Liza Soberano, natanggap na rin ang kanyang Gold Play button mula sa YouTube

Liza Soberano, natanggap na rin ang kanyang Gold Play button mula sa YouTube

- Hindi man ganoon kaaktibo sa YouTube kagaya ng ilang kasabayan niyang mga artista, umabot pa rin sa mahigit isang milyon ang subscribers ni Liza Soberano sa YouTube Channel niya

- Kaya naman isang bagong video ang kanyang ibinahagi jung saan kasama niya ang kasintahang si Enrique Gil

- Sa kanilang ginawang challenge, kinailangan nilang kumain ng sili bilang parusa sa kanilang mga maling sagot

- Sa huling bahagi ng video ay pinakita ni Liza ang kanyang Gold play button at nagpasalamat siya sa lahat ng kanyang tagasuporta

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang bagong video ang ibinahagi ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel at nakasama niya si Enrique Gil sa isang video na kanyang pinamagatang Time For Trivia: Filipino Movie & TV Shows Edition.

Liza Soberano, natanggap na rin ang kanyang Gold Play button mula sa YouTube
Liza Soberano (@lizasoberano)
Source: Instagram

Nagpagalingan silang manghula ng Pamagat ng mga pinakitang mga picture na mula sa mga Pinoy movies. Nanalo si Liza kay Enrique ngunit parehas nilang kinailangang kumain ng sili para sa mga maling sagot nila.

Read also

Oyo Boy Sotto, pinagsabihan ang netizen dahil sa komento nito sa asawa niya

Sa huling bahagi ng video ay pinakita ni Liza ang kanyang Gold play button mula sa YouTube sa pagkakaroon niya ng mahigit isang milyong subscribers.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang reaksiyon ng kanilang mga tagahanga:

Finally!!! Congrats Hopie on your gold plaque! We’ve missed you both! One thing that never changed is how they look at each other, look of love ❤️. Can’t wait for your next video!
You deserve that gold play button hopie we love you
Congratulations Liza! I was so happy seeing your plaque. <3 I also really enjoyed watching this vlog. I was playing along and tested myself too. It was really fun and it made me smile.

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina. Namataan si Liza ng isang talent scout noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Read also

Ina ni Madam Inutz, hindi napigilang maging emosyonal sa biyayang natatanggap

Kamakailan ay itinanggi ni Liza ang usap-usapang nagmakaawa umano siya na bilhin ang kanyang binebentang produkto.

Sinagot din niya ang mga pambabatikos sa kanyang pagtatagalog sa anime series na "Trese."

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel