Oyo Boy Sotto, pinagsabihan ang netizen dahil sa komento nito sa kanyang asawa
- Hindi napigilang sagutin ni Oyo Boy Sotto ang isang pagbati ng netizen sa kanyang anak na si Kiel na nagdiwang ng kanyang ika-13 na kaarawan
- Bukod kasi sa pagbati ay binanggit pa nito na anak raw ni Kristine si Kiel sa ibang lalaki
- Diretsahang sinagot ni Oyo na walang anak ang kanyang asawa sa ibang lalaki at fake news daw ito
- Bukod kay Oyo ay marami ding sumagot upang kondenahin ang pagpapaniwala sa fake news tungkol sa aktres
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isang pagbati ang ibinahagi ni Oyo Boy Sotto para sa kanilang panganay na anak na si Kiel para sa ika-13 na kaarawan nito. Marami ding netizens ang nagbigay ng kanilang pagbati.
I thank the Lord for 13 years of your life here on earth. You are such a blessing to us Kiel. I may not be perfect but always remember that Dada loves you so much! I pray that as you go through your teenage years, you will seek the Lord all the days of your life. I love you Kiel! Happy birthday! Let’s create more good memories! I’m excited for you
Gayunpaman, may isang bukod-tanging pagbati na sinagot si Oyo dahil sa sinabi nito. Ayon sa naturang netizen, baka raw anak ni Kristine si Kiel sa ibang lalaki.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Diretsahang sinagot ito ni Oyo at sinabing mag-research o magbasa muna bago magkomento dahil walang anak si Kristine sa ibang lalaki.
Babati na lang po kayo, mali pa ang chismis. Walang ibang anak ang asawa ko sa ibang lalaki. Mag research po kayo ng maigi o kaya naman magbasa po kayo.
Si Oyo Boy Sotto ay isang aktor, endorser at TV host. Anak siya ni Vic Sotto sa dati niyang asawang si DIna Bonnevie. Kapatid niya si Danica Sotto na dati ding umaarte sa telebisyon.
Kamakailan ay nagdiwang ng kanilang 10th wedding anniversary sina Kristine at Oyo. Kamakailan lang ay nanganak si Kristine sa kanilang bunsong anak.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh