Nanay ni Neil Arce, pinayuhan ang anak na maging ‘under’ kay Angel Locsin

Nanay ni Neil Arce, pinayuhan ang anak na maging ‘under’ kay Angel Locsin

- Sa video kung saan ibinahagi nina Angel Locsin at Neil Arce ang kanilang pag-eempake para sa kanilang paglipat ng bahay, nakausap ni Neil ang kanyang mommy

- Habang tumutulong sa pag-eempake, sinabi ng Mommy Jean ni Neil ang ilang habilin niya

- Masayang-masaya umano siya para sa anak na sa edad na 38 ay ikakasal na ito

- Payo niya kay Neil ay maging under kay Angel at sundin umano nito ang mga gusto ni Angel para maging masaya silang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kinaaliwan ng netizens ang payo ng mommy ni Neil Arce tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang vlog na ibinahagi, makikita ang pag-uusap ng mag-ina habang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ni Neil sa bagong bahay nila ni Angel Locsin.

Nanay ni Neil Arce, pinayuhan ang anak na maging ‘under’ kay Angel Locsin
Neil Arce at Angel Locsin (@neil_arce)
Source: Instagram

Masaya umano ang kanyang Mommy Jean na sa kanyang edad na 38 ay ikakasal na siya. Payo niya pa kay Neil, sundin nito ang lahat ng gusto ni Angel para masaya sila.

Read also

Angel Locsin, ibinahagi ang mga emosyonal na pictures ni Dimples Romana

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Angel Locsin ang isa sa mga pinaka-iconic na babaeng artista ng ating henerasyon. Bida siya sa mga sikat na teleserye gaya ng “Darna,” “The Legal Wife,” at “Mulawin.”

Ang aktres ay ang dating nobya ng Kapamilya host na si Luis Manzano. Nang magkahiwalay sila ni Luis, naka-relasyon niya ngayon ang film producer na si Neil Arce.

Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan si Angel matapos kumalat sa social media ang larawan ng isang module na tila kinukutya ang kanyang pangangatawan.

Sa kabila ng kanyang pinagdaanan noon na red-tagging, isa si Angel sa mga artistang nagtayo ng community pantry.

Hindi din pinalampas ni Angel ang basher na bumatikos sa kanya matapos magpabakuna ang kanyang magulang.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Read also

Angel Locsin at Neil Arce, pinakilig ang mga fans sa kanilang post matapos isapubliko ang pagpapakasal

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel