na nagbigay ng karagdagang pahayag si Lie Reposposa kaugnay sa isyu

- Gayunpaman, marami ang naantig sa kanyang naging sintimyento sa kanyang Facebook post na sa kasalukuyan ay burado na

- Sa kanyang bagong Facebook post, nagbahagi si Lie ng positibong pananaw kalakip ng kanyang bagong profile picture

- Bumuhos naman ang suporta sa kanya at pagpapalakas ng loob niya na ipagpatuloy ang pag-aaral at huwag isuko ang kanyang pangarap na makapagtapos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang nagpakita ng kanilang suporta kay Lie Reposposa sa pamamagitan ng mga mensahe sa kanyang bagong Facebook post.

Karamihan sa kanila ay nagbigay ng mensahe upang palakasin ang loob ni Lie upang ipagpatuloy lang ang pag-aaral at huwag sukuan ang kanyang pangarap na makapagtapos.

Read also

Kainan sa America na may 'karinderya feels,' binabalik-balikan kahit ng ibang lahi

Pinakabagong post ni Lie Reposposa, inulan ng suporta matapos ang kanyang post kamakailan
Lie Reposposa (@liereposposaofc)
Source: Instagram

Ito ay matapos mag-viral kamakailan ang kanyang paglabas ng hinaing kaugnay sa pam-ba-backstab umano ng kanyang guro.

Tinawag siya nitong "feeling artista" base sa mga binahaging screenshot ni Lie na mula sa kanilang group chat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito ay nabatikos nang husto ang nasabing guro.

Unang nakilala si Lie bilang si Angelie “Lie” Reposposa nang sumali siya bilang isa sa mga daily contender ng 'Tawag ng Tanghalan' sa It's Showtime. Hindi man pinalad na manalo, ito ang naging daan upang mapasali siya sa PBB

Ang Pinoy Big Brother ay isang reality show kung saan kinakailangan mamalagi ng mga kalahok sa isang bahay na kilala sa tawag na Pinoy Big Brother House. Matutukoy ang big winner sa pamamagitan ng pagtagumpay sa mga hamon na dapat kaharapin sa loob ng bahay at sa tulong na rin ng mga boto mula sa manonood.

Read also

Madam Inutz, masayang ibinahaging nagkaroon ng bagong recliner ang kanyang ina

Samantala, sa naunang ulat ng KAMI naibahagi ni Lie ang naging epekto ng pandemya sa kanyang showbiz career.

Sinagot din ni Lie ang isyu na umano'y nagparetoke siya matapos mag-viral ang kanyang glow-up pictures.

Kagaya ng laging paalala namin dito sa KAMI, ugaliing maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon. Laging isaisip na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng opinyon ay ang pananagutan sa bawat salitang maaring makakasira sa imahe ng ibang tao.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel